"Irehh..irehh! Hija.sige pa, kaunti nalang lalabas na ang anak mo!.."
Isang impit na sigaw ang lumabas sa mga bibig ng babae.
Iyan ang maririnig na mga boses mula sa maliit na klinika ng Orphanage de La Felicidad.
Halos makanda-ugaga na ang ilang mga Madre upang panatilihing gising ang nanghihinang babae na kanilang tinutulungang manganak.
Ang iba naman ay ipinagdarasal ang matagumpay na panganganak nito.
"Sige pa Hija, kaunti nalang.." wika ni Sister Leyla na siyang nagpapa-anak dito.
Lahat sila nagsitigil sa kanilang mga ginagawa nang narinig nila ang unang iyak ng bagong silang na sanggol.
Maraming natuwa nang marinig ang unga ng sanggol.
"Napakagandang bata, Ano ang ipapangalan mo sakaniya?" Tanong ni Sister Leyla.
Nanghihinang sumagot ang babae.
"Feliz..dahil siya ang kasiyahan ko.."
Tumango ang ibang mga Madre at sumagayon sa napili nitong ipangalan sa bata.
Ibinigay ng dahan-dahan ni Sister Leyla sa Ina nito matapos linisin at ibalot ng tela ang sanggol.
Napaluha naman ang babae habang nanghihinang hinagkan ang anak na si Feliz.
"Hello anak, mahal na mahal ka ni Mama.." sabay halika nito sa bagong silang na anak.
Pagkatapos noon ay halos nagdiwang ang mga Madre at ibang mga bata dahil sa matagumpay na pagpapa-anak dito. Maraming mga bata ang nakipag-unahan sa clinic para lamang makita ang sanggol.
Ngunit pakalipas ng ilang buwan, nabalitaan na lamang ng mga Madre ang pag-iwan ng babae sa anak nito sa bukuna ng maliit na chapel.
Hindi nila lubos maisip na kayang iwan at ambandunahin ng kanilang tinulungang babae ang munting bata sa hindi nalamang dahilan.
Sinubukan nilang hanapin ito at nagbakasakaling mahanap ang babae dahil sa kanilang awa sa bata na lalaking walang kinikilalang Ama at Ina.
Bigo silang mahanap ito kung kaya't napagdesisyunan nilang ampunin at kupkupin ang iniwang bata.
Simula noon, ang mga Madre ang nagpalaki at nag-aruga sa bata na si Feliz. Hanggang sa lumipas ang halos dalawang dekada at naging ganap itong butihin at responsableng dalaga.
BINABASA MO ANG
Flowers For Him
RomanceFlowers For Him Every day, he received a flower from a secret admirer. Who was it from, and why him?