Kasalukuyan akong nag aayos ng mga gamit na dadalhin ko papuntang palasyo. Pag nakasal na kami ng prinsipe ay magiging prinsesa na ako. Hindi ko lubos maisip na maari akong maging isang prinsesa. Hindi ko man hinangad ito ay natutuwa parin ako.
Nang makababa na ako, sina mama Meleficent, Aurora at Belle ang sumalubong sa akin.
"Cinderella! Ang swerte mo at ikaw ang nagustuhan ng prinsipe." Si Belle ang may sabi.
Tipid na ngiti lng ang sagot ko sa kanya.
"Cinderella." Nagulat ako ng tinawag ako ni mama Maleficent. Hinawakan nya ang kamay ko. "Pasensya ka na at naging masama ang trato ko sayo. Hindi ko maiwasan ang sarili kong sisihin ka sa pagkamatay ni Tremaine." Mangiyak ngiyak nyang sabi.
"Naiintindihan po kita mama Maleficent. Alam ko pong mahal na mahal nyo ang mama ko kaya nyo ako sinisisi. Nagkasakit sya matapos nya akong ipanganak." May sandali rin na sinisisi ko ang sarili ko kung bakit namatay ang mama ko ngunit naging masaya parin ako dahil naipanganak nya ako.
"Hindi. Hindi ikaw ang dahilan kung bakit sya namatay. Sadyang hindi lng nya kinaya ang sitwasyon nya. Patawarin mo ako Cinderella." Bigla akong niyakap ni mama Maleficent.
"Pinapatawad na po kita." ginantihan ko rin sya ng yakap. Sumali na rin sina Belle at Aurora sa pag yakap sa amin.
"Dumalaw ka paminsan minsan dito sa bahay huh." Bilin sa akin ni mama Maleficent bago kami umalis ng prinsipe sakay ng kabayo nya.
"Opo mama. Mag iingat po kayo rito."
"Paalam Cinderella. Mag iingat ka" Pahabol na sabi nina Belle at Aurora ng makaalis na kami.
---------
Nang makarating kami sa palasyo ay agad akong pinakilala ni Prince Darren sa kanyang ama.
"CInderella? Ikaw ang anak ng kaibigan kong duke. ang akala ko ay wala ka na. Iyon ang sabi ni Maleficent." gulat na tanong ng hari. "Hindi ko akalaing nagawa nyang magsinungaling sa akin."
"Ayos lang po yun. Napatawad ko na po si Mama Maleficent." sagot ko ng may ngiti.
"Ama, nais ko po ang iyong basbas upang pakasalan ko po si CInderella." singit ni Prince Darren.
"Aba, oo naman. Talagang gusto namin ng ama ni CInderella na ipakasal kayo sa isa't isa. Tanging tadhana na ang gumawa ng paraan."
Laking tuwa namin ng prinsipe ng marinig namin ang sinabi ng hari.
------------------------
Hindi ko akalaing isang tulad kong katulong ay maaari palang maging isang prinsesa. Isang panaginip na nagkatotoo ang maikasal sa isang prinsipe. Ngayon ko napatunayang hindi hadlang ang estado sa buhay pagdating sa pag-ibig.
Umibig si Prinsipe Darren sa aking isang hamak na katulong lamang. At ngayon, siniil ng isang matamis na halik ang aming pangakong magsasama habang buhay.
-wakas ng kwento ni CInderella-
YOU ARE READING
Happily Ever After ♥♥♥
RandomA compilation of fairy tale stories..... With a TWIST???