Scarlet's POV
Dahil busy si Jake at Calvin ay ako ang naatasang magsundo kina Alison dito sa airport.Habang hinihintay ko sila ay naramdaman kong may nakatingin sa akin na para bang binabantayan ang bawat kilos ko.Actually isang linggo ko na rin tong napapansin,simula nung umalis sina mommy papuntang States.Mas lalong lumalawak yung suspetsya ko sa pinaggagawa nila.Akala siguro nila wala akong kamuwang-muwang sa ginagawa nila.Pwes,ipagpatuloy niyo lang yan dahil ipagpapatuloy ko rin ang pagdadrama hanggang sa magsawa kayo at ipalabas ang totoo niyong kulay.
Natigil ang pag-iisip ko ng makita ko sila.
"Mom!"
Sigaw ko.Ng makita nila ako ay agad silang lumapit at niyakap kaagad ako ni Alison at tinanguan lang ako ni dad.
"How's your trip?"
"Good,naclose namin yung deal"
"Wow!congrats po mom,dad"
Mabuti nalang at napraktis ko ng mabuti tong ngiti ko.
"Let's go,I'm tired"
Umalis na kami at umuwi kaagad sa mansyon.Habang nasa byahe ay nagpaalam na rin ako tungkol sa pagbabakasyon namin ni Calvin sa Bohol at pumayag naman sila kaagad para na rin daw makapagsaya ako kahit papaano.
Pagdating namin sa bahay ay agad silang umakyat sa kwarto nila para makapagpahinga.Ako naman ay nanatili sa sala at nag-iisip ng kung anu-ano.Ilang minuto lang ang lumipas ng biglang may iba akong naramdaman.Hindi ko talaga alam kung bakit pabago-ago tong nararamdaman ko.Minsan nagagalit ako ng hindi ko naman alam kung bakit.
Patuloy lang ako sa pag-iisip ng dahilan ng bumukas yung main door at iniluwa ang galit na mukha ni Jake at blank expression naman yung kay Calvin.
"Anong nangyari?"
"None of your business nerd!"
I mentally rolled my eyes.Kung alam mo lang.Hindi nalang ako sumagot pa at sa halip ay si Calvin ang tinignan ko ng nagtatanong.
"May nangyari lang.Don't worry,he'll be fine"
Tumango nalang ako at binuksan yung tv.Halata namang hindi nila gustong sabihin kung ano yung nangyari kaya hindi ko na pinilit.Pake ko ba naman.Tss.
Naunang umakyat si Jake at tinabihan naman ako ni Calvin.
"Nagpaalam ka na ba kina tita na aalis tayo bukas?"
"Yeah,I already told them and they said yes"
"Good"
"Ilang araw ba tayo dun?"
"3 days lang"
"Ahh okay.Sige ihahanda ko lang muna yung gamit ko"
"Okay"
Pagdating ko sa kwarto ay hinanda ko na yung nga dadalhin ko.
Someone's POV
"She's going to Bohol with Calvin"
Sabi ko sa kanya.
"Mabuti na rin yun ng maisagawa natin ng maayos ang plano total may inutusan na rin akong magbabatay sa mga kilos niya.Wala rin naman siyang alam kaya madali lang para sa atin ang kumilos"
I smiled.Oo nga naman,wala siyang kaalam-alam.Minsan nga hindi ako makapaniwalang anak siya nila Lilliana eh ang talino ng babaeng yun.Oh well,kung ako naman siguro mawalan ng magulang sa murang edad eh ganyan ang kahihinatnan ko.At take note,nerd pa talaga!
"Nakausap mo na ba yung tauhan mo?"
"Yes hon,wala naman dawng kakaibang nangyayari habang wala tayo dito.School at bahay lang naman siya.Anong maaasahan mo sa nerd?"
"Okay.So kamusta yung ibang pinaggawa natin?"
"They're still working on it"
"Just make sure matatapos yan bago ipatupad yung plano natin"
"Don't worry hon matagal pa naman yung debut ng bata"
Hindi na siya nagsalita pa pagkatapos.Kunti nalang at mapapasaamin narin ang matagal na naming inaasam.Kawawang bata,hindi alam kung ano ng nangyayari sa paligid niya.
Scarlet's POV
After packing my things,I went outside my room at nagtungo sa terrace.Good thing at may terrace dito sa kwarto ko at ng hindi ako mabore.Tanaw dito yung pool area at labas ng bahay.Kadalasan ay dito ang tambayan ko kapag hindi ako lumalabas ng kwarto at kapag wala akong magawa.Maganda kasi yung ambiance dito.Tahimik at presko yung hangin.Sa mismong baba ng terrace ay yung swimming pool,oval shape siya at may heart sa gilid,yung pwede ligoan ng mga bata kasi mababaw lang yung tubig.Sa right side naman ng swimming pool ay may mini garden.Iba't ibang kulay ng bulaklak na nakadesenyo ng heart at iba pang hugis.May mga set din ng upuan kung saan pwedeng tambayan.Sa kabilang parte naman ng pool ay fountain na pinalibutan ng bermuda grass.Ang lugar na ito ang pinakagusto ko sa mansyon.Ang gaan kasi sa pakiramdam kapag pinagmamasdan ko ang lugar.
Ang isang dahilan kung bakit gusto kong magpunta dito ay dahil katabi lang ng library ni Dustin ang terrace at makikita dito ang mga tao sa loob ngunit hindi ako nakikita ng nandoon.Natatawa nga ako minsan kapag pinapanood ko si manang Felly at yung ibang maids na naglilinis dun kasi abot kisame kasi yung bookshelf tapos hindi masyadong maabot nung naglilinis ang pinakadulo tapos yung mga libro nahuhulog.Laughtrip yung hitsura niya lalo na pag isasauli na yung libro.Minsan nga ang mean ko kasi sumasaya yung pakiramdam ko lalo na kapag yung maid na ubod ng arte ang gumagawa ng mga gawain.Minsan nga sinasadya kong magkalat kapag siya yung naglilinis.Siguro kung nakamamatay yung tingin ay matagal na akong nakalibing.Ang sungit talaga ng maid na yun,akala mo naman kung sino.Nahuhuli nga ako ni manang Felly pero tumatawa lang siya at iiling.Kasi naman po,hindi rin po gusto ni manang yung ugali ng babaeng yun.Napakasumbungera naman kasi,kunting pagkakamali lang ng ibang katulong ay pinapagalitan tapos isusumbong agad kay Alison,akala niya siya yung mayordoma eh si manang Felly naman.Tsk!
So balik tayo dito sa terrace.Tahimik lang akong nagmumuni-muni hanggang sa napagod at bumaba na ako sa kusina para tulungan si manang Felly na maghanda ng hapunan.
BINABASA MO ANG
All Planned
Short StoryKeep your friends close and your enemies closer They think she doesn't know what they're doing but she does.They think they can have what they want but she won't let them have it. They planned everything but little did they know she has it all plan...