Sabrina
K-Kasama ko si Lola Dolores at ang Pinsan ko si Flordaliza na namasyal sa Bukirin ni Lolo Antonio. Medyo nakaka-adjust na ako kung ano ang buhay dito sa Probinsiya. Ibang-iba ang pamumuhay dito kumpara sa Manila. Malapad ang palayan ni Lolo. May mga tanim na gulay katulad ng talong, ampalaya at ibapa. May tanim si Lolo ng Sili panigang at kamatis. Nag harvest kami ng gulay para dalhin sa bahay ni lola.
Hindi ako pwede mag inarte at patamad-tamad baka sabihin ni lola kay mama na ganito ang Attitude ko dito sa Probinsiya. Mas lalo pa ako mayayare sa kaniya. Medyo marami na ang na harvest namin ni Flordaliza kaya tinigil ko na ang ginawa ko. Ang dami insekto kaya kinakagat ang balat ko.
O-Oh my Goodness!
"Ate Sabrina anong nangyare sa balat mo? Ang dami mo kagat ng insekto" Saad ni Flordaliza habang nakatingin sa braso ko.
"Kinagat ako ng mga insekto, Hindi ko naman alam na marami pala insekto dito" sabi ko.
"Oo nga ate marami talaga Insekto dito. Huwag mo kamutin baka magsugat yan balat mo. Ang ganda-ganda pa naman ng kutis mo ate. Kutis Artista" Nakangisi Saad niya. Ginulo ko ang buhok niya.
"P-Puro ka talaga biro dyan e" sabi ko
"Hindi naman ate Sabrina" wika niya.
Hindi kami tumagal sa bukid ni lolo. Umuwi kami sa bahay. Naligo ako agad dahil ang kati-kati ng balat ko. Sabi ni lola may malapit na botika dito. Bibili nalang ako ng gamot sa kati-kati para mawala ito. Itchy!
Lumabas ako sa bahay para pumunta sa Botika na sinasabi ni lola sakin. Naglakad ako sa Highway, Medyo malayo sa bahay, Palinga-linga ang tingin ko sa paligid ng makita ko si Father Ezra. Patawid siya sa kalsada kaya nagmamadali ako para lapitan siya.
"Hi Father Ezra" binati ko siya. Nilingon niya ako. Buo na naman ang araw ko dahil nakita ko siya.
"Oh ikaw pala Sabrina. Kumusta kana? Mukha may lakad ka?" Nakangiti Saad niya.
"Opo Father, Pupunta ako sa Botika para bumili ng gamot. Kinagat kasi ako ng insekto Father." Sabi ko sa kaniya.
"Ganun ba. Mahapdi ba?" Tanong niya.
"Hindi naman po Father, ikaw saan ka pupunta?" Tanong ko sa kaniya.
Ang gwapo ni Father kapag casual ang suot niya. Manly na manly ang mukha at ang pogi talaga. All in one na kay Father na.
"P-Pupunta ako sa Palengke,bibili ako ng Isda, sariwa ang mga isda ngayon sa Palengke" Grabe ang ganda ng ngipin ni Father. White teeth at pantay na pantay.
"Gusto mo ba samahan kita Father" Presenta sabi ko sa kaniya.
"Sigurado ka sasamahan mo ako Binibini, Baka may ginagawa ka sa bahay mo?" Umarko ang kilay niya.
"Wala ako gagawin ngayon Father, ah sakto may bibilhin ako sa Palengke." Saad ko.
Yes ang saya-saya ko dahil makakasama ko siya ngayon. Kahit hindi ko masabi-sabi sa kaniya na Gustong-gusto ko siya, masaya ako na makakasama ko siya kahit sa ganito paraan lang. Buong-buo na naman ang araw ko. Kahit mali ang nararamdaman ko sa kaniya wala ako pakialam basta gusto ko siya. Gustong-gusto ko na talaga siya. May dahilan ako kaya gusto ko tumagal dito sa Tarlac dahil sa kaniya.
"Shall we Binibini" Saad niya.
Kinikilig ako habang papunta kami ni Father Ezra sa Palengke. Gustong-gusto ko hawakan ang kamay niya kaso hindi puwede dahil Pari siya at may makakita sa amin. Kahit sa pa simple sulyap sa kaniya okay na ako.
"Binibini may nagtitinda ng masasarap na kakanin dito sa Palengke. Baka gusto mo kumain. Ililibre kita" Bigla ako natuwa sa sinabi niya.
"T-Talaga Father Ezra, Ililibre mo ako kakanin?" Namilog ang mata ko nakatingin sa kaniya. Kinagat ko ang labi ko.
YOU ARE READING
MBS #2 Priest Falling Inlove [R-18] Complete
RomanceEzra Montecarlos is a Priest, Mahal na mahal niya ang maglingkod sa Diyos at Mangaral ng salita ng Diyos. Isang araw makilala niya ang babae si Sabrina Nunez, Masayahin, Palangiti. Hindi namamalayan ni Father Ezra na Mahuhulog na pala ang loob niya...