JOEY ONE

48 4 14
                                    

SA LOOB ng tahimik na silid, mga magagaan na yabag ang tanging maririnig kasabay nito ang pagpalakpak habang bumibilang ng isa hanggang tatlo at ito ay inuulit. Habang sa kabilang bahagi ng silid naman ay maririnig ang mabilis na tugtog na nagmumula sa maliit na estero habang binabanggit ang iba't ibang step na aakma sa tugtog.

Kasalukuyang akong nag-papraktis ng sayaw kasama ang mga taga-SEU Dance Troupe. Kami ang mga pang-umagang estudyante na walang schedule ng exam dahil karamihan sa amin ay mga pang-hapon pa ang simula ng exam. Hindi ko na rin piniling mag-review dahil last Sunday pa ako nag-aaral para sa examination week namin kaya ang pag-papraktis nalang ng sayaw ang aking piniling gawin. Sabi-sabi kasi ng matatanda na mas mainam ng gawin mo ang mga gusto mo sa araw ng pagsusulit kaysa mag-review pa.

"Okay Guys! Water break muna!" Sigaw ni Ate Grace. Siya ang pinaka-señior sa amin at ga-graduate na 'yan ngayong taon kaya puspusan ang pagpa-praktis namin lalo na ang pag-t-train niya sa amin. Mula pa kasi first year si Ate Grace sa Troupe, parang pamilya na niya ang buong Troupe kaya gusto niyang mag-iwan ng alaala bago siya magtapos.

Dinampot ko ang dala kong puting bimpo at ipinamunas sa tagaktak kong pawis, nasa ganoong posisyon ako nang may naghagis sa akin ng bottled water. Mabuti na lang at mabilis ang reflexes ko kaya nasalo ko ng hindi ako tinatamaan sa mukha.

"Nice catch Joey!" Natutuwa niya pang tugon bago prenteng naupo sa katabi kong upuan. Naiiling na lang ako at binuksan ang bote ng tubig para uminom. Hindi pa man dumadampi sa labi ko ang bibig ng bote nang may lumapit sa aking estudyanteng lalaki.

Natitigan ko siya gamit ang peripheral vision ko kaya sa tantya ko ay grade 11 palang ito at base na rin sa id lace niyang suot, kulay green iyon na may yellow lining. Mukhang grade 11 HUMSS student ito.

"H-Hi." Nauutal niyang bati sa amin, mabilis akong ngumiti at ibinaba ang bottled water na hawak ko para bumati rin sana pabalik kaso sadyang nauunahan siya ng pagiging mahiyain kaya mabilis niya ring sinundan ng...

"A-Ano,para sayo." Mula sa pagtataka ko ay bumaba ang tingin ko sa hawak niya.Isa iyong maliit na sobreng puti na may maliliit na bulaklak bilang disenyo. Tinignan ko lang iyon habang pabalik-balik ang tingin kay Jinko at sa lalaking nasa harapan ko.

Sinenyasan naman ako ni Jinko na tanggapin na lang kaya naman wala sa sarili kong kinuha mula sa kaniya ang sobreng puti. Nahigit ko naman ang hininga ko nang bigla siyang yumuko at nagpasalamat.

"S-salamat s-sana b-basahin mo." Utal niyang paalam sa akin bago tumakbo ng mabilis paalis sa harap ko, sinundan ko lang naman siya ng tingin hanggang sa mawala siya sa aking paningin.

Maang naman akong napatingin kay Jinko nagpapahiwatig na 'para saan to?' kaso ang walanghiya nagkibit balikat lang at nilayasan din ako. Napabuntong hininga nalang ako at ibinulsa ang sobreng puti.

Pagkatapos ng limang minutong water break ay bumalik na kami sa pag-papraktis. May tatlong oras pa naman kami bago mag-lunchbreak kaya sinulit ko na rin ang pagsasayaw.

Sa huling step ng sayaw which is the split one ay bigla ko na lang ginawa kasabay ng pagbitiw ko ng fierce look. Nanatili muna ako ng mga limang segundo sa ganoong posisyon bago ako tumayo. Sa pagtayo ko, narinig ko nalang ang kani-kanilang palakpak.

"Mahusay! Ganyan ang mga gusto kong iwanan as legacy. Hindi mo naman sinabing may hidden talent ka Joey!" sambit ni Ate Grace. Nakatanggap pa ako ng mahinang tapik mula kay Ate.

"Kaya kayo dapat gayahin niyo itong si Joey para naman sulit ang pagtuturo ko sa inyo," dugtong pa nito. Ako naman itong pilit na kumakawala mula sa pagkaka-akbay ni Ate Grace sa akin.

Kusa naman niya akong pinakawalan kaya naman nagkaroon ako ng pagkakataon para magpagpag ng sarili dahil sa panlalagkit. Grabe naman kasi matuwa si Ate, nanggigigil e plus parang nauhaw ako bigla dahil sa nangyari. Inabot ko ang bottled water na inihagis sa akin ni Jinko kanina at agad iyong tinungga hanggang sa maubos.

Sir, Mahal Kita!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon