Chapter 24

61 1 0
                                    

NANG makalabas ng hospital si Lime agad niyang pinuntahan ang ina ni Amora na nasa baguio.

Nang makarating siya sa destinasyon niya, agad siyang lumabas ng sasakyan pagkatapos ay pinindot ang doorbell ng bahay.

Bumukas ang pinto ang gate ng bahay at nakita niya ang ina ng babaeng mahal niya.

Kaagad na ngumiti ito sa kaniya ng makita siya. "Anong ginagawa mo rito?"

Nginitian ni ang ina ni Amora. "Hi, nana."

"Halika at pumasok ka muna." Pag-aaya ng ginang sa kaniya."Tamang-tama at gumagawa ako ng strawberry pie." Ani pa nito habang sinasabayan niya ang paglakad nito. Nagsimula na siyang kabahan at matakot dahil baka kurutin ng ina ni Amora ang kaibigan niya dahil inakit niya ang anak nito.

Naipo siya sa sofa sa sala at ito naman ay pumunta ng kusina at kukuha daw strawberry pie.

Maya-maya bumalik na ito at may dalang tray. "Bakit ka pala naparito?" Ani nito habang inilalapag ang pagkain sa mesa.

"I have something to tell, but first, don't overreact.  And don't harm my friend."

"Anong pinagsasabi mong bata ka?"naguguluhan nitong sabi.

Himugot siya ng isnag malalim na hininga. "I'm here to ask you if I can marry Amora?" Tanong niya sa ginang. "And don't say, you're not payag. Because you don't have a choice, na. I propose na to her at the hospital. And she said yes." Nakangiting dugtong niya.

"Aba't ikaw na bata ka. Inanakan mo na nga ang anak ko, ngayon naman hindi mo ako binigyan ng pagkakataon na himindi sa'yo."ani nito at kukurutin na sana siya ng naharang niya ito ng unan.

"How did you know?" Gulat niyang tanong ng ma-realize ang sinabi ng ginang.

"Sa mommy mo. Nagulat lang ako at mamanhikan daw sila ng daddy mo sa akin."anito. "Aba't nauna pa ang magulang na mamanhikan kisa sa anak nila."

"Si mommy nagsabi na anak ko si Asher?"

"Oo at sinabihan na rin ako ng anak ko tingkol sa'yo bago pa ito pumunta sayo sa hospital." Ani nito at tumitig sa kaniya ng seryoso. "Alam mo namang maraming pinagdaanan si Amora at ang apo ko. Tandaan mo, kapag nagloko ka. Puputulan kita ng-"

"I love my son and your daughter, nana. So don't overthink." Pagputol niya sa sasabihin pa ng ginang. "Naiinitindihan ko kung magalit ka man sa akin, nana. But don't pinch my friend."

"Galit ako sa'yo. Dahil sayo naranasan ng anak ko na kutyain ng ibang tao." Ani nito sa malungkot na boses. "Pero wala naman akong magagawa kung humindi ako dahil desisyon naman ng anak ko ang masusunod. "

"Nana, kailangan ko parin magpaalam sayo kasi ikaw ang ina ng taong papakasalan ko. " ani niya sa ina ng babaeng mahal niya. "I love your daughter so much, nana. The playboy before is gone because of your daughter. Inakit ako ng anak mo, nana."

Napailing-iling ang ginang at hindi makapaniwalang tumawa. "Paano ka kaya napabago ng anak ko? Pumunta ka pa talaga dito para lang hingin ang blessing ko sa kasal niyo? Hindi ang pagkain?"

Tumango siya. "For now, hindi pagkain ang pinunta ko kundi ang blessing niyo."

Hindi makapaniwala tumingin ang ginang sa kanya. "Malaki na talaga ang pinagbago mo. Dati naman kapag pupunta ka dito pagkain ang hinahanap mo. Ngayon hindi na. Asan na ang matakaw na binata dati?"

"Nana, matakaw pa rin naman ako. Pero sa ibang putahi na." Nakangiti niyang sabi.

Nanlaki ang mata ng ginang at pinaghahampas siya ng unan. "Baka hindi mo na tinitigilan ang anak ko ha. Sinasabi ko sayo kapag iyon ay nabuntis na naman ng hindi pa kayo kasal, malalagot talaga yang alaga mo."

OBS 3: Our Sweet And Sour LoveWhere stories live. Discover now