Una

5 0 0
                                    

Author's note: Una sa lahat, this is my first story. Hindi welcome dito ang mga mapanlait at perfectionist. Sa tab ko lang ako nagtatype. At tinatamad akong mag edit so asahan ang napakaraming errors. At sarili kong gawa ito hindi ito gaya-gaya. K?


"Andito naman ako Prince eh. Hindi mo ba ako napapansin? maganda naman ako ah. Grabe na nga yung effort ko sayo di mo talaga ako mapansin?" sabi ni Nikka na pabiro.

"Ano ba Nikka? Nahihibang kana ba? Hindi nga kasi kita gusto" sabi ko. Nakakainis naman.

"Bakit Prince? Ano bang gusto mo? Ibibigay ko sayo magustuhan mo lang ako. Lahat gagawin ko Prince." sabi niyang naluluha.

"Bahala ka dyan Nikka. Aalis na ako." parang ang rude naman ng pagkakasabi ko. Nakonsensya tuloy ako.

Pero iniwan ko na siya. Grabe kasi ang babaeng yun, last year niya pa ako kinukulit at ngayong 3rd year college na kami hindi niya na ako tinantanan. Kainis nga eh. Tssss.

"Hoy Jan, nilutuan pala kita nang paborito mong adobo." Si Nikka nanaman.

"Huh? Anong tawag mo saakin? Jan? At tsaka hindi ko naman paborito ang adobo ah. Tss. Adobo na naman? Napupurga na ako sa puro adobo mo ah?" " tanong ko dito

"H-huh? H-hindi ah. A-ano kaba Prince? Prince yun eh. Sige na, ito na ang adobo mo. I love you Ja-Prince."

Matagal na akong nawe-weirduhan kay Nikka. Sino ba kasi ang Jan na yan? Tsss. Baka isa na naman yan sa nakakadiring endearment ni Nikka saakin. Naninindig yung mga balahibo ko sa tuwing tinatawag ako ni Nikka ng ganyan.

Hindi ko talaga gusto ang adobo. Ilang beses niya na akong binibigyan nang ganito pero tinatapon ko nalang ayaw ko talaga nito eh. At sa susunod ko nalang sasabihin kong bakit. Habang naglalakad ako ay nakita ko ang mga batang pulubi sa daan. Tama, imbes na itapon ito ay ibibigay ko nalang sa kanila.

"Salamat po kuya. Wow. adobo nanaman. Salamat po ulit. Ambaitbait niyo po katulad ni ate dahil binibigyan niya rin kami nito tuwing Sabado pero kawawa siya kuya dahil palagi namin siya nakikitang umiiyak. Sige kuya ha? iuulam pa namin ito. Salamat po ulit." Ngumiti na lamang ako sa kanila. Kawawa naman sila dahil hinahayaan lang sila ng mga parents nila pero next time bibigyan ko rin sila ng makakain.

Nagvibrate ang cell phone ko. Si Nikka na naman nag text. Tsss.

"Hi Prince. Nakain mo ba yung niluto ko sayo? Sana kainin mo ha? Pinaghirapan kong lutuin yan. Ingat. Lbyu. :*"

Ang kulit talaga ni Nikka. Tsssss.

"K" yan lang ang nireply ko sa kanya.

Kinabukasan....

"Hi, Prince. Gooooooooood Morning." bungad saakin ni Nikka. Ibang klase talaga ang babaeng ito. Sinundo ba naman ako sa bahay namin.

"Oh anak, andyan na pala ang girlfriend mo, at bakit nangangasim na naman iyang pagmumukha mo? Nagtatampo kaba sa kanya?" Tanong ng ina ko.

"Nanay, ilang ulit ko ba sasabihin saiyo na hindi ko nga siya girlfriend" pagtatama ko sa kanya.

"Hello Nanay. Goodmorning po." Sabay mano niya sa nanay ko. Aba nag pasipsip pa.

"Oh hala, kayong mga kabataan talaga. Sige na at humayo na kayo at magparami." Namula naman ako sa sinabi ni Nanay at si Nikka naman ngisi ng ngisi halatang kinikilig.

"Wow Prince, para saakin ba ito? Nag-abala kapa. Eto oh, bracelet. Gawa ko yan para sayo. hihi." tanong ni Nikka habang hinahawakan ang mga rosas.

"Hindi para sayo yan Nikka. Assuming ka talaga."

"Sakit naman Prince."

"Para sa Teacher's day ito. Tssss. Humanap ka ng sayo. Ayaw ko madagdagan ang mga fines ko."

"Eto Prince oh. Exchange tayo." Sabay kuha ng mga rosas sa mga supot.

"Nagpapatawa kaba Nikka? E, pareha lang naman ito eh."

"Basta kasi galing sa mahal ko kahit hindi direkta ibinigay saakin ay kuntento na ako. hihi"

"Bahala kana nga dyan." sabay walk-out ako.

Untrue happinessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon