“Anxiety/Depression is not a joke...”
✍️mhadztngsn
FB Page: Mhadz ;Mas marami pa ang araw na gusto mong mag-isa.
Mas marami pa ang araw na ayaw mong magsalita.
Mas marami pa ang araw na ika'y tulalaMas marami pa ang gabi na hindi nakakatulog
Mas marami pa ang gabing ginigising ng masamang bulongPalaging takot at kinakabahan
May takot na baka hindi ka nila maintindihanAng isipan na puno ng kung ano-ano
Hindi man gustuhin ang mga ito,
pero bakit hindi ito mapigilan?
Hindi mapigilan ang sarili na hindi mag-isip
Sa dibdib ay nagpapasikip
Sa ulo ay nagpapasakitPakiramdam na hindi ka sapat
Pakiramdam na hindi na lang dapat
sumabay dahil nagiging pabigat
Pakiramdam na hanggang diyan ka na lang
Araw-araw na nilalabananMakararamdam ng pagod
Makararamdam ng pagsuko
At sa oras na dumating ang mga ito
Isipin ang mga taong hindi ka sinukuan
Ang mga taong hind ka iniwanan
Iyo mang ipagtabuyanMadadapa, mapapagod at iiyak...
Pero huwag sanang mapagod na ika'y bumangon
Magdasal na sana ika'y makaahon...
BINABASA MO ANG
Random Thoughts (The Anthology)
RandomA collection of my random thoughts ;) READ AT YOUR OWN RISK ‼️