"Dumiretso ka sa kusina at kumain," pambungad ni Ate Lizzy pagdating na pagdating ko.
Sabog pa rin ang isip ko at hindi makapaniwala sa natuklasan. Wala pang confirmation pero siguradong-sigurado na ako. Kaya excited na excited akong umuwi ay para makapagcellphone na ako at makapag search ng article tungkol sa kaniya.
I spent my day serving the customers sa resto. Kakaiba pa ang araw sa resto dahil hindi pa normal sa sobrang dami ng tao. Sunod-sunod ang pasok ng mga tao, mapa-bata man o matanda. Mas nadagdagan pa iyon nang sumapit ang alas kwatro y media at uwian na ng karamihan sa mga estudyante. Muntik pa akong mag overtime pero buti nalang at dumating si Alice at Annie, iyong kambal na katrabaho rin namin kaya pinayagan na akong lumabas.
"Saan ka ba kasi nagsusuot? Akala ko ba ay hanggang alas dos lang ang klase mo?" pang-uusisa ni Ate Lizzy.
"Diyan lang po sa labas, Ate."
"Ano ba naman iyang labas mo na 'yan? Araw-araw kang lumalabas! Ginagabi ka pa."
"Tsaka iba na po schedule ko ngayon, 'te. Alas syete na ang uwi ko, traffic din eh."
Sorry, Ate Lizzy!
Ipinagpatuloy ko ang paglantak sa pagkain na inihanda niya. Ginawa kong busy ang sarili ko sa paglamon na parang sarap na sarap. Well, totoo naman. Masarap naman siyang magluto.
"Naku! Sinasabi ko sa 'yo, Alexis! Kapag nalaman iyan ng mag-asawa, tiyak masesermunan tayo!"
Natawa ako sa sinabi niya. Siya lang naman kasi ang masesermunan sa aming dalawa.
"Oh? Tinatawa-tawa mo-"
Napatigil kami nang biglang bumukas ang main door. Rinig na rinig ang yapak ng mga paang patungo rito sa kusina.
"Oh! Sir Draze! Kumain ka!"
Aligaga pa itong naghain ng kaniyang mga niluto. Naupo naman sa tapat ko ang talipandas.
"Kumain ka na muna. Bilisan mo riyan Alexis at nang makakain ng maayos si Sir Draze. Ikaw na rin ang magligpit niyan at aakyat na ako sa taas."
Tumango lang ako. Nang umalis si Ate Lizzy ay naiwan kaming dalawa. Hindi ko alam kung bibilisan ko bang kumain o mas babagalan pa.
Ngunit gusto ko yatang sundin ang una. Ramdam ko kasi ang tingin niya at kitang-kita ko kahit hindi ako tuluyang nakaharap sa kaniya.
"You can ask me."
Natulos na naman sa kinauupuan ko. Hindi ko namalayang nabitawan ko na pala ang kutsara't tinidor na hawak. Halos hindi ko na manguya ng maayos ang kinakain ko kaya muntik pa akong mabulunan sa harap niya.
"Calm down, Xenith." Matigas na utos niya.
Hindi pa rin talaga ako sanay na nagsasalita siya. Sanay akong tahimik at mukha siyang pipi.
"Uhm... m-model ka pala?"
Anong level na katangahan iyan, Alexis?
Palihim kong kinukurot ang sarili ko. Nakakahiya!
Klaseng tanong 'yon?
"Yes, but no."
Nangibabaw ang katahimikan sa buong silid. Kahit pagnguya ko ay natigil na rin. Hinihintay ko pang dugtungan niya ang sagot niya pero hindi iyon nangyari.
Iyon lang?!
Yes but no? Ano iyon? Oo na hindi? Model siya na hindi naman model?
Ang gulo ah!
"Bakit?"
Huh?
Sa pagkakataong ito ay gusto ko nang busalan ang bibig ko.
Natigilan ako sa pakikipag-away sa sarili nang marinig kong mahina siyang napahalakhak.
"I just told you to calm down. Stop fighting with yourself."
"Hindi ako nakikipag-away sa sarili ko!"
"Alright, Xenith." Huminga siya nang malalim at sumandok ng kanin na inabot niya pa sa harap ko.
Kumuha siya ng ulam at nagulat pa ako nang dagdagan niya pa ang ulam ko. Naglagay pa siya ng kaunti sa gilid ng plato ko.
"I work as a model, but not all the time. I'm selective about the offers I take. I only accept offers that benefit my company. I prefer being a businessman, managing my own products and company, which includes modeling my own products."
Napatango-tango ako.
Napasubo ako ng isang kutsarang kanin nang narealize ko ang sinabi niya.
Modeling his own product? Managing his own business?
"So, CEO ka pala talaga?"
Akala ko ay trip niya lang magpatayo ng resto bar kasi bored siya dahil pinatapon siya rito sa Pilipinas mula sa Hongkong.
"Yes, technically. But for now, Dionela has taken over."
"Nasa Hongkong ba ang company mo?" usisa ko pa.
Tumango ito. "Some of them."
Umawang ang bibig ko.
What? Some of them? Ano nga ulit tagalog nun? Some of them?
Meaning hindi lang isa ang company niya?
Bigla akong nanliit sa kinauupuan ko. Naalala ko ang mga pinagsasabi ko sa kaniya nitong nakaraan. Nahihiya ako.
"Pero bakit si Ma'am Dione ang nagmamanage? I mean, yes, nanay mo naman-"
"Stepmother," pagtatama niya na ikinagulat ko. "She will give it back to me in one condition."
Kumunot ang noo ko.
"What condition?" tanong ko na pinagsisihan ko rin agad. Natampal ko ang bibig ko nang biglang mawala ang sigla ng mga mata niya.
Bumalik sa pagiging blangko ang tingin niya.
"Only if I accept one of my biggest offers in modeling," sagot niya.
Pagkatapos ay tumayo na ito agad at tumalikod sa akin. Dire-diretso ang lakad niya palabas ng kusina at iniwan akong tulala.
Anong nangyari? May nasabi ba akong mali?
Malamang, Alexis!
Bakit ba naman kasi ang kulit-kulit ko? Baka naman masyadong personal na topic iyon!
Anong gagawin ko?
Nainis ba siya?
Galit, Alexis!
What if bukas wala na pala akong trabaho? Or what if ibawas iyon sa suweldo?
Nakakaloka naman!
Hindi na talaga mauulit! Magiging maingat na ako sa mga tanong ko sa susunod! Babawasan ko na ang pagiging tsismosa ko lalo na kung hindi si Ate Lizzy ang kausap ko.
Dali-dali kong niligpit ang mga pinagkainan. Pagkatapos ko ay pinatay ko na ang ilaw sa kusina kaya tanging sinag lang ng buwan mula sa labas na tumatagos sa bintana ang nagpapaliwanag sa silid.
Diretso ang lakad ko palabas para makaakyat na sa kwarto. Ngunit bago marating ang hagdan ay nadaanan ko muna ang sala at sa labas niyon ay ang maliit na terrace na malapit sa main door.
Doon ay natatanaw ko ang makisig na likod ng isang lalaki. Nakatayo ito at nakatingin sa langit habang nakasandal sa railings. Ang katawan niya ay bahagyang nakatagilid sa akin. Kaya likod lang at tagiliran ang nakikita ko nang maayos. Mula rito sa kinatatayuan ko ay kitang-kita ko ang paghithit niya ng hawak na sigarilyo.
Naninigarilyo siya!
May nasabi talaga akong mali! Galit siya at nastress yata sa akin!