Kabanata 21
"What?!"
"Ohmyghad, Am I hearing this right? Sinulot mo ang bodyguard ng pamilya natin dahil diyan sa kalandian mong yan? Hindi ka na nahiya!" Roselle looked at her with disgust.
"Is this true?" ani naman ng ama niya at tinapunan ng seryosong tingin ang kakadating lang na binata.
Nang sandaling iyon hindi nag-iwas si Kali ng tingin kay Ran bagkus ay tinignan niya ito sa mata na may pagmamakaawa habang ang mga luha ay patuloy pa rin tumutulo sa pisngi niya. Wala na siyang pakialam kung magmukha man siyang desperada basta't ang nasa isip niya ay kailangang hindi siya maikasal kay Alexander.
"Tell me, she's lying right?"
Humugot na lamang ng buntong hininga si Ran at inilagay ang kamay sa bulsa saka bumaling sa seryosong ama. Sa pagkakataong yun inihanda na ni Kali ang mapahiya sa lahat, malakas na malakas ang kabog ng kanyang dibdib at napayuko na lamang nang magsimula itong magsalita.
"Sir...ako na po ang humihingi ng pasensya-"
"See? Kali, you're lying!" sabat ni Roselle at nailing.
"Roselle! Let Ran talk hindi pa siya natatapos."
"Oh, Ramon you believe your daughter?" Natawa ito nang may pagkasarkatisko at bumaling kay Ran habang nakaekis ang mga braso. "Sabihin mo iho, she's not right pregnant, right?"
"I'm afraid to tell you this, but she is. I'm sorry." Did he really---?
Muling nag-angat ng tingin si Kali kay Ran. Hindi niya ito makitaan ng kung anong reaksyon gaya ng inaasahan at sa loob loob niya alam niyang galit ito at napipilitan lang.
"Oh no, no, no. This can't be true!"
"Enough, Roselle." Kalmadong wika ni Ramon at tinuro si Ran. "Come with me in my office now."
Agad na tumalima si Ran at sumunod kay Ramon hanggang sa naiwan nalang sa sala ay silang Kali, Robert, Roselle at Faith. Pero hindi na nagtagal si Roselle at umalis na rin na may kung ano ano pang sinasabi at dinala naman siya ng Tito Robert niya sa labas para kausapin siya nang masinsinan.
"I know that wasn't true."
"Tito please...don't tell Dad about this. Ayokong maikasal sa taong hindi ko naman mahal." Pagmamakaawa niya.
"I won't. Basta't sasabihin mo sa akin ang rason mo kung bakit nagawa mong saktan ang anak ni Mr. Santos."
May pag-aalinlangan man ay pinili ni Kali na sabihin ang totoo kay Robert ang lahat dahil alam niya na ito lang naman ang nakikinig at naniniwala sa kanya at may tiwala rin siya dito.
PAPAAKYAT na ng hagdan si Kali nang magkasalubong sila ni Ran. Agad siyang tumalikod para sana ay iwasan na naman ito sa pang limang beses ngunit sa pagkakataong yun hindi na siya hinayaan pa nitong makawala at hinila siya sa loob ng kwarto nito nang walang nakakakita.
Mabilis siyang idiniin nito sa pader bago pa man siya makagawa ng ingay. Nakahawak itong maigi sa kamay niya.
"Let's talk." Malalim ang boses nito at medyo paos.
"For what?"
"For what you did-"
"It wasn't my intention to involve you pero wala akong choice! I don't want to get married with Alexander! I don't love him, alright? Kayo naman ang nagpipilit sa akin sa lalaking iyon in the first place at isa pa kung gusto mo bibigyan kita ng napakalaking pera bilang bayad ko sayo. How much do you need?"
Nagulat siya nang bigla nitong suntukin ang pader sa gilid niya.
"Are you that stupid? You think I brought you here to talk about money? How dare you, Miss Rosales."
BINABASA MO ANG
The Mayor's Daughter
RomanceMatigas ang ulo, maldita, spoiled brat, at malandi iyan ang mga bagay na natatanggap niya mula sa lahat ng mga taong nakapaligid sakanya. Kinalakihan na niya iyon at tinanggap na hindi na niya mababago pa ang pananaw ng iba patungkol sa kanya. Kali...