Chapter 23

61 2 0
                                    

HINDI alam ni Amora kung anong gagawin niya. Ilang araw na kasing hindi nagpapakita sa kanila si Lime. Ang anak niya naman ay parang wala lang dito na hindi nagpapakita ang binata sa kanila. Ang ginawa niya lang ay ang maghatid at sundo sa anak pagkatapos ay diretso na sa shop. Ganoon ang ginawa niya sa nakaraang araw na wala ang binata sa tabi nilang mag-ina.

Napabuntong hininga siya ng may kumalabit sa kanya.

"Ate, may naghahanap sa'yo na pogi."ani ni Saffiya sa kanya na parang kinikilig.

"Sino raw?" Tanong niya rito.

"Cloud ang pangalan, Ate." Pabulong na ani ni Saffiya na nahihimigan ang kilig sa boses nito. "Ang suwerte naman kapag ka-sex siya dahil abot hanggang ulap siguro ang sarap, katulad ng pangalan niya."

"Magtigil ka diyan. Akala ko ba may ka harutan ka na."

"Hindi lang kaharutan. Sugar daddy ko 'yon, araw-araw ba naman kung anong pinapadala sa akin. Tapos parati pa akong busog."

"Busog?" Curious niyang tanong.

"Busog sa pagmamahal Ate. Ikaw ha, kung ano na ang nasa isip mo."pang-aasar nito sa kanya. "Bakit, binubusog ka rin ba ni Rich guy?"

"Magtigil ka diyan. Pupuntahan ko na yong naghahanap sa akin." Ani niya at baka saan pa umabot ang usapan nila.

Kung alam mo lang. Ang ibaba ko ang parating nabubusog. Ani niya sa isip niya.

Pagkalabas niya sa opisina niya ay nakita na niya agad ang binatang sinasabi ni Saffiya sa kaniya. Nakatingin ito sa direksiyon niya na para bang hinihintay ang paglabas niya.

Agad siyang lumapit dito. "Hi, naparito ka."

"I want to talk to you in person, Amora."anito sa seryosong boses. Kaya napaayos naman siya ng upo.

"About what?" Curious niyang tanong dahil sa kaseryosohan ng lalaki.

"About my friend." sabi nito. "What is the label of you and him?"

"I don't know what we called that, but we are both happy on what we have." Ani ni Amora. Dahil hindi naman niya alam ang isasagot sa tanong ng lalaki.

"Are you aware na nasa hospital siya ngayon?" Napapitlag si Amora sa tanong nito.

"Anong nangyari?"Nag-aalangang tanong niya sa lalaki.

"He was so fucking hard-headed dickhead, bigla niya lang kaming inaya na mag-inom at iniwan lang din. Nabalitaan nalang namin na nabangga ito ng tawagan kami ng pulis na nasa hospital si Lime. Mabuti nalang at hindi nabagok ang ulo." Nakangiwi nitong sabi. Kaso nabali ang kamay ng gago." Nakangiwi nitong sabi. "May LQ ba kayo ng gago kung kaibigan at ayaw niya akong papuntahin sa'yo at ipaalam na nadoon siya sa hospital? Parang tanga na 'yon at palagi naming naabutan na nakatingin sa picture niyong tatlo ng anak mo?" Tanong nito habang nakapalumbaba sa harap niya.

"Saang hospital?"tanong niya rito.

"Follow me, madam."sabi nito at tumayo sa upuan. Siya naman ay nagpaalam na muna kay Saffiya bago kinuha ang sling bag niya pagkatapos ay sumunod kay Cloud.

Pagkarating nila ng hospital agad nilang pinuntahan ang Room kung saan si Lime. Pagkapasok nila ay nakita niya ang binata na hinahanap ng isip at puso niya na nakaratay sa kama habang may binda ang kamay at nuo nito. Nandito rin ang mga magulang ng binata. Nang makita siya ng ginang ay agad itong yumakap sa kaniya.

"Hello, my beautiful daughter-in-law. Where is my handsome apo?"tanong nito na parang wala sa kama ang anak nitong nakaratay kung hanapin si Asher.

"Nasa school pa po."sagot naman niya sa ginang.

OBS 3: Our Sweet And Sour LoveWhere stories live. Discover now