CHAPTER 22

39 24 30
                                    

"Kadiri pre! Tang'na ka!" tinulak nya si Caiden sa muka, sumimangot naman ang lalaki.

"Si babe naman nahiya pa. Lika rito kiss kita." Ngumuso si Caiden at umamba na hahalik ulit sa kanya, tumakbo naman agad si Callen papunta sa'kin para magtago.

Natatawa kong pinunasan ang kanyang pisngi. Gagawa-gawa ng kalokohan hindi naman kayang panindigan. Dahil sa akin nakilala nya si Caiden, matagal na silang magkakilala pero parang hindi pa sya sanay na lahat ay sasakyan ng lalaki pagdating sa kalokohan.

Sa pansamantalang nangyari nakalimutan ko na nandito ang grandparents nya, pansamantalang nawala ang kaba sa dibdib ko pero nang marinig ko ang boses ng lola nya bigla na naman akong kinabahan. Nanlamig bigla ang kamay ko at nanghina ang tuhod ko.

"Is she?" the old woman asked.

Hinapit ni Callen ang bewang ko palapit sa kanya. "Yes. She's Larissa Elaine, my lovely wife. Honey, this is my Mommyla, Ma. Cecilia and Daddylo Eugenio Velez."

Napalunok ako.

Kahit kinakabahan nagawa kong ihakbang ang paa palapit sa kanila. Inabot ko ang kamay nila para magmano, bahagya akong yumuko upang gumalang.

"Magandang umaga po, kinagagalak ko po kayong makilala." mariin akong pumikit, laking pasasalamat ko dahil hindi ako nautal o pumiyok.

"50billion layuan mo ang apo ko."

"P-po?"

Umawang ang labi ko at napakurap. Hindi ko akalain na sasabihin 'yon ng lola nya. Tiningnan ko sya ng mabuti nagbabakasakali na nagbibiro lang sya pero hindi, halata sa muka nya na seryoso sya sa sinabi. Akala ko sa korean drama lang 'yon nangyayari, akala ko hindi 'yon nangyayari sa totoong buhay. Ang ganitong pangyayari ay sa palabas lang o kaya ay sa nobela hindi ko akalain na mararanasan ko 'to. Para akong binuhusan ng malamig na tubig ramdam na ramdam ko ang panlalamig ng katawan ko.

"La! 'Wag mong takutin ang asawa ko!"

"Hindi ako nananakot." umismid ito.

"H-hindi ko po ipagpapalit ang apo nyo para sa pera..." lakas loob kong saad habang nakatingin mismo sa mata ng kanyang lola.

Hindi ko ipagpapalit sa pera si Callen. Hindi ko kailangan ng pera nila dahil mayroon din ako niyon. Hindi ako mamahalin ng pera nya, hindi ako kayang alagaan ng pera. What I need is my husband not their money. Nakaka offend ang sinabi ng lola nya kasi pakiramdam ko ang baba ng tingin nya sa'kin pero dahil lola sya ni Callen at nirerespeto ng asawa ko pinalampas ko ang nangyari.

Huminga ako ng malalim bago magpatuloy.

"Pero kung dadag-dagan nyo po ang offer... Pagiisipan ko. Madali naman po akong kausap. " Ngumiti ako.

Sino ba ang niloloko ko? Ang laking halaga na ng binibigay sa'kin tatanggihan ko pa ba? Sa fifty billion mabibili ko lahat ng gusto ko. Makakapunta ako sa kahit saan, 'yong tipong kakain ako sa Korea iihi ako sa Germany. Kapag may ganoon akong halaga kaya kong gawin lahat. Kahit bumili pa ako ng maraming Callen ay magagawa ko.

Money can buy happiness!. Who said it didn't?

"I like you hija. We'll talk about that later."

"No more later La!" hinawakan ako ni Callen sa braso at tinago sa likod nya sumilip naman ako sabay ngiti sa kanyang Lola.

Nagbibiro lang ang lola nya ramdam ko 'yon at mas lalo kong nakumpirma noong kindatan nya ako ng palihim. Siguro gusto niya na inisin ang apo kaya sinakyan ko nalang ang gusto nya.

While waiting for the other member of Velez family we stayed at their living room. The living room is spacious, filled with plush sofas and elegant decorations.

Captivating Deception (Affection Series 1) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon