Prologue

15 1 0
                                    

Prologue

Humampas ang malakas na hangin kasabay ng malakas na ulan. Sa isang magubat na lugar may babaeng tumatakbo habang lumuha. Iniinda nito ang sugat na kanyang na tamo ng siya ay tumakas sa poder ng mga dumakip sa kaniya.

Walang tigil ang kaniyang pagtakbo upang hindi siya mahuli ng mga taong dumakip sa kaniya. Labis ang kanyang paghihirap sa mga kamay nito kaya hanggat maaari ay ayaw niyang bumalik sa mga kamay ng mga taong mahahalang ang kaluluwa.

*bang*

Nakarinig ng putok ang babae kaya mas lalo niya pang binilisan ang kaniyang takbo.

Sa pagtakbo niya, 'di nito inaasahan ang ugat ng puno na nakaharang sa daanana kaya ito'y nadapa. Napadaing ito ng mahina ng masagi ang kaniyang sugat sa isang bato.

"D*mn." she breathed heavily and tried her best stand up.

Nanginginig ang kaniyang katawan habang tumatayo. Nang makatayo ito ng tuluyan narinig niya ang mga yabag na papalapit sa kaniya, kaya tumakbo na naman siya.

Napahinto ito sa pagtakbo ng makita niyang bangin na ang susunod niyang maapakan. Hinihingal at walang tigil sa pag-agos ang kanayang luha habang nanginginig sa takot.

"God, please help me." paghihingi nito ng tulong.

Napalingon siya sa kaniyang likuran at nakitang papalapit na ang ilaw. Alam niyang 'yong mga dumukot sa kaniya ang mga taong papalit na. Tatakbo na sana ito sa kanan ng biglang may taong tumutok sa kaniya ng baril.

"Going somewhere?" isang boses ng babae ang kaniyang narinig. Nakaramdam ng kaba si Claire dahil sa takot na baka patayin na siya nito. Umatras siya ng mas lumapit ang bulto ng babaeng may hawak na baril.

"Please *sob* maawa ka sa akin." pagmamakawa nito sa babae.

Tumawa ng malakas ang babae.

"Sa tingin mo kakaawaan kita? Lahat nalang ng bagay sa mundo ay kinukuha mo sa akin. Kaya magdusa ka. Hindi kita mapapatawad sa pagkuha mo sa taong mahal ko. Nang dahil sayo kaya nawala siya sa akin, kaya wawakasan ko na ang buhay mo upang mapasaakin siya ng tuluyan!"

Napailag si Claire ng iputok ni Jessie ang baril nito ngunit sa pag-ilag niya ay bigla nalang siyang nadulas.

Bumulukso ang kanyang katawan pababa sa bangin. Nakita niya kung paano ngumiti ng nakakakilabot si Jessie bago nito kinasa ang baril at umalingawngaw ang isang ingay galing sa baril nito.

Naramdaman ni Claire kung paano bumaon sa kaniyang katawan ang butil ng baril. Unti-unting nanlabo ang kaniyang paningin hanggang sa tuluyan itong nandilim.

The Wife's RevengeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon