Elizabeth
Bigla may babae lumapit sakin at hinila ang buhok ko. Pati Anit ko sobra sakit dahil ang lakas ng pagkahila niya sa buhok ko.
"Y-You bitch, malandi, mang-aagaw ka!" Nanlilisik ang mata niya nakatingin sakin. Parang kakainin niya ako ng buhay. Kinuyom niya ang kamao nito.
"Anika!" Sambit ko.
"Kilala mo ako? Ako lang naman ang legal na girlfriend ni Ezekiel. Walang hiya ka Inagaw mo ang boyfriend ko. Malandi ka babae ka" Matigas na sabi niya.
Tinulak ko siya kaya nabitawan niya ang buhok ko.
"Kahit kailan hindi ko inagaw sayo si Ezekiel. Hindi ko nga alam may girlfriend siya dito sa Manila."Sabi ko.
"Layuan mo si Ezekiel kung ayaw mo kalbuhin kita" Pagbabanta niya sakin.
"Anika ano ginawa mo kay Elizabeth? Diba nag-usap na tayo dalawa na kahit kailan hindi kana pupunta dito. Ang kapal talaga ng mukha mo magpakita dito. Ilan beses na kita tinataboy ng paulit-ulit, habol ka parin ng habol sakin" Saad ni Ezekiel.
"I love yo---------" Nag senyas si Ezekiel.
"Matagal na tayo tapos Anika. Hindi ka naman siguro bobo ano? Naiintindihan mo naman ang sinabi ko wala kana babalikan at satin dalawa. Never na mangyayare magkaka-ayos pa tayo"
"Kaya naghanap ka ng iba?" Saad ni Anika.
"No! What are you talking about Anika. Ikaw ang gumagawa ng Istorya mo bulok! Kahit kailan hindi ako naghanap. Sa amin dalawa ni Elizabeth, Pinagtagpo kami dalawa sa Davao. Anika siguro malinaw na sayo ngayon ang lahat-lahat"
"No!" Mabilis na Saad niya.
"You're crazy Anika. Hindi mahirap mahalin si Elizabeth dahil napakabuti niya tao. Malinis ang puso niya. Kahit magkalayo kami dalawa hindi mo siya katulad na humanap ng iba, Ibang-iba sayo si Elizabeth, Iniwan ko si Elizabeth sa Davao. Umiiyak siya ng iwanan ko siya. Eight months kami hindi nagkita at nagkasama pero hindi niya magawa humanap ng iba, hindi katulad mo nagpabuntis sa ibang lalaki. Mahal na mahal ko si Elizabeth. Kung may gusto ako makasama habang buhay si Elizabeth ang gusto ko. Hindi ang katulad mo. Umalis kana bago pa ako tumawag ng Security guard para kaladkarin ka palabas ng Village na ito. Alis" Halos sinigawan niya si Anika.
Wala nagawa si Anika kundi umalis.
Hinawakan ni Ezekiel ang kamay ko at hinila niya ako papasok sa loob ng sala.
"Seat" He's command.
Umupo ako sa Sofa at nakatingin siya sakin.
"Buntis ako" sabi ko sa kaniya.
Natigilan siya bigla.
"What?"
"Buntis ako Ezekiel" sabi ko ulit.
"How did you know, are you Pregnant Eli?" Wika niya
"Dahil nag gamit ako ng Pregnancy test kit at lumabas positive, Buntis ako" sabi ko sa kaniya.
"Ibig sabihin magiging tatay na ako?" Ang saya-saya ng mukha niya.
"Oo Ezekiel" sabi ko.
Bigla niya ako hinalikan sa labi.
"Thank you Elizabeth. Yes magiging tatay na ako. Wait ilan buwan ba Eli bago magpatingin sa OB GYNE?" Tanong niya.
"Four months!" Sagot ko.
"Ganun ba"
"Oo,akala ko masama ang pakiramdam ko dahil sa panahon Ezekiel. Nag gamit ako ng Pregnancy test kit at ang lumabas positive. Hindi nga ako makapaniwala na buntis ako. Magkaka-baby na tayo dalawa. Parang kailan lang diba Ezekiel"sabi ko.
YOU ARE READING
HMS #1 A Soldier Heart (R-18) Complete
RomanceBata palang si Ezekiel Montenegro pangarap na niya maging Isang Dakila Sundalo, Ayaw na ayaw niya Matulad sa Tatay niya Architect. Mas gusto pa niya humawak ng Machine gun at Armalite kaysa sa mag drawing. Sa kasamaan palad habang nakikipag barilan...