“Feeling ko si Max gusto niyang kumanta!”
Nanlaki ang mata ko nang marinig ko ang sabi ni Tita Deia. Kumakain kasi kami ngayon sa garden dahil ito yung theme na naisip ni tita sa family dinner namin ngayon. Every month din naman kasi kami nagfafamily dinner kasi yun na yung naging tradisyon nila mama simula pa noon. Plano nila nung highschool pa nila. Solid din, eh no?
Napayuko ako at umiling. Ayokong kumanta, kahit na kumakanta naman talaga ako. Hindi lang talaga ako sanay kumanta sa harap ng relatives ko.
“Oo nga,” singit ni Kuya Reyann na anak na panganay ni tita.
“Kakanta na yan! Kakanta na yan!” Sigaw ni papa sa gilid ko.
Agad akong humarap sakaniya at umiling.
“Pa!” mahinang bulong ko at umiling sakaniya bago ako humarap kela tita. “Ayoko, tita. Hindi naman maganda ang boses ko.”
“Weh!” hiyaw ulit ni tita at tumawa.
Katabi niya si mama na tahimik lang na kumakain ng salad na gawa ni tita.
“Sige na, Max. Isa lang!” kantyaw ulit ni kuya.
Nahihiya pa akong tumayo at pumunta sa ginawa nilang mini stage. Iba rin talaga magpakain si tita, akala mo laging may birthday. Pumunta ako doon at inayos ang mic stand.
“Hello?” nahihiyang saad ko sa harap ng mic.
“Naririnig ka namin,” masayang saad ni Tito Paris.
“Anong kanta mo, Max? Alam mo naman paano maglagay ng kanta diba?” Tumango ako at napakamot ng ulo.
Tinapik tapik ko pa ang mic bago magsearch ng kanta sa laptop ni Kuya Reyann. Nang mapindot ko ang kanta ay agad na nagsimula ang beat niya. Napalunok pa ako at tinapik pa ang mic.
“Go, Maxie!” hiyaw pa ni tita.
“Jeru, Maroon 5 fan din pala ‘tong anak mo, eh!” kantyaw ni tito sa katabi niya.
“I was so high, I did not recognize the fire burning in her eyes” sambit ko sa first line ng kanta.
Napalunok ako nang mapansin kong matigilan sila tita. Ilang segundo rin siguro silang natahimik.
Pangit ba boses ko?Napalunok ako at kinanta ang next line.
“Sabi na maganda ang boses ng inaanak ko, eh!” sigaw ni tita. “Astrid, anak mo.” Nakita kong siniko ni tita si mama.
Sumulyap lang sa akin si mama at binalik ang tingin sa phone niya. Napalunok ako at tinuloy ang kanta.
What it feels to be in a family na hindi mo maintindihan? Kahit anong gawin ko, hindi ko mabasa si mama. Alam kong mahal niya ako pero minsan hindi ko lang talaga magets ang iniisip niya. Minsan, napapaisip din ako paano naging magkaibigan si tita at mama.
Highschool palang kasi sila parang magkaibigan na talaga sila, kaya siguro sa amin, si tita lang nakakagets sakaniya. Alam niya pag malungkot si mama o kaya if she’s mad.
Napasulyap ako kay mama ulit na busy magbasa ng kung ano sa phone niya. Napahinga ako nang malalim at tinuloy ang pagkanta.
Naririnig ko ang mga cheer nila tita habang nakanta ako. Kinakaway pa nila ang mga kamay nila sa hangin habang sumasabay sa kanta ko. Nginitian ko sila at tinuloy ang kanta. Hindi naman ito yung first time na kumanta ako sa harap ng tao pero hindi ko talaga kaya kumanta sa harap nila, maliban ngayon.
“'Cause I won't say goodbye anymore.”
Nang matapos ko ang kanta ay agad akong ngumiti. Sinulyapan ko si mama na ngayon ay naglalakad papasok sa loob ng bahay nila tita.
YOU ARE READING
I Won't Say Goodbye Anymore || GXG
RomanceGL contents ahead. -TBE- Started: April 30, 2024 Ended: ???