CHAPTER 18 (PRECIOUS FRINZEL)

4 0 0
                                    

"Nagtatrabaho ka?! Kailan pa?! At bakit hindi mo sa akin sinasabi?!" I shout out of anger.

Tumingin siya sa akin nang matagal. Unti-unting lumandas ang luha sa kaniyang mata. Nanginginig ang mga labi niya. Kailan man ay hindi siya nagtatago sa akin ng mga bagay bagay, nagsimula ang lahat ng ito noong nakita ko ang grades niya. Nasasaktan ako dahil parang hindi ko na kilala ang kapatid ko, madalas kapag may tinatago siya sa akin ay nalalaman ko agad, lalo na kung problema. Ngayon ni hindi ko napansin na ito ang dahilan kung bakit siya wala sa sarili at pumapayat.

"Ano?! Chin?! Marami na tayong problema! Kung sa tingin mo na nakakatulong ka, hindi! Hindi mo kailangan magtrabaho! Pinipili mo ito kaysa sa pag-aaral mo?!" nag-iinit na ang mukha ko sa galit at sakit na nararamdaman. Pinipigilan kong umiyak sa harap niya dahil ayaw kong makita niyang nasasaktan ako.

"T-tinutulungan ko si papa." basag ang boses niya. Bumubuhos ang luha niya.

"Alam mo kung nasaan si papa?! At bakit mo siya tinutulungan?" lumuha na ang mga mata ko. Hindi ko alam para akong nabunutan ng tinik.

"M-may cancer si papa ate. Nakaraang taon ko pa alam, sabi niya sa akin ay huwag kong sabihin sa inyo ni mama. Ayaw niya magpagamot....." pinunasan niya ang kaniyang mga mata. Kitang kita ko ang pagod samga mata niya. "Nagtatrabaho ako para sa mga gamot na iniinom niya. Hindi ko alam kung nagpacheck na ba siya o ano...Hindi ko alam! Anong alam ng batang katulad ko? Ni hindi ko nga alam kung paano ko ibibigay sa kaniya ang perang naipon ko ngayon! Kasi wala na siya dito! Hindi ko alam kung nasaan na siya! Ang sabi niya lang sa akin ay bibisitahin niya ang pamilya niya sa Leyte! Pero tumawag na tayo sa kanila at wala siya doon!"

Lumapit ako sa kaniya. Ilang taon kaming minaltrato ni papa. Bakit hindi ko napansin kaya siya nagbabago dahil may sakit siya? Sobra akong natatakot ngayon para sa kaniya. Kahit ano pa ang ginawa niya sa amin ng kapatid ko, mayroon pa rin akong natitirang pagmamahal sa kaniya. Dahil buhay ang alaala niya sa batang ako.

Nag-aalala ako, natatakot na baka wala na siya at wala man lang kaming kaalam-alam.

"Sorry ate," binagsak niya ang bag na dala niya sa sahig. "A-ayaw kong mawala si papa. A-alam ko na pinahirapan niya tayo, pero h-hindi ko siya kayang mawala! Ate!" hinigit niya ang damit ko.

Bumagsak ang mga luha sa mga mata ko. Pareho kami ng nararamdaman. Pareho kaming nasasaktan.

"Hanapin natin si papa!"

Bumagsak ang tuhod ko sa sahig. Niyakap ko si Chin nang mahigpit.

Hindi ko maproseso sa utak ko lahat ng mga nalaman ko. Hindi ko matanggap na tinago ito lahat sa akin ng kapatid ko. Sobrang hirap siguro para sa kaniya na gawin iyon.

"Huminto ka sa pag-aaral?" Racquel asked me.

"May pera na ako, hahanapin ko si papa sa Leyte." saad ko. Nasa bahay kami ngayon, hindi ako pumasok dahil inasikaso ko ang pera sa bangko na ipinadala ni mama. Pamasahe ko iyon papunta sa Leyte. Si Chin ay maiiwan, hindi ako papayag na huminto siya. Pauwi na rin si mama, nang malaman niya ang balita ay nagfile na siya ng resignation letter sa agency. Sa susunod na buwan ay nandito na siya. Hindi ko maaabutan ang pag-uwi niya dahil matatagalan ako sa Leyte. Mag-iisang taon nang nawawala si papa, nakapag-ipon na rin si mama kung sakaling makita namin si papa ay ipapagamot namin siya.

"No mahal ko. That's my final answer. I don't want you to leave and go somewhere you don't know. At tsaka bakit hindi ka nag-enroll? We're partners, why did you keep this from me? Ilang buwan na ang nakalipas simula nang pasukan. Hindi ako papayag na huminto ka sa pag-aaral, isang taon na lang mahal ko, graduate ka na. I will find tito. Hindi mo na kailangang umalis." Dwayne said, seryoso ang tingin niya.

Touching The Sun (8ternity_)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon