May isang lumang tulay sa gitna ng dalawang kagubatan.
Sa ilalim nito ay isang ilog.
Kung hindi tag ulan hanggang tuhod lamang ang taas ng tubig.Pero ngayon ang agos nito'y maligasgas at kung hindi pa titila, tuluyan ng aapaw ang mala putik na kulay ng tubig.
Magdadalawang araw ng masama ang panahon. Ayon sa announcer na nagbabalita sa radyo.
Magingat daw ang lahat sa bagyo.
Sa gitna ng libo-libong butil ng tubig sa ulan na tila sumasayaw at kumukurap sa ingay na bumabagsak sa katahimikan ng kapaligiran...
Matatanaw ang paparating na kotse na kulay puti. Isang babae na marahil ay nasa edad 40's ang siyang nagmamaniho nito.
Mayroon itong kulay kaki na mahaba at kulot na buhok. Maputla at nanlalalim ang mga mata.
Nang masilayan niya na ang tulay agad na gumuhit sa kanyang tuyong labi ang ngiting nakakapangilabot na noon ay mala rosas at kaibig-ibig.
"Sa wakas...nandito na tayo."
Wika ng malambing na tuno ng boses nito. Sabay silip sa back mirror.
Doon ay gumuhit ang anyo ng isang batang lalaki na marahil ay nasa edad apat.
Sa murang edad nito'y nasasalamin sa kanyang mga mata ang pangamba na umaalingawngaw sa kanyang dibdib.
Nanlalamig at namumutla.
Napapahingal siya sa bawat paghinga.
Sinusubukan niyang pigilan at hinaan ito. Para bang natatakot siyang marinig ng kasama ang malalalim niyang paghinga dahilan para siya'y maubo.
Tila nasasakal siya't nahihirapan.
Ang tanging magagawa lamang niya sa mga oras na iyon ay yumakap ng mahigpit sa stafftoy na rabbit na kulay itim.
Ang laruang iyon ay bigay sa kanya ng kanyang ina.
Palagi niya itong daladala. Ito lamang ang tangi niyang kasama.
Huminto sa gitna ng tulay ang kotse.
Saka lumabas ang ginang. Wala sa kanya ang lamig ng mabasa sa ulan. Agad niyang binuksan ang isang pinto sa likod kung nasaan ang bata.
"Nandito na tayo..."
Saka inilahad ang isang kamay.
Palipat-lipat ng tingin ang bata sa palad ng ginang at sa mukha nito.
Halatang ayaw niyang sumama. Kaya hinablot ng ginang ang kanyang isang braso palabas ng kotse.
Sa subrang takot walang mailabas na boses ang bata. Napahagulgol na lamang ito sa pagiyak.
"Wag kang matakot...isasauli na kita...kasi...hindi ikaw yung anak ko..."
Pailing iling nito.
"Hindi ikaw si Neelan..."
Huminto siya sa gitna at itinulak ang bata pasulong sa gilid ng tulay.
"Kailangan mo ng umuwi...mmm..."
Bago tuluyang humakbang ang bata. Lumingon siya ulit sa ginang.
Tuluyan na itong nawala sa katinuan.
Humakbang siya ulit ng dahan-dahan.
At siya'y biglang napako sa gulat ng may marinig na parang may kung anong bagay ang kumalambag o bagay na nabangga.
Huli na ng maipreno ng driver ang truck na minamaniho niya. Inaantok talaga siya at di agad nakita ang taong nasa harap. Kumpyansa rin siyang walang ibang daraan roon kasi short cut iyon at may sabi sabing minamaligno.
Kaya hindi niya aakalaing may ibang tao roon.Sa subrang lakas ng impact. Tumilapon sa malayo ang ginang tyaka gumulong gulong ang katawan nito.Bali bali ito at wasak ang kanyang ulo. Agad na kumalat sa paligid ang dugo.
Naghalo ito sa tubig ulan at umagos iyon sa nangangalit na ilog.
****
"Happy birthday Mauve!"
Bati ni Pembe sa kaibigan. Saka masayang ibinigay nito ang isang giftbag na may fancy design at kulay lilac na ribbon.
"Wow! Thanks!mmm...ano kaya ang laman nito?"
"Mamaya mo na buksan. Wala pa sina Arvi at Neelan?"
Umiling ito.
Mahigpit na nakakapit sa bawat isa ang dalawa at masayang nagmartsa papasok sa isang farm na ang nakapaskil ay WELCOME TO FARM SUNSHINE...
BINABASA MO ANG
Ang Lihim Sa Dulo ng Ilog
Spiritual"Nandito na tayo..." saka inilahad ang mga kamay. Palipat-lipat ng tingin ang bata sa palad ng ginang at sa mukha nito. Halatang ayaw niyang sumama. Kaya hinablot siya nito palabas ng kotse. Sa subrang takot walang mailabas na boses si bata. Umiyak...