Chapter One

35 1 0
                                    

#sirsupergwapo
Ang lalake ay nakatitig sa akin at ako nama'y kinakabahan na baka mystery shopper siya kaya ako naman todo bigay sa pakitang gilas.

Ilang saglit tinawag ng gwapong lalake si Alfonso. Sekreto akong nakatingin sa kanila at pilit na dinidiin ang tenga malaman lang yung queries niya. Lumapit sa akin si Alfonso. "Flor asan si sir?"

"Andun sa loob kinakausap si Jaryll" nakatitig sa akin ang pormal na lalakeng ito na parang may atraso ako sa kanya. Infairness gwapo siya at ang lakas ng sex appeal. Nag-usap sila ni sir Melo sa isang mesa. Siya ba yung bagong manager?? Si maam Candy kasi hindi nagpapigil ayon best in resign.

Ipinakilala ni Sir Melo sa amin ang lalake at my gosh his name ang sarap sambahin. "Girls listen. Meet our new manager ang magiging kasama namin ni sir Rey para mapabuti ang store. Si sir Ivan." I am so speechless na parang kagat labi sa ere. "Sir Ivan meet my angels she is Julie,Rona and my the best cashier Flor." Echosero talaga si sir Melo na highlight nanaman pangalan ko sa sanlibutan.

Closing si Sir Ivan ako naman ay mid ang schedule. He is so very focus sa operation at infairness ang gwapo niua sobra. Nakaka inspire mag punch sa pos. Parang baliw na ako.

"Girl pwede ka ba mag closing today?okey lang ba?" Si Julie undertime as usual. "Sir Melo, si Julie po uuwi ng maaga kasi masakit yung ulo niya, na stress siguro sa mga senior." "Sige Flor you take over until closing. And then uuwi din ako wag mong pabayaan si sir Ivan,"

Ay? Sa akin iniwan ang gwapong yun. Ano to? Personal p.a?? Di bale malaki na siya.

Gabi na ala siete. Walang customer at nakatayo ako na parang wala lang. Yung iba nag uusap sa isang sulok ang iba naman ay naglilinis. Napansin ako ni sir Ivan na tulala lang. "Hey! What's wrong?" His voice is so cold at ako naman wala lang. "Inaantok na ako sir wala ng customer" "ganito ba dito? Kahit ako inaantok na rin." "actually sir make yourself busy lang ang kailangan. Sige sir kuha muna ako ng mop at makapag linis" Pagkakuha ko ng mop hinga malalim at sampalin ang pisngi ng di malakas. Nakangiti akong nag mamop at napansin ito ni Branday. "hanggang langit ang ngiti natin ah?Sino ang inspirasyon share naman jan.?" I look branday and I snob him.

Bakit tanong ko lang. Pagnakangiti ba may inspiration agad?? Ang tanong meron ba talaga?? Ah basta ako go lng ng go parang globe.

Oras na ng uwian. Kami ay handa na sa pag-uwi. Samantala si sir Ivan eh? Parang bukas pa matatapos sa reports niya. "Okey guys thank you for your efforts. I already check the stations and no deviation noted. Ang lahat ba ay naka punch out na?? Pwede na kayong umuwi." His the man of a cold voice that embraces my innocent body and mind. May bago na akong crush.. Si sir Ivan ang tipong magaan kausap for sure. Naiilang pa ako sa kanya di bale ako ang mag aadjust.

Nakatayo ako sa gilid ng kalsada nag aabang ng sasakyan. Alas dyes na at walang sasakyan. Parang papayat ako nito. Ang katawan ko ay nababalot ng lamig dahil sa ihip ng hangin na walang humpay. Habang ako ay nag aabang ng sasakyan naabutan ako ni sir na nakasakay siya sa kaniyang mio. "Andito ka pa??" Ang tanong niya na parang masaya pa sya sa sitwasyon ko." Yakap yakap ko ng mahigpit ang bag ko na di naman kagandahan. "Wala po kasing sasakyan papunta sa amin." Kinuha ni sir ang helmet niya. "Saan ka ba nakatira??" "Ako po??" Nakangiti siya sa akin at ako na man ay parang sasabog na kinikilig to the bones. "So?where is your house?" Nganga ako. Di ko maibuka ang bibig ko na parang sasabog na. "Uhm?malapit po sa palengke sir." "oh! Doon din daan ko. Angkas ka sa akin ihahatid kita." Wow hatid ba ang narinig ko? Kinilig nanaman ako. Ini abot niya sa akin ang helmet niya. Lord ang bango naman. Naki angkas ako. Grabe ang tahimik niya at ang bango ni sir Ivan super. Macho siya as in ang kisig.

Sa wakas nasa gate na ako ng bahay namin. "Sir thank you sa paghatid sa akin." "You're very much welcome, okey, see you tomorrow dont be late" I smile at him.

Ayon na siya. Naku naman ang ganda ng araw kong ito.

I Fall to YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon