⚜️Aden⚜️
Sobrang daming nangyari netong magkasunod na araw. After ko mabigay ang statement ko sa mga police ay agad din naman silang umalis sa JMC. Wala naman civilian nasaktan at parehas naman may lisensya ang baril na nilabas nila kanina sa E.R.
At sino ba naman ang magtatangka mag kaso sa pamilya ni Kendrick diba. Half of this city is own by his family. Halos lahat ng mga malalaking negosyo dito ay pagmamay-ari ng mga Razon.
I can't believe what we been through this fast few days. Andaming nangyari at nalagay pa sa peligro buhay ng mga kaibigan ko. Mabuti na nga lang nandidito si Keelan. Somehow i feel safer because his around.
Alam ko kaseng hinding hindi niya hahayaan may mangyari kay Alia at Bella and Kendrick.
I know Keelan will caught a damm bullet to save us. Hes that kind of guy. I've seen it countless times.
Parehas silang dalawa ni Bella na napa selfless.
Pabalik na sana ako sa room ni Bella para ibalita sa kanila successful ang operation ni Butler at nasa I.C.U na siya ngayon for futher monitoring. Kasama niya ang pamilya niya run sila ang nagbabantay sa kanya.
Nakausap ko nga kanina ang Tatay niya. He works for Kendrick family for decades. Butler din siya ng Daddy ni Kendrick. Kaya pala yun anak niya din ang naging personal bodyguard ni Ken. Pinagkakatiwalaan sila ng pamilya niya.
I'm going to check on Bella siguro naman ay gising na siya ngayon. Hangang ngayon hindi parin talaga ako makapaniwala sa nakita ko sa CCTV kanina.
How can someone could be so heartless. Hindi man lang niya tinutulungan si Bella. Napakasama nga talaga ng Daddy ni Kendrick. No wonder My father despised him so much.
" Doc... Doc... Javier? " tawag sakin ng hospital staff.
" Yes?.. May kailangan ka sakin Miss. " tanong ko sa kanya.
" Kaka received ko lang ng tawag galing sa office ni Sir Javier. Pinapatawag niya po kayo. ASAP daw po Doc. "
Oh sucks.
I'm totally doomed!!
Nakalimutan ko na yun Boss ko sa dami ng nangyari samin. Mukhang nakarating na sa kanya ang nangyari sa E.R. kanina.
Shit!!
Matatangal pa yata ako sa trabaho.
" Sige Miss. I'll go there now. Thank you. " sabi ko sa kanya .
BINABASA MO ANG
ARROWS OF THE FOREST
RomancePROLOUGE: Do you know what the most terrifying aspect of life is? Ito yun katotohan sa isang iglap pwedeng magbago ang lahat. Pwedeng masaya ka ngayon pero bukas hindi na. Pwede din buhay ka ngayon pero bukas pinaglalamayan kana. What are you scare...