Kabanata 14
"Señorita, bakit po ba tayo nagtatago rito? Hindi ba't kabilin bilinan ni sir Ran ay manatili ka sa bahay?" pabulong na tanong ni Melissa habang si Kali nama'y abala sa pagkuha ng litrato kay Ran gamit ang digital camera niyang dala.
Hapon na nung umalis si Ran, ilang oras din naghintay si Kali na umalis ito para sundan at kamuntikan pa siyang makatulog sa paghihintay. Nasa labas sila ng sinasabing Café Laguna, may kalayuan ito sa kanilang bahay at tumakas lang siya mula sa mga nagbabantay sa gate ng bahay nila. Naniwala naman ito nang sabihin niyang pinapasunod siya ni Ran dahil may pupuntahan sila.
"Hinuhuli ko siya, okay? Narinig ko kahapon nung magkausap sila ng babae niya patungkol sa isang plano."
"Oh, ano naman ang plano nila?"
"That's something we have to find out. Malay natin he's a spy and Dad doesn't know about this."
"Spy? Parang hindi naman ang bait kaya ni Sir."
Natahimik ito nang samaan niya ito ng tingin. Seriously, sa lalaking yun pa talaga lumaban itong kasama niya imbes na sa kanya naman dapat. Hinila ni Kali si Melissa saka itinulak sa loob ng café pareho silang nakasuot ng cap at jacket. Binalot nila ang sarili nang maayos ng hindi madaling mabuking ng lalaki at saka sila pasimpleng dumaan sa mesa ng mga ito.
Narinig niyang nag-uusap na ito sa plano mula sa bibig ng babae. Umupo sila di kalayuan sa mesa ng dalawa at saka naman sinenyasan si Melissa na umorder ng kape at pasimpleng i-record ang pag-uusap nila Ran. Aayaw sana ito dahil natatakot siya pero nang pagbantaan naman niyang ibababa niya ang sweldo ay wala na itong nagawa kundi ay sumunod sa lahat ng ipinag-uutos niya.
Tumikhim siya at umaktong lumilinga linga sa paligid nang biglang mapatingin si Ran sa gawi niya. Mukhang hindi naman siya nito nakilala dahil bumalik lang din ito sa pakikipag-usap sa babae.
Maya-maya pa ay bumalik si Melissa at agad naman niyang hinablot ang inorder nito at pasimpleng bumulong na iparinig sa kanya ang na-irecord at gayun na lamang ang panlulumo niya nang hindi masyadong rinig ang pag-uusap dahil sa ingay ng paligid.
"Lumapit ka sa kanila, mag order ka ulit doon."
Dali dali tumayo si Melissa at sakto namang pagkalingon niya sa direksyon ng dalawa ay wala na ito sa kinauupuan at nasa labas na patungo sa kanya kanyang sasakyan ng mga ito. Napamura si Kali sa kanyang isipan nang tuluyang makalayo ang sasakyan ni Ran.
Mautak talaga ang lalaking iyon pero hindi ako susuko.
Sa sumunod na araw ay sinundan ni Kali nang palihim si Ran, nasa bahay lang ito sa may library at may kausap sa telepono. Si Kali naman ay maingat na maingat na naglakad papasok at nagtago sa ilalim ng mesa kung saan nakapwesto ang mga librong hiniram ng binata. Sa tingin niya ay ang kausap nito sa telepono ay iyon pa ring babae. Ngunit isang minuto palang ang lumilipas na nakikinig siya sa usapan ng mga ito ay ibinaba na agad ng binata ang tawag dahil mag te-text nalang daw ito dahil choppy ang linya ng babaeng kausap.
Walang nagawa si Kali kundi ay lumabas muli sa pinagtataguan. Pangalawang beses na niyang subok pero bigo na naman siya. Hindi kaya alam nitong nakikinig siya? Iwinaglit iyon ni Kali sa isipan, impossibleng nakita siya nito eh naging maingat naman siya. Sadyang minalas nga lang talaga siya.
Sa pangatlong beses naman ay bigo pa rin sila ni Melissa na marinig ang usapan nito sa babae dahil inilock nitong mabuti ang pinto at nasa loob naman ang aso nitong si Hiro at tahol nang tahol. Kamuntikan pa silang mabuking dahil bigla bigla nalang nagbukas ang pintuan mabuti na lamang at nakaisip agad siya ng rason at dumiretso sa kwarto niya na para bang walang nangyari.
BINABASA MO ANG
The Mayor's Daughter
RomanceMatigas ang ulo, maldita, spoiled brat, at malandi iyan ang mga bagay na natatanggap niya mula sa lahat ng mga taong nakapaligid sakanya. Kinalakihan na niya iyon at tinanggap na hindi na niya mababago pa ang pananaw ng iba patungkol sa kanya. Kali...