"Good day my dearest students! Thank you for the patience, perseverance, and cooperating for coming here today. It will just took your little time before we start your classes today. So now, as for our every simple doings every time we have a visitors here from other continents, please wholeheartedly, gladly, joyfully, and respectfully acknowledge and welcome some of the chosen young nobles and royals of the other continents that will study here!...."
Andito ako sa may VIP area kasama ang ilang so called 'young' nobles ng Katino. Medyo malayo nga lang ang distansiya ng upuan ko sa kanila dahil siguro sa reputasyon na mayroon si Sophia from her past dahil walang nagbalak na kahit na isa ang tumabi sa akin.
Nasa stage kasi sina Kuya Dave, Lord Shanty, Lord Klinton, Lord Justin, Lord Jeoffrey, Prince Krane, and also, Prince Krious as the representative of Katino's Royalty and Nobles. At kahit na kaibigan na nila ang mga ito, kinakailangan pa rin nilang gawin ang mga bagay na ito sa pagwewelcome sa kanila bilang respeto na rin. At tsaka, dahil isa sila sa mga kinikilalang heirs o mga anak ng mga nakakataas, kailangan na, simula pa lang sa kanila, ay maipakita na kung paano at ano ang dapat gawin sa tuwing may bumibisita dito sa kanilang kontinente na mga taga ibang kontinente. Mapababa man o mapamataas ang estado ng buhay na mayroon sila.
Siyempre, sa ibang kontinente ay ganuon din daw ang ginagawa para naman walang samaan ng loob na nangyayari. 'Yun ang sabi nila sa akin kahapon.'
Napagplanuhan din pala nila na ipakilala ulit sina Prince Gray, Lord Zorren, at Knight Timothy sa lahat kahit na nauna na silang dumating dito sa akademya. For proper and formal welcoming and greetings too...
Katabi nina Kuya si HM at nasa harapan nito ang mga sash na nakasalansan ng maayos sa isang mesa na isusuot sa mga bisita. Isa-isa silang magsusuot ng mga ito sa kanila, kung baga, cycle lang hanggang sa maubos nilang masuotan ang mga ito habang paisa-isang tinatawag ni HM ang mga ito at lumalabas mula sa backstage.
Kami naman na mga estudyanteng nanonood dito, ang gagawin lang namin ay uupo lang at papalakpak ng walang sigawan habang isa-isa silang tinatawag at sinusuotan ng sash.
Halos isang oras ang lumipas ng matapos ang maliit na programa na ginawa ni HM.
Nagbigay pa siya ng kaunting mensahe at pagkatapos ay nagsi-alisan na ang lahat ng estudyante upang makabalik na sa kaniya-kaniya nilang room.
Tumayo na din ako at handa na din sanang maglakad papalabas nitong stadium para dun na lang sana sila hintayin sa labas nang biglang lumitaw sa magkabilang gilid ko sina Lord Klinton at Lord Shanty.
Sabay din nilang hinawakan ang magkabilang kamay ko. Sa kanang kamay ko si Lord Shanty habang sa kaliwang kamay ko ay si Lord Klinton.
They both pull me towards where Kuya Dave was. But before we start to walk ay nagsamaan muna sila ng tingin and after that ay nginitian nila ako ng wagas tsaka lang kami nagpatuloy maglakad patungo kina Kuya.
Hindi ko pa rin maintindihan kung bakit ang iilan sa kanila kasali na ang dalawang ito na minsan ay nagsasamaan sila ng tingin at parang may kompitensiya na nangyayari...
Madilim ang mukha na nakatingin sa amin si Kuya ng makalapit na kaming tatlo sa pwesto nila. Ngunit mas nangingibabaw ang matalim na tingin niya sa mga kamay ko kaya mahina kong iwinaksi ang mga kamay ko mula sa pagkakahawak ng dalawa.
"Are you really trying to cut my patience, you two?" Malalim na tanong ni Kuya sa dalawang katabi ko.
Ramdam ko ang galit nito at parang pinoprotektahan ako sa isang bagay??
"Sabi ko na kasi sa inyong dalawa eh... Dapat ako na lang ang sumundo sa kaniya." Lord Zorren suddenly pop beside me, in my left side, at inakbayan ako ng parang hindi babae ang hinahawakan niya.
BINABASA MO ANG
A Soul's Metamorphosis (Metamorphosis Series 1)
AcakA soul transmigrate into another world. Ano ang mangyayari kung ang kaluluwa niya ay lumabas sa katawan na kinalalagyan niya at mismong katawan na niya ang gamit niya sa dimensyon na iyon? Let's just find out the mystery behind it... Language: TagLi...