Kabanata 17

71 7 0
                                    

Kabanata 17

"Can we join you, guys?"

Napalingon sina Ran at Stacy sa direksyon nila Kali. Umaktong parang naiinitan si Kali kung kaya't hinubad niya ang see-through niyang long sleeve at saka ibinandera ang suot niyang pulang two piece at saka naman siya ngumiti nang malapad.

"Alex? Is that you? I miss you." Masayang wika ng babae at saka nilagpasan si Kali para yakapin nang mahigpit si Alexander.

Nang balingan naman siya nito ay saka naman siya tumikhim at ngumiti ng peke at ipinakilala ang sarili.

"Hi, I'm Kali."

"Hey, Kali. I'm Stacy, it's nice to meet you. Pasensya na at bigla akong nakisali sa family outing ninyo."

Buti naman alam mo.

"No, it's fine. I'm actually glad that you are here para may makausap naman akong ibang babae bukod sa mga kamag-anak ko.Hindi kasi ako makasabay sa usapang pang-matanda nila."

"Ran? Is it okay with you na isama natin sila? It would be fun, don't you think?"

Hindi ito nakaimik agad at ang atensyon ay nasa suot na two-piece ni Kali. Hindi niya talaga maintindihan ang paraan ng pananamit nito, but he finds her sexy, indeed, Fin was right, red suits her better.

"Fine." Simpleng sagot nito at tinulungan ang kaibigang si Stacy na makasakay sa bangka.

Habang si Kali nama'y naghintay na tutulungan rin ni Ran matapos sumunod ni Alexander kay Stacy. Tanging silang dalawa nalang ang naiwan, akmang ilalahad na niya ang kamay niya nang lagpasan naman siya nito at dire-diretsong sumakay sa bangka at iniwan siyang napahiya.

What a jerk.

"Aren't you coming?" he then asked while putting on his sunglasses.

She was close to rolling her eyes. "I am."

Sa sumunod na ilang mga minuto natagpuan na lamang ni Kali ang sarili na nakatanaw sa malayo habang pinapakinggan ang pag-uusap nina Alexander at Stacy. Kanina pa ito magkausap at nagtatawanan at pa minsan minsan naman ay sumasali si Ran sa mga ito. Gustuhin man niyang sumali sa usapan nila ay wala siyang nagawa dahil hindi naman siya makarelate lalo na't ang pinag-uusapan nila ay ang college life nilang tatlo.

Sinubukan naman niya kanina na magopen up ng ibang topic pero sa tuwing ginagawa niya iyon sinadsadya naman ni Ran na ilihis ang pinag-uusapan hanggang sa matahimik na lang siya at hinayaan ang tatlo. Naririndi siya sa pagtatawanan nila dahil pakiramdam niya siya ang pasimpleng pinagtatawanan ng mga ito.

Maya-maya pa ay napansin siyang uli ni Stacy at tinanong. "How about you, Kali? How is your college life?"

Tipid siyang ngumiti. "It was good."

"Ah...you probably do all you want, like partying and drinking a lot. I envy you, when I was in college, I couldn't do all the things that I wanted mabuti nalang at naroon si Ran at sinasamahan ako sa pag-aaral sa library kaya naging okay ang college life ko."

"Palagi kaming magkasama kung nasaan ako naroon rin siya. Akala nga ng iba na girlfriend niya ako. Haynaku," pagpapatuloy nito na para bang pasimpleng pinapainggit siya.

Hindi niya alam kung ano bang dapat niyang sasabihin niya kung kaya't tumango nalang si Kali at nag-iwas ng tingin. She can tell by the way the girl looked at Ran she definitely has feelings for him. And Ran? There was nothing special every time he stared at her, nahihirapan si Kali na pakiramdaman ito kung may paghanga rin ba ito sa kaibigan. That's because most of the time, he is emotionless.

Kali was glad when Alexander tried to break the silence between them.

"Magswimming na tayo nasa may deep part na tayo ng dagat." Suhestiyon nito na siya namang ikinasang-ayunan ni Stacy at saka ito naunang lumusong sa tubig.

The Mayor's DaughterTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon