I'LL WAIT

9 6 0
                                    

Eto na siya.

Nakikita ko na naman siya. Patuloy lang ako sa pagsunod sakaniya.

Naramdaman niya sigurong may sumusunod sakaniya kaya bigla akong nagtago sa likod ng iilang mga estudyante na dumadaan sa corridor.

Nakita ko siyang lumingon sa likuran upang tignan kung mayroon talagang sumusunod sakaniya, nang mapagtanto niya na parang wala naman ay pumihit na siya patalikod upang magpatuloy sa paglalakad. Nakahinga naman ako ng maluwag dahil hindi niya ako nakita.

Sh!t muntikan na 'yon.

Nang makalayo-layo na siya ay nag-umpisa na ako ulit na sumunod sakaniya. Sa aking kutob ay pupunta siya sa likod ng school namin, dahil nakikita ko ang mga lugar na dinadaanan namin.

Bigla akong nakaramdam ng sakit dahil sa kagat ng lamok sa aking binti. Panay tapli naman ako sa mga ito dahil baka maubusan ako ng dugo, worst kung magkaroon pa ako ng dengue.

Habang abala ako sa pagpatay sa mga lamok na kumakagat sa aking mga binti ay hindi ko namalayan na huminto pala ito sa paglalakad at sumulyap sa akin hanggang sa lumapit na ito papalapit sa akin.

"Bakit ka nandito?" narinig ko ang kaniyang malamig na boses, tila napatigil din ako sa pagtapli ng mga lamok.

Hindi ko alam kung ano ang sasabihin ko kaya nag-isip na lang ako ng ipapalusot ko.

"Ah, eh, a-ano, inutusan kase ako ng prof. natin na tignan daw 'yong likod ng stage kung marumi na raw." mabilis kong tugon sakaniya. "O-oo 'yon nga." pagkukumpirma ko dahil halatang hindi siya kumbinsido sa sinabi ko.

Bahagya nitong itinaas ang kaniyang kanang kilay at tumingin ng matalim sa 'kin. Napayuko ako dahil medyo nakakatakot ang kaniyang awra.

"Tsk. Magsisinungaling ka na nga lang sa'kin madali ko pang malalaman na nagsisinungaling ka." medyo armado ang kaniyang boses kaya naman medyo naalarma ako.

Natahimik na lang ako dahil hindi ko pa rin alam kung ano ang sasabihin ko. Susunod na nga lang ako sakaniya nahuli pa.

"S-sorry." ang tanging nasabi ko na lamang.

Lumapit ito sa akin at agad na hinawakan ang dalawang braso ko. Nagulat ako sa ginawa niya.

Tinignan niya ako ng masama bago siya nagsalita. "Bakit mo ba ako sinusundan?! Pwede bang lumayo ka na sa akin! Huwag mo sabihing hanggang ngayon hindi mo pa rin tanggap na wala ng tayo!" nanlaki ang mga mata ko sa takot at pagkabigla sa mga sinabi niya lalo na sa pagsigaw niya sa akin. Inuga-uga niya pa ako upang pilitin na sumagot man lang.

Naiyak na lang ako dahil sa hindi ko na alam ang gagawin at mararamdaman ko. Kung magagalit ba 'ko dahil sa ginawa niya o matakot dahil sa kung paano siya magsalita o umiyak dahil sa masasakit na sinabi niya.

"Sorry, sorry Tristan." napayuko pa ako lalo.

"Anong gagawin ko sa sorry mo? May mababago ba kapag nag-sorry ka? Sa tingin mo ba babalik ako sa'yo kapag nakarami ka ng sorry sa akin? Mag-isip ka nga! Kahit pa lumuhod o magmakaawa ka sa'kin hinding-hindi na ako babalik sa'yo!" mahaba nitong turan, lalo akong naiyak sa mga sinabi niya sa akin.

"Alam mo ba ang dahilan kung bakit hinding-hindi na ako babalik sa'yo?" medyo bumaba ang kaniyang boses sa pananalita.

Tanging pag-iling na lamang ang nagawa kong pagsagot sakaniya.

Lalo namang humigpit ang pagkakakapit niya sa aking dalawang braso. "KASE. HINDI. NA. KITA. MAHAL!" inisa-isa niya ang bawat salita at mas lalo niyang diniinan ang salitang 'hindi na kita mahal'.

Sa sinabi niyang 'yon lalo na akong umiyak at nanghina na lang ang mga tuhod ko. Binitawan niya ako ng dahan-dahan saka ako natumba sa mga damuhan dito sa likod ng school. Nawalan na ng balanse at lakas ang aking katawan kaya nagpatianod na lang ako sa pagtumba.

Humikbi ako ng humikbi sa harapan niya. Kahit hindi ko siya tignan alam kong nakatingin ito sa akin.

Tumingala ako ng kaunti upang silipin ang kaniyang mukha. Napapa-iling iling na lang ito sa kalagayan ko. Napayuko na lang ako lalo dahil sobrang nakaka-awa na pala ako sa lagay kong ito.

Naramdaman kong humakbang na siya ng kaunti pa-atras. Pero bago ito umalis ay nagsalita pa ito.

"Simula ngayon, tatantanan mo na ako at itaga mo rin sa kukute mo na hinding-hindi na ako babalik sa'yo kahit kailan pa man. Sana naman tanggapin mo na ang katotohanan na wala ng tayo, halos isang taon na rin 'yon. Please, move on. Masaya na ako sa buhay ko ngayon huwag mo na akong guguluhin. Nagagalit lang sa akin ang girlfriend ko dahil lagi kang sumusunod sa akin." pagpapaalala nito.

Kinuha ko na rin ang pagkakataong iyon upang makapagsalita.

"K-kung masaya ka na talaga sa iba at ayaw mo na talaga sa akin tatanggapin ko na lang. Ngunit palagi mo ring tatandaan na pwedeng-pwede ka pa rin bumalik sa akin anytime. Tatanggapin naman kita ulit, eh. Alam mo rin ba kung bakit? Kase, mahal na mahal kita Tristan, kaya kahit masakit ipipilit ko pa rin. Kahit gaano pa katagal maghihintay pa rin a-ako sa pagbabalik mo. Mahal na mahal kita, Tristan." ngayong nailabas ko na rin ang mga salitang gusto kong sabihin sakaniya ay lumuwag luwag na ang aking pakiramdam.

"Kung ano ang gusto mo bahala ka, basta sinabi ko na saiyo ang dapat mong marinig. Ayo'kong umasa ka pa rin hanggang ngayon, ikaw lang din naman ang mahihirapan. Aalis na rin pala ako sa makalawa, sa France na ako titira upang doon na mag-aral at para rin makalayo na ako saiyo. 'Yon lang, good bye Alyson. Please, move forward." kasabay nang pagbigkas niya ng salitang good bye ay umalis na rin siya.

Naglakad na rin siya papalayo at iniwanan niya na ako sa lugar na ito.

Bigla na lang humangin, ang mga tuyong dahon ay nagsiliparan na, kumulimlim na rin ang makakapal na ulap, mukhang nagbabadya ang malakas na ulan.

Tila nakikisama rin ang langit sa aking nararamdaman. Sobrang sakit, mahal ko siya, eh. Ayaw kong mawala siya sa akin, kahit pa magmukha akong tanga, maghihintay pa rin ako sakaniya. Walang kahit na sino ata ang makakapalit sakaniya sa aking puso. Sa kaniya ring paglisan ay kasama niya rin ang aking puso na hanggang ngayon ay nasa sakaniya pa rin.

Kahit wala na talagang kasiguraduhan kung babalik pa siya ay maghihintay pa rin ako. Tumanda man akong dalaga siya pa rin talaga ang mamahalin ko at patuloy kong hihintayin. Walang kahit na sino man ang makakapagpabago nito.

🎀 :: thank you for reading!!
🎀 :: please vote and follow me po, para updated po kayo sa next upcoming stories ko^^

Sa Gitna ng Dilim (COMPLETED)Where stories live. Discover now