III. Cover Girl

26.9K 641 64
                                    

TITLE: Cover Girl
GENRE: Fluff
Daniel Padilla and the threshold level of his stress and anxiety.

*********

'Bakit ba pumayag pa ako dito?' Napabuntong hininga na lamang si Daniel bago minasahe ang kunot ng dalawang kilay na nagsalubong.

Wala pang isang oras mula nang umupo sya sa isang couch sa loob ng dressing room ng asawa na kasalukuyan namang mine-make up-an sa harap ng vanity mirror. Panay ang gala ng mga mata ni Daniel habang nagmamasid sa mga hindi pamilyar sa kanyang tao na paroo't parito. Maya maya ay pumasok ang isang babaeng naka-stripes na blouse, maong na shorts at flip flops.

'Ms. Kath, nakita nyo na po yung isusuot nyo for the pictorial?'

Narinig ni DJ na tinanong ng pumasok na babae kay Kathryn.

'Nakita ko na yung mga sketch nung meeting. May mga na-fit na rin ako pero hindi pa daw yun kasi ang final.' Sagot nito habang nakatingin sa itaas dahil kasalukuyan syang nilalagyan ng eyeliner.

'A, sige po. Ipapasok na lang po namin ung mga damit.'

'Thank you.' Kathryn smiled bago lumabas ang babae.

'Bal, sigurado na ba talaga tayo dito?' Nag-aalinlangang tanong ni DJ sa asawa matapos syang lumapit dito. 'Kung ano man, pwede pang mag-back out ha.' Tila pinagpapawisang sabi ni Daniel. 'Ano ba yan?! Bakit ang init dito? Sira ba ang aircon?' Reklamo nya.

Halos nagkumahog naman ang staff and crew ng magazine kung saan magiging cover feature si Kathryn para maisaayos ang lamig na ibinibigay ng aircon sa loob ng kwarto.

'Deej, ok na 'to para tumigil na sila sa pangungulit.' She reached out to his hand which was on top of her chair's armrest. Kathryn can feel him tensed.

'Basta lang mabigay lahat ng demands natin, magkakasundo kami. Walang dadanak na dugo bago matapos ang araw.'

Parang nasamid si Kathryn bago natawa.

'Dun ka na lang muna uli Babe. Pwede ba, pakitawagan sa bahay? Pakitanong kung anong nangyayari na sa tatlong bata.'

'Si Mama at si Tita Ana naman ang andun.'

'DJ.'

'Opo sige na. Tatawag na.'

Hindi pa man nagsisimulang maglabas ng cellphone si DJ mula sa kanyang bulsa ay napatigil na sya dahil sa ipinapasok na rack ng mga damit. Nawala na sa hulog na tatawagan nya ang kanyang ina at tiyahin para kumustahin ang mga anak dahil mas mahalaga sa kanya ngayon ang masuri ang isusuot ni Kathryn.

Halos lumuwa ang mga mata nya sa nakikita nang isa isa nyang hinila ang mga hanger ng negligee mula sa rack.

'ANO TO?!?!?'

Naalarma namang tumakbo papalapit si Kathryn kay Daniel at maging siya ay nagulat sa itsura ng mga damit na hawak ng asawa. O kung damit pa ngang matatawag yon.

'Bakit ganito ate? Parang wala naman akong naisukat na mga ganito noon.'

'Meron dyan Miss Kath.'

Lumapit na rin ang dalawang stylist ni Kath at in-examine ang mga damit.

'Ano bang peg ng photoshoot ate?' Tanong ng isa.

'4 Seasons. VS Angels.' Matipid na sagot ng tinanong.

'4 seasons nga diba?! May winter ba na magsusuot ng ganito kanipis?!?!' Naghuhurumentadong tanong ni DJ habang hawak hawak ang isang light blue silk, lace and fur negligee. 'Wala pa man! Mukhang may dadanak na dugo na agad!'

'DJ!' Suway ni Kath sa asawa.

Agad namang tumahimik ito.

Kasunod namang ipinasok ang mga mannequin na may suot suot na mga pakpak.

Team Bernardo- FordTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon