September's pov
Naiikot ko na naman ang mga mata ko nang mag-vibrate ang phone ko na nakalagay sa bulsa ng pantalon ko.
'Ayan na naman sila.'
Kinuha ko naman iyon at sinagot ang tawag.
"He---"
[Ano ba naman Sean(se-yan), anong oras ka pa makakarating? Mamaya pasko na wala ka parin!] sigaw niya sa kabilang linya.
'Di man lang pinatapos 'yong "hello" ko.'
Panigurado nakakunot na naman ang noo nang babaeng 'yon. Nagiging exagerated na naman eh.
"Malapit na ko. Malolobat na 'ko. Wag na kayong tumawag." sagot ko naman.
[Kaninang-kanina pa 'yang malapit na 'yan ah. Kami ba'y pinaglolo--- ]
[Akin na ako kakausap!!!!]
[Ano ba Jade!!! Ibalik mo sa'kin 'yan!!]
[Wag kang magulo-- ako na nga kasi kaka--- ]
At hindi ko na naman po sila maintindihan. Panigurado nag-aagawan na naman 'yong dalawang 'yon sa phone. Hahaha!!!
At dahil wala na akong maintindihan sa mga sinasab nilang dalawa, pinatay ko na lang ang tawag at ini-off ang phone ko. Hahaha!!! Bubungangaan lang din namannila 'ko eh, mamaya nalang pag magkakaharap na kami.
Ako nga pala si September Anne Mendez, Sean for short. Se-yan ang tamang bigkas sa nickname ko ha. Baka kasi basahin nyo ng diretso, magtutunog pang-lalaki. Mukha na nga akong lalaki, pati ba naman palayaw ko? Ahaha!!
Nagpatuloy lang ako sa paglalakad hanggang matanawan ko na ang dalawang kaibigan ko na masama na ang tingin sa phone nila at di na maipinta ang mga mukha. Hahaha!!! Panigurado sinusubukan akong tawagan ng mga 'to. Well, pasensya na lang sila at kahit mapudpod ang mga daliri nila, hinding-hindi nila ako mako-contact.
Tuluyan naman akong nakalapit sa tabi nila nang hindi nila napapansin at namamalayan.
"Sinong tinatawagan nyo?" natatawang tanong ko.
Umuusok ang mga butas ng ilong nila nang tumingin sila sa akin. Haha! Syempre joke lang. Kung nakakamatay lang 'yong tingin nila, ibuburol na 'ko mamaya. Haha!!!
Nag-peace sign naman ako, habang sila nag-cross arms pa.
"Hep hep hep!!!" sigaw ko nang magtangka silang ibuka ang mga bibig nila.
Magsasalita pa sana si Jade pero tinakpan na ni Sheena ang bibig niya.
"Sorry girls, nagkaron kasi nang aksidente kanina sa daan. Nasa unahan namin 'yong truck at saka 'yong kotse kaya di agad nakaalis 'yong sinasakyan ko. Kinailangan pang hilahin kasi tumagilid." sinseryong paliwanag ko.
Tumango naman silang dalawa kaya nakahinga ako nang maluwag kasi di na nila ako raratratin ng sermon nila.
"So ok ka lang ba? Di naman nadamay 'yong sinasakyan mo sa banggaan?" tanong ni Sheena.
"Hindi naman. Nabigla lang si manong kasi biglang pumreno 'yong nasa unahan namin na sasakyan, kaya bigla din siyang pumreno. Ang resulta, napaumpog ako. Haha." sagot ko.
Pinakita ko naman sa kanila ang noo ko na natatakpan ng bangs ko at may tapal na malapad na band-aid.
"Masakit ba, Se?" tanong ni Jade.
Pinitik naman ni Sheena ang noo niya.
"Aray naman!! Bakit ka namimitik!?" nakangiwing tanong niya habang hinimas ang noo.
BINABASA MO ANG
Until I call you mine
RomanceKadalasan, kapag opposite sex ang mag-bestfriend nauuwi ito sa one-sided love, kasi laging may isang nahuhulog. Mahirap sumugal sa isang walang kasiguraduhang pag-ibig kung ang nakataya ay ang matibay na pundasyon ng inyong pagkakaibigan na matag...