Chapter 1

2 0 0
                                    


"Ms. Gonzaga, pwede na po kayong pumasok sabi ni Mayor," sabi ng kakalabas lang na empleyado galing sa opisina ng alkalde sa bayan ng San Lorenzo.

"Thank you," sagot ko at pumasok sa opisina ni Mayor. Mayor Michael Fernandez is quite famous even around the neighboring cities for being young and good looking. I looked around and nothing has changed. The interior is well-lit and spacious. It's my second time coming here to interview the mayor and I'm not nervous at all.

"Good morning, Mayor. I'm Deanna from Makabayan Radio and I'm here for our scheduled interview. Your office has been informed yesterday, if I'm not mistaken," I started to introduce myself in case he forgot. Politicians are like that. They pretend to be nice and thoughtful but well, they're really not.

"Yes please have a seat, Ms. Gonzaga," sumenyas ito sa bandang pinto at lumabas ang kanyang sekretarya.

"What would you like to have? Coffee? Tea?..Juice?" tanong nito sa akin.

"Okay lang po," I mentally rolled my eyes.

"She'll have juice then, May," sabi nito sa kanyang secretary. Lokong 'to ah.

"How old are you again, Ms. Gonzaga?" the mayor asked and I looked at him puzzled.

"Uhm... 27?" I answered unsurely.

He raised his brow, fighting a smile from finding its way to his face and I got even more puzzled.

"Trenta pa lamang ako, binibini. Wag mo na akong tawaging 'po," sabi nito na siyang kina init ng mga pisngi ko. Ano ba to. Trip ba ako nito?

I cleared my throat.

"Shall we proceed with the interview, Mayor?" tanong ko. Ang awkward niya kasi.

"You know I was waiting for your snacks so you can be comfortable but okay, fire away," he muttered.

"The questions will be harsh, Mayor. I hope you understand," I warned. Tumango lamang ito kaya niready ko na ang akong recorder.

"Tungkol po ito sa mga nasalanta ng storm surge nitong nakaraang buwan. Ang mga residente malapit sa coastal areas ay galit na at malapit na daw magsagawa ng kilos protesta dahil delayed nanaman daw po ang tulong galing sa munisipyo. Wala naman daw kayong tulong noong kinakailangan nila," I started.

"Actually, may mga naunang tulong na silang natanggap. Hindi ba nila na kwento din yan sa inyo, Ms. Gonzaga? Iyong hinihintay nila ay second batch na ng tulong mula sa munisipyo pero malapit naman nang marelease 'yon," he answered and I shook my head.

"Aware po ba kayo sa posibilidad na baka hanggang sa mga opisyales lang ng barangay napupunta yung mga assistance na pinapadala ninyo?" kumunot ang noo nito sa aking tanong.

"Of course, I know there are possibilities like that. Pero hindi ma pipinpoint ng munisipyo kung sino sino mismo. Do you have any ideas that you can share with us, Ms. Gonzaga?" tanong nito pabalik.

"I was just telling you the possibilities, Mayor," answered and shook my head.

When the interview ended, I was positively hungry but I just looked at the snacks prepared. After a heated discussion-slash-interview with him, parang ang weird naman ata kumain sa harap niya.

"Mauna na po ako, Mayor. Thank you for your time," I stood up and he glanced at the untouched snacks prepared for me.

"You won't eat?" alok nito ngunit tumanggi na ako.

Nakahinga ako ng maluwag pagkalabas ko sa munisipyong 'yon.

"Hi! Si Mayor ba andyan?" tanong ng mataas at magandang babae sa guard sa labas.

"Opo ma'am. Ano po ang transaction natin?" tanong ng guard.

"A-ah. Ano. Ano kasi. May reklamo ako," sagot nito. I glanced at my phone. Baka may text si Kuya Roy, yung driver ng istasyon namin.

Another lady walked up to manong guard and asked for the mayor.

"Good morning. Is the Mayor in?" tanong din nito.

"Yes po. Ano po'ng atin ma'am?" sagot ng guard.

"I'm an influencer. My Tiktok name is PrettyRee. I'm here to interview your Mayor sana kasi he's gaining fame on SocMed for his looks and achievements," the lady explained.

"Ah. Parang wala po kayong naka set na appointment Ma'am Pretty. Si Kabayan Reporter Deanna lang po ang may schedule ngayon. Ipapatanong ko na lang po sa Secretary ni boss," explain ni manong guard.

"Dee! Sorry naghintay ka ba ng matagal?" sigaw ni Kuya Roy paghinto ng company car.

"Ay hindi naman po kuya. Ito naman parang others," sagot ko dito.

'Ay 'yan pala si Kabayan Deanna. Luh, ang ganda sa personal kaso parang masungit,' dinig ko na sabi ng isang empleyado na palabas din. Ano ba yan.

"Minsan talaga nakakainis yung mga tao diyan sa munisipyo kuya. Mga judgemental. Tapos yung mayor pa nakakainis sumagot sagot," sabi ko pagkaupo ko sa backseat.

"Inis ka naman talaga kay Mayor mula pa noon. Parang mabait naman si Mayor ah. Gwapo pa," sagot nito na siyang kinakunot ng noo ko. Si Mayor? Gwapo?

Oo.

Kaso corrupt naman yan.

"Okay lang naman po siya," sabi ko na lang.

"Hay nako, Dee. Pag ganyan ang mindset mo sa mga lalaki, tatanda kang dalaga nyan. O baka naman babae ang hanap mo?" kumento nito na ikinakunot ng noo ko.

Epal naman ni kuya.

"Di po ah. May gusto naman po akong lalaki. Hindi ko lang talaga type yang si Mayor," I flipped my hair saka nag daydream kay Bryan Chu na taga kabilang istasyon. Matangkad, maputi, chinito saka mukhang mabango. Maganda ang boses at palangiti din siya. Sa pagkaka alam ko, walang nobya hanggang ngayon si Bryan. Baka nga ako pa ang hinihintay niya. Napa ngiti ako sa naisip.

Dumiretso ako sa pantry pagkarating ng istasyon at naghanap ng 3in1. Sosyal kasi ang kape sa office. Maxxim. Bet na bet ko kasi feeling Korean ako pagnaka inom nito.

"Hoy andito ka na pala! Akyat ka na!" bulalas ng bagong pasok na si Gina, yung katabi ko sa cubicle ko sa taas.

"Nagkakape pa beh," I languidly reasoned out while sipping my coffee.

"Oh sige. Chichismis ko na lang in advance yung bago mong assignment," tawa nito.

"Ikaw lang naman ang mapalad na napiling magcover ng umuusbong na lovelife ni Mayor! Sana all ateng!" sabi nito na parang kiti kiting binudburan ng magic sarap.

"Huh?! Bakit ako? Mas bet ko yung mga crimes and mysteries. Ayoko ng pang showbiz," reklamo ko.

"Aba't sabi ni Miss F ay bagay daw sayo kasi maganda ka naman saka very competitive. Which is true. Bagay sayo mag cover ng entertainment. Although, kung sino man ang maging first lady ni Mayor ay may effect din sa syudad natin. Imagine if laging stressed si Mayor, edi hindi na maganda ang pamamalakad niya sa San Lorenzo," pag eexplain nito.

"Bagay nga sana kayo, Dee. Maganda ka naman, matalino tapos ang yaman yaman mo pa. Kaso ang sungit mo," dagdag pa nito.

"Hindi kami bagay, Gina. Langit ako at lupa siya. Mas lalong maiistress ang San Lorenzo kapag ako ang naging first lady nito," sagot ko dito. Di hamak naman na mas may dating si Bryan bebe ko. 

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Apr 08 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

The Mayor's GirlTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon