FELIZ'S POV
"Good afternoon! Ma'am, what's yours for today?" Masiglang bati ko sa bagong customer.
"Hmm..a cup of macchiato please, and also I want it sweet."
Tumango at ngumiti ako sa customer.
Bago ito umalis ay humirit pa ako ng isang joke.
Napatawa naman ang customer dahil doon at binigyang ako ng tip kahit hindi ko pa naman nabibigay ang kapeng inorder nito.
"Naku.. Thank you po Ma'am sa tip!" Masigla kong pasasalamat.
The lady just nodded and smiled at me.
Bumalik na ako sa counter at ginawa yung kape na ibinilin ko naman sa isa ko pang kasamahan na ibigay sa customer.
"Naks naman...spren, umagang may tip HAHAHA.."
At umagang-umaga narito na naman siya.
Buti na lamang hindi napapadpad ang owner ng coffee shop, kung Oo malalagot talaga ang isang ito.
Astang guguluhin nito ang buhok ko ng agad akong umiwas.
"Alam mo Kevs kahit kailan di mo na tinigilan buhok ko."
"At saka bakit ka narito?, I thought tuwing hapon pa ang pasok mo?"
Tumawa ulit si Kevin dahil sa naiinis na mukha ni Eli.
"Suss...ito naman, bihira na nga lang tayo magkita eh." Kunyaring tampo nito sa kaibigan.
Napangiwi naman ako sa mga sinasabi nito.
"Anong bihira na magkita?, eh halos tumira ka na nga sa Orphanage.."
Ngumisi naman si Kevin kay Eli na animo'y may hihingin na naman itong pabor.
"Oh..Ano namang tingin yan?, wag mong sabihin na doon ka naman magpapalipas ng isang linggo?"
Napakamot naman ng ulo si Kevin dahil nahulaan ni Eli kaagad ang sadya niya.
"Hehe..Yun na nga eh, bespren..baka naman..please..." Nagpapaawang wika nito.
Napailing nalamang ako sa kakulitan ni Kevin.
Si Kevin ang isa sa mga kababata ko. Hindi siya lumaki sa Orphanage na kinalakihan ko pero kaya ko siya naging kababata kase yung parents niya ang isa sa mga palaging nagdodonate at tumutulong sa bahay ampunan.
Naging magkaibigan kami dahil sa palaging nagkakataon na sa'kin kasya ang mga damit ng ate niya noong bata pa ito noon.
Minsan nga'y napagkakamalan na kaming tatlo nina Anna at Kevin na magkakapatid.
Balik tayo sa pangungulit niya.
"Hay naku Kevs...makikipagsiksikan ka naman sa mga bata, eh ang tanda-tanda mo na.."
"El-" di natuloy na sabi nito.
"Hindi ka ba napapagalitan sa pinagagawa mo?"
"Kase-.." putol ko ulit sa kaniya.
"Alam ba ng parents mo na nandoon ka palagi sa bahay ampunan?"
"Eli naman ehh..patapusin mo na muna ako pwede ba?" Naiinis na turan nito.
Napatawa ako sa reaksyon niya.
"Yun na nga eh, The problem is.."
"Ano?"
"Oh, andyan ka naman..di mo naman ako pinapatapos.." inis na usal nito.
Tumango na lamang ako at napatawa sa pang-aasar ko sa kaniya.
BINABASA MO ANG
Flowers For Him
RomanceFlowers For Him Every day, he received a flower from a secret admirer. Who was it from, and why him?