•Pran's P.O.V"Good evening Khappp! May I get your order mr...lover boy?" Linapitan ako ni Wai na nakasuot nang uniporme bilang nagtatrabaho sya dito ngayon sa bar na pinagtatambayan ko.
He's trying to get into my nerves.
Hinampas nya pa nga ang mesa ko upang kunin ang atensyon kong naka tulala lang habang nasa baba ang kamay.
"Aww! Hindi ka ata okay ngayon phuean (friend)... what's wrong?" umupo sya sa harap ko at sinubukan ko namang ngumisi.
"Bigyan mo'ko ng tatlong bote ng alak" padalos dalos kong sabi.
"Aw! Teka teka lang, ano ka ba, dahan dahan ka kaya. Are you really planning to get wasted tonight?" Pag-alma nya at sumeryoso ang mukha.
"Ao na (come on).. alam ko naman pano dalhin ang sarili ko" iniligay ko ang kamay sa mesa at umusog.
"Sigurado ka ha? Alam mo, may rason talaga yang mga pa ganyan ganyan mo eh. O sige ganito, sasamahan kita ngayon, kuha lang ako ng alak" nagmamadali syang tumayo at kumuha ng maiinom.
Habang naghihintay ay isinandal ko muna ang likod sa upuan. Nasa hangin na naman ang atensyon at ewan ko ba, naka ilang ulit na'ko sa pagbubuntong hininga dahil sa bagay na bumabagabag sa akin ngayon.
Makaraan ang maikling sandali ay bumalik si Wai kasama ang apat na bote at inilagay ito sa mesa.
"Ao wa (bring it on)... tell me everything, let me be the best man for you tonight" inunahan nya na ako at nakahanda nang makinig sa'kin na para bang alam nya talagang may problema ako. I smiled.
"Kilala mo na talaga ako Wai" sabi ko habang inilalapit ang alak sa akin.
"Nae-non (ofcourse)... alam ko na yang mga ganyang mukha, kaya ano? E kwento mo na, you can rant anything to me" sagot nya.
I smirked. "Sira, hindi naman ganon ka grabe. But somehow it bothers me" binawi ko ang pagngisi.
"Tungkol sa'n ba yan? Wag mong sabihin tungkol kay Pat?" He perfectly guessed it.
Una akong uminom at tumunganga dahil totoo naman. Sinundan nya din sa pag-inom at hinihintay nalang akong magsalita.
"Ueh! Wai, matanong kita..."
"Mh.."
"Dapat ba akong mag overthink kapag may ibang nagkakagusto kay Pat?" Mahinahon kong sabi at hindi manlang naghintay ng ilang segundo si Wai at binulabog ang mesang nananahimik sa hampas nyang nakatawag atensyon sa iba.
"Sabi ko na eh! Hindi talaga ako nagkamali ng kutob. Hulaan ko, yan yung asungot na babae na kesyo little sister daw ni Pat ano? ai Nanabelle" mas ako ang nagulat dahil sa reaksyon nyang hindi ko ma abot, hinigitan pa nga ako. Wala pa nga rin akong nasasabi ay nakapag name drop na sya kaaagad.
"Kama lang, u-upo ka ulit" pagpapakalma ko sa kanya at kinukumbinsi syang bumalik. "Sa tuwing pag-uusapan talaga si Nana ay ganyan talaga ka init ang dugo mo no? parang sagad sa buto yang inis mo sakanya" dugtong ko.
"Eh sino ba kasing hindi maiinis, Pran? Tignan mo ngayon, isa na rin sya sa mga pinoproblema mo"
"Teka teka nga, wala pa nga akong sinasabi. Ganon ba talaga ka obvious na sya tinutukoy ko?"
"Ueh dee wa! (Oo naman!)... matinis ang mata ko sa mga ganyang klaseng tao, kahit nga pinsan kong babae hindi gumaganyan ganyan sakin." He crossed his arms in a pissed off manner.
"Gumaganyan ganyang ano?"
"Yang pag lapit ni Nanabelle kay Pat, kulang nalang ay oras oras nyang puntahan o di kaya'y dikitan. Tsaka palagi silang magkasama no, at parang hindi naman kuya yung turing nong babae kay Pat. Sinabi lang din naman sakin ng mga tropa nya dahil kahit sila ay nakakapansin narin. Isa pa, hindi naman sila magkadugo, kaya hindi kataka taka." nagbigay sya sa akin ng mga katibayan at mas lalo lang akong napapaisip. Umusog na nga ako sa kinauupuan.
YOU ARE READING
Behind those lies
Roman d'amourSecrets was already tangled in their palm as Pat and Pran decides to face the reality between the undying rivalry of their parents. Their relationship was forbidden and it will only make everything worse if it continues. That's why they went back ho...