Chapter 4: Cinderella

25 1 0
                                    

Naging usap usapan sa buong kaharian ang pagpupunta ng prinsipe sa bawat bahay ng mga noble upang isukat sa bawat babae ang isang glass slipper. Kung kanino man magkasya ang glass slipper ay sya ang papakasalan ng prinsipe.

Narito ako sa kwarto ko at nakatungaga sa aking bintana. Hindi ko alam kung ano ang aking dapat na gawin.

Hindi parin mawala sa aking isipan ang naganap na pagkikipag sayaw ko sa prinsipe. Desidido ba talaga sya na pakasalan ako? May gusto ba sya sa akin?

Bakit parang natutuwa ako tuwing naiisip ko na may gusto sa akin ang prinsipe. May gusto na rin ba ako sa kanya?

Hindi! Hindi maari. Isa laman akong katulong. Hindi ako nararapat na magpakasal sa prinsipe.

Napukaw ako sa aking pagkatulala nang makarinig ako ng tunog ng kabayo. Dalawang lalakeng nakasakay sa dalawang kabayo ang nakita ko mula sa kinaroroona ko. Isang mensahero mula sa palasyo. Ang prinsipe malamang ang kasama nya.

Dali dali akong bumaba mula sa attic. Nang malapit na ako'y bigla akong kinabahan. Hndi ako maaaring magpakita. Pero gusto kong makita ang prinsipe.

Nagpasya akong magtago kung saan masisilip ko ang ginagawa nila.

Naroon na sina Mama Maleficent. Nakaupo si Bell sa isang silya at nakaluhod ang prinsipe dahil ito mismo ang nagsukat ng glass slipper kay Bell.

Nang maisukat ni Bell ang glass slipper ay hindi ito nagkasya sa kanya. Napansin ko na may nilabas si mama Maleficent sa kanyang damit. Isang wand!

Magkapatid ang aking mama at si mama Maleficent kaya hindi malabong isa rin syang witch.

Sinubukan nyang gumawa ng mahika upang magkasya kay Bell ang glass slipper. Sa kasamaang palad ay walang nangyari. Hindi parin ito kasya kay Bell.

Si Aurora naman ang sumubok. Katulad ng nangyari kay Bell, hindi rin kasya sa kanya ang glass slipper. Sinubukan ulit ni mama Maleficent gumawa ng mahika ngunit hindi parin tumalab.

"Pasensya na ngunit wala ata sa inyo ang babaeng hinahanap ko." sabi ng prinsipe at sinimulang maglakad paalis.

Lalabas na ba ako? Gusto ko pigilan ang prinsipe ngunit natatakot ako.

"Sandali. May isa pa kamin kasama rito. Kasing edad lng din sya ng mga anak ko." Si mama Maleficent ang nag pahinto sa kanilang umalis.

Tama ba itong narinig ko? Anong binabalak ni nya?

"Cinderella!" tawag nya sa akin.

Lalabas ba ako? Kinakabahan ako.!

"Cinderella!" tawag nyang muli.

Wala na akong nagawa at lumabas na kahit kabadong kabado ako.

"Isang katulong?" Takang tanong ng mensaherong kasama ng prinsipe. "Hindi kami mag aaksaya ng panahon sa isang katulong. Nasisigurado ko naman na hindi isang katulong ang hinahanap ng prinsipe."

"Bakit hindi natin subukan." Nagulat ako dahil ang prinsipe mismo ang nag sabi non.

Hindi ako makagalaw sa kinauupuan ko. Hindi ko alam kung ano ang gagawin. Kinakabahan at nahihiya ako.

"Cinderella, umupo ka na." Si Bell ang nag tulak sa akin patungo sa upuan.

Nang makaupo na ako nilahan ng prinsipe ang glass slipper sa may paanan ko. Hindi na ako nagulat na nagkasya sa akin.

Napansin ko na ang laki ng naging ngiti ng prinsipe. Wala lng ba sa kanya na sa isang katulong nagkasya ang glass slipper?

"Nasayo ba ang isang pares nito?" Tanong ng prinsipe. Nababakas parin ang ngiti sa kanya.

Nilabas ko mula sa bulsa ng aking damit ang isang pares ng glass slipper. Bitbit ko ito noong nakatunganga ako sa bintana ng aking kwarto.

"Ikaw na nga. Ang babaeng hinahanap ko. Ang babaeng pakakasalan ko." Sabi ng prinsipe habang hinahawakan ang pisngi ko.

"Mahal na prinsipe! Hindi nyo po maaring pakasalan ang katulong na yan. Masyado ho syang marumi." Protesta ng mensahero.

Napayuko ako sa kanyang sinabi. Nahihiya rin ako na hinawakan ng prinsipe ang pisngi ko.

"Wala akong pakealam kung isa lng syang katulong. Sya ang babaeng nagustuhan ko at sya ang papakasalan ko." Sabi ng prinsipe at hinawakan ulit ang pisngi ko at tinaas ang ulo ko upang magkatinginan kami.

Naluluha ako sa sinabi nya. Ayos lang sa kanya kung isa lng akong katulong. Natutuwa ako at gusto rin ako ng prinsipe.

"Hindi lng isang katulong si Cinderella. Anak sya ng isang duke." Hindi ko inasahan na sasabihin yon ni mama Maleficent.

Humarap ako sa kanya dahil nagulat ako sa kanyang sinabi. Hindi ba sya galit sa akin dahil pumunta ako sa kasiyahan at sinaway ko ang kanyang utos?

"Mama..." hindi ko na naituloy ang aking gustong sabihin dahil pinigilan nya ako.

"Sige na Cinderella. Sumama ka na sa prinsipe. Hindi kita pipigilan. Nararapat ka na pakasalan ng prinsipe."

Hindi ko na napigilan ang aking luha. Masyado akong natutuwa sa nangyayari. Hindi ko inaasahan na ito ang magiging kinahihinatnan ng pagdalo ko sa isang kasiyahan.

Happily Ever After ♥♥♥Where stories live. Discover now