Sa lugar ng manila, bumibida ang ibat ibang malalaking estraktura na ang ilan ay tumatampok pa sa mga telebisyon,vlogs, and social media platforms. May mga hotel, restaurant, resorts at syempre mga club na talaga namang dinadayo ng madla. Kasabay ng pagsikat ng mga estrakturang ito ay ang pag sabay ng kasikatan ng isang club sa kahabaan ng Metro Manila, isang club na hindi lamang aliw ang ibinibigay, kundi pati kababalaghan.
Ako si Lester, at ito ang aking karanasan sa club na nagngangalang "Ligaya Club".
Isa akong independent man, mag isang naninirahan sa isang apartment dito sa Metro Manila. Maaga akong bumukod sa aking pamilya,hindi dahil gusto ko lang kundi dahil kailangan kong mag trabaho para maipadala sa pamilya ko sa probinsya. Araw-araw ay sa trabaho at sa apartment lang umiikot ang buhay ko. Aaminin kong nakakapagod at kung minsan ay nakakaramdam ako ng pananawa sa ganoong sistema. Kaya isang beses naisipan kong mag libang. December 24, 11:00pm, bisperas ng pasko,naisipan kong mag gala sa kahabaan ng metro manila. ibat ibang estraktura na pwedeng puntahan para mag libang ang mga nadadaanan ko, kainan, archade, resorts, hotels, at clubs. Sa dami nito,iisa lang ang naingganyo akong pasukan, at ito nga ang Ligaya Club.
Nang ako ay nasa entrance na nito, nag dalawang isip ako kung tutuloy bako o hindi. naisip ko na deserve ko naman siguro to, bukod sa palagi nalang akong subsob sa trabaho e wala din naman akong kasama sa apartment na salubungin ang pasko.Tumuloy ako sa loob ng club. Pagpasok ko ay bumungad ang magagandang babae na nagsasayaw sa stage, Tumungo ako sa isang bakanteng table. Nang umupo nako at nanood sa mga nag sasayaw ay biglang lumapit sakin ang isang babae ,
"Sino sa kanila bet mo?" tanong nito sa akin.hindi ako nakasagot agad dahil hindi ako makapili sa mga nag sasayaw, hindi isa sa kanila yung type ko.
"Sabihan mo lang ako pag may nagustuhan ka nang i table" sabi ng babae sabay kindat.
maya maya pa, habang nanonood ako sa mga tao sa club may nasipat akong babae, isa sya sa mga GRO sa club, sa dami ng inooffer nilang babae doon ay sya lang ang nakaagaw ng pansin ko. Gusto ko syang itable, pero dahil first time ko sa gantong lugar, eto ako at hindi maka pormang ayain sya na tumable saken. Habang pinagmamasdan ko sya ay lumingon din sya sakin. lumapit ito at naupo sa tabi ko, habang papalapit sya sakin ay hindi ko maiwasang matulala sa taglay nitong ganda.
"hi, bago ka dito no?" tanong nya sakin
"oo" nahihiya kong sagot
"gusto mo ng ka table? available ako" sabay kindat nyang sinabi sakin.
tumango ako at naupo na sya sa tabi ko. Masaya kaming nagkekwentuhan sa kinauupuan namin,maya maya ay umorder ako ng isang bucket na beer para saaming dalawa.Habang kami ay umiinom, nagpatugtog ang dj ng pang party parting kanta. inaya ko syang sumayaw sa gitna dahil may mga nagsasayawan doon. Pumunta kami sa gitna ng crowd at sumayaw. lahat ng tao ay naka tingin samin, pero hindi ngiti ang nasa kanilang muka kundi pagtataka.Hindi ko pinansin ang mga taong yon dahil masaya naman ako sa kasayaw ko. Bumalik na kami sa lamesa namin ng napagod nako sumayaw,kwento ako ng kwento pero pag lingon ko ay wala na pala ang kausap ko. Luminga linga ako sa club para hanapin sya pero hindi ko na sya nakita. Pagkatapos ng gabing yon ay hindi na nawala sa isip ko ang muka ng babaeng tinable ko, Hindi ko manlang natanong ang pangalan nya. Habang nakatingin sa malayo ay ngingiti ngiti akong inaalala ang masayang gabi ko sa bar. Sabihin nyo nang mababaw ako pero masaya ako ng makasama ko sya ng isang gabi lang, habang inaalala ko ang mga ngiti nya ay diko maiwasang ngumiti,inaasam na makasama ko sya ulit.Binalak kong bumalik sa club,umabsent sa trabaho ko at pumunta doon. Pagkadating ko sa club ay agad kong nilinga linga ang mga mata para hanapin ang babaeng nakasama ko nung gabi. Sampung minuto ang lumipas,hindi ko nakita ang babae, inisip ko na baka hindi ito pumasok.Nanahimik nalang ako at umupo sa isang bakanteng pwesto, nang oorder na ako ng alak ay nasipat ko ang magandang babaeng kasama ko nung gabi sa entrance ng club, nakasilip ito at umaakmang papasok na. Agad ko itong nilapitan para ayain muli na makatable ko. Sa pangalawang beses pumayag ulit ito, ako naman ay tuwang tuwa dahil saakin ulit sya napunta. Hinawakan ko ang bewang nya at nag lakad papunta sa lamesa namin. Kagaya kagabi, uminom kami at sumayaw, nang puntong yon nailang ako, kase kagaya ng kagabi naka tingin ulit ang ibang tao samin, inisip ko na baka nagagandahan lang sila sa kasama ko. pagkatapos namin sumayaw ay bumalik na kami sa lamesa namin,
"Bakit kaya tingin sila ng tingin satin?" nagtataka kong sinabi sa kanya
"hayaan mo nalang sila" nakangiting sabi nya
tinuloy namin ang kasiyahan ng gabing iyon, lumipas ang oras at magsasara na ang club. bago kami umuwi ay sinigurado kong maitanong na ang kanyang pangalan. Bagay na bagay sa kanya yung pangalan nya, Melanie. Sa sobrang pagkabighani ko kay Melanie ay paulit ulit akong bumabalik balik sa club, hindi nadin ako nakakapasok sa trabaho. Oo, napabayaan kona ang trabaho ko,unti unting nauubos ang ipon at malimit nadin magpadala sa pamilya. gabi gabi kong inubos sa club ang oras at pera ko, palagi nadin akong tulog sa umaga at gising sa gabi. Habang tumatagal ang pag punta ko sa club nayon, palala ng palala ang bulungan at titig na nanghuhusga ng mga taong naka tingin samin ni Melanie. tila ba may gustong sabihin o itanong. Sa kabila non, hindi ko sila pinansin at pinag patuloy ang pakikipag usap kay Melanie.
"Cr lang ako" Sabi ni Melanie
"Ah sige lang" sagot ko
pag punta ni melanie sa cr ay pinanood ko lang ang mga nagsasayaw ng biglang lumapit sakin ang babaeng nagrereto ng mga GRO sa customer, kung tawagin nila e "mamasang" tinanong ako nito
"ilang araw kana dito pero hindi ka padin nag tetable ng babae" sambit nito sakin
"huh? Meron akong katable gabi gabi" sagot ko
"E sino?"
"Si Melanie, yung pinaka maganda mong alaga" nakangiti kong sagot sa kanya
Nagtaka ako sa naging reaksyon ng mamasang, natigilan ito at namutla,dali daling tumayo sa kinauupuan at umalis. maya maya lang ay dumating na si Melanie, habang nag uusap kami ay napalingon ako sa cashier. nandoon si mamasang at ang kahera nila, nakatingin sila samin ni Melanie at tila ba kami ang pinag uusapan. tinanong ko si Melanie kung bakit ganon nalang ang reaksyon ng Mamasang nila nung sinabi kong sya ang katable ko.
"Wala lang yan, siguro masama lang pakiramdam ni mamasang kaya namutla" sagot nya sakin
"Ah ganon ba?.. sige hayaan nalang natin" nag aalinlangan kong sagot
Kinabukasan,bumalik ako sa club, pagpasok ko ay wala pa don si Melanie kaya naman umupo muna ako sa isang tabi.Hindi pa mandin dumadating si Melanie ay lumapit na sakin si mamasang at may kasamang babae, isa sa mga alaga nya.
"Hi" bati ni mamasang sakin
"Hello" naka ngiti kong sagot sa kanya
"Kesa nagmumuka kang tanga jan kakainom mag isa, eto oh itry mo tong alaga ko. mabait , maputi, sexy, at maganda" sabi ni mamasang sabay kindat
"N-nako may inaantay po ako e si--"
"Shhh.. dimo pa nga sya nasusubukan tatanggihan mona? iiwan kona sya sayo ha ikaw na bahala".
nag lakad na palayo ang mamasang at naiwan kami ng alaga nya
"Hi, i am Honey, you?"
"Hmm Lester" sagot ko habang kumakamot ulo
"Madalas ka dito?"
"Oo"
"lets drink?"
tumango nalang ako at hindi na nagsalita, ng gabi nayon ay hindi lumitaw sa club si Melanie. lumalalim na ang gabi at nalalasing nadin ako, unti unti kaming nagiging clingy ni Honey sa isat isa. Dala ng kalasingan ay nagkaayaan kaming pumasok sa private room, doon ay may nangyari samin. Pagkatapos namin ay binayaran kona si Honey at umuwi. Ubos na ang naipon kong pera para sa pagpapadala sa pamilya ko at budget ko sa pang araw araw,kaya naman kinabukasan ay bumalik nako sa trabaho. Galit na galit ang boss ko at muntik pakong tanggalin, kung ano ano ang dinahilan ko wag lang akong mataggalan ng trabaho at awa ng dyos napag bigyan naman ako ng isa pang chance. Habang nasa trabaho ako ay iniisip ko padin si Melanie,pagsahod ko ay nilaan ko agad pang budget para makabalik sa club. Ganon na nga ang tingin kong mangyayari,sa umaga ay nagtatrabaho ako at sa gabi ay nasa club kasama si Melanie.Pag uwi ko galing trabaho ay dumaan ako sa club, sa harap palang nito ay may nagkukumpulan ng tao, may mga caution tape na naka harang sa entrance. Na curiuos ako at agad lumapit sa entrance, sa dami ng tao ay hindi mo makikita kung ano ang nasa loob. Pero ng makarating ako sa harap, nakita ko ang nakahilatang si Honey. duguan, bali bali ang buto at tanggal ang isang mata.Grabe ang kilabot ko sa nakita ko,Kasama kopa sya kagabi at ka seeping. lahat ay awang awa kay Honey, pati na ako.

BINABASA MO ANG
The night club lady
Horrorang kwentong ito ay gawa lamang sa kathang isip ng author. ito ay katatakutan na may halong maseselang parte na hindi pwede sa mga bata. ang istoryang ito ay mangyayari sa isang club.