Chapter 6
----------
Lee's Pov
"What's up?"
O________________O
The eff!!!
"S-sojirouh..."-sambit ko.
"How are you?"-sabay lapit nya ng nakapamulsa sakin. "Huh girlfie?"-kasabay ng pagsabi niya nun ay nilapit nya yung mukha niya sa tenga ko dahilan para mapaiwas ako.
"Ano na namang kailangan mo?"-irita kong tanong.
"Wala naman. Hinahanap ko lang ang girlfriend ko."-sabi nya sabay akbay sakin tapos nilapit nya yung mukha niya sa mukha ko. Konting tulak na lang mahahalikan niya na ko. Subukan niya! Matitikman nya ang hagupit ng bagyong Lee! At tsaka anong sabi nya? GIRLFRIEND?! Aba loko to ah! Joke joke lang naman yung sinabi kong boyfriend ko sya nuh! As if!
"Ah. Nga pala."-sabi nya sabay alis ng braso niya sa pagkakaakbay sakin sabay harap sakin.
"Boyfriend mo ko. Pero bakit nakikipagyakapan at nakikipagsigawan ka ng Iloveyou sa iba? Hindi ba pagtataksil yon?"-tanong nya. Ha! Ang kapal ng mukha!!! Teka, kanina pa ba sya dito?
"Ano bang gusto mong sabihin!?"-tanong ko.
"Wala naman. Binabalaan lang kita. Nagsisimula pa lang tayo ok?"-nakangisi nyang sabi. Sinamaan ko lang sya ng tingin.
"Oo nga pala, anong ginawa mo kay Mark? Bakit nasa ospital sya ngayon?"-nakakunot noo kong tanong.
"Malamang tinuruan ko sya ng leksyon. Yung deserve nya. And besides, ayaw mo ba nun? Hindi ka na nya magagantihan kasi baldado na siya. You should be thankful to me. Kasi muntik ko na syang tapusin para lang sayo. Kasi ang gusto ko.... Akin ka lang. "-sabi nya sabay ngisi. Kinilabutan naman ako. Para talaga syang demonyo kapag ngumingisi. Ang creepy!
"Akala nya tapos na kami? Tss! Simula pa lang yun. Tulad mo, nagsisimula pa lang tayo. And by the way, nagustuhan mo ba yung ginawa ko sa kaibigan mo?"-tanong nya ng hindi nawawala yung pagngisi sa mukha nya. Oo nga pala, yung ginawa niya kay Pin! Bigla naman akong nakaramdam ng inis.
"Bobo ka ba?"-bigla syang nagulat sa sinabi ko.
"Bobo ka ba o tanga? Sino sa tingin mo ang matutuwa kapag ganun yung nangyari sa kaibigan mo? Baka ikaw. Kasi wala kang kwenta. At isa pa, alam mo duwag ka! Kasi ginagamit mo yung mga kaibigan ko para gumanti sakin. Eh bakit hindi ka lumaban ng patas? Ako yung gantihan mo hindi sila. Ok? Wag kang duwag. Wag kang tanga. At higit sa lahat, wag kang mangmang."-seryosong sabi ko. Bahala na kung hanggang saan ang itatagal ng buhay ko basta masabi ko yung gusto kong sabihin sa kanya bago man lang ako mamatay diba? Aish!
Nagulat ako sa reaksyon niya. TUMAWA SYA! Gosh! Anong tawa yun? Yung boses nya! Grrrr! Hindi to pwede! Demonyo sya kaya hindi pwedeng maging boses-anghel yung tawa nya! Huhuhu. May sira na yata yung tenga ko! T.T
"Tapos ka na? Hahaha. Alam mo, nakakatuwa ka pala eno? Para kang galit na tyanak kanina. Lumalaki pa yung butas ng ilong mo."-sabi nya sabay tawa. Aba namang! Ano daw? Tyanak??? What the hell!!! Yun na yata yung pinakamasakit na panglalait na narinig ko ah? GRRRRRRRR!!!
"Tapos mo na bang sabihin yung mga orasyon mo? Ha? Tyanak? Haha."-sabi nya. Sinamaan ko sya ng tingin na halos gusto ko na syang sugudin!!!
"Oo nga pala, pinuntahan pala kita para sabihing kailangan ka ata ng kaibigan mo? The pretty one. She's playing hide and seek with the gangsters. And when the gangsters found her..."-nakangisi nyang sabi at nilapit nya yung bibig nya sa tenga ko.
BINABASA MO ANG
Never Play With The Gangsters
Teen FictionLahat naman ata ng mga babae nangangarap ng isang maganda at mala-fairy tale na lovelife diba? Eh pano kung taliwas sa pinapangarap mong lovelife ang ibigay ni kupido? Magulo Walang katahimikan Laging nasa panganib ang buhay mo Papayag ka ba? Kung g...