BLAIRE SAMANTHA'S POV
Nang matapos kong maayos ang mga gamit ko ay nauna na akong lumabas kay min. Naiilang ako. Lalo pa at lagi kong naiisip na magkasama kami sa iisang kwarto. Hindi lang ako sanay.
"Saan ka pupunta hija?" napatingin ako kay tito miguel ng magsalita siya. Kakababa ko lamang ng hagdan.
"Sa labas lang po tito," sagot ko naman.
"Oh siya wag kang lalayo hah? Teka nasan ba si min?"
"Nasa kwarto pa po tito."
"Ganon ba? Oh siya wag kang masiyadong lalayo matagal na rin kasi nung huli niyong punta dito at hindi mo na kabisado ang lugar na to." tumango naman ako kay tito miguel.
"Nasan nga po pala si tita celine tito?" luminga ako sa paligid para hanapin si tita pero wala akong nakita. Tanging ako, si tito miguel at mga kasambahay lamang ang nandito sa sala nila.
"Nasa kusina hija. Gusto kasi niya na siya mismo ang magluto. Alam mo naman yung tita mo. Gusto niya kasing matikman mo yung luto niya." napangiti naman ako.
"Ganon po ba?! Lalabas lang po muna ako tito. Babalik rin po ako mamaya. Gusto ko rin po kasing matikman yung niluto ni tita."
Napatawa naman si tito bago tumango sakin.
"Sige hija." agad naman akong lumabas.
Nagtungo ako sa likod ng bahay nila at doon ay nasilayan ko ang dagat. Sobrang pino at puti ng buhangin. At amoy na amoy ko ang alat nito.
Umupo naman ako sa nakita kong isang duyan na gawa sa kahoy at gulong. Nakatanaw lamang ako sa mahinahon na hampas ng alon. Hanggang tingin lamang ako lalo pa't wala akong lakas na lumapit doon. At hindi ko nanaisin pang lumapit doon.
Kay gandang pagmasdan ng dagat, hinding hindi mo talaga aakalaing kaya rin pala nitong kumuha ng buhay.
Hindi naman ako dating ganito pero simula nung may mangyaring masama ay hindi na ako muli pang lumapit sa dagat o kahit sa malalalim na tubig. Katulad na lamang swimming pool. Kaya nga hindi ko pinalagyan ng swimming pool ang bahay namin dahil sa takot ko.
Muli kasing bumabalik sa akin ang ala-alang hindi ko kailanman makakalimutan. Mga ala-alang kay sakit paring balikan. Sobrang tagal na nun pero nandito pa rin sa utak ko. Sariwa pa rin sakin ang pangyayaring yun.
Bata pa kasi ako nun nang maisipang naming mag-outing kasama ang buong pamilya pati na ang lolo at lola ko sa side ng daddy ko. Sobrang saya namin nun, talagang hindi maipinta ang saya namin nun habang naliligo sa dagat. Pero... Pero natigil lamang iyon nung may marinig kaming nalulunod na bata.
Marami ang nagmadaling sagipin ang bata at kasali na roon ang lolo ko. Tagumpay nilang nailigtas ang bata at hindi nila napansin ang lolo ko na naiwan doon sa malalim. Ang akala ko ay ayos lamang si lolo doon pero hindi ko aakalaing iyon ang huling araw na makakasama namin siya. Hindi ko inakalang iyon na pala ang huling outing na makakasama namin siya. Dahil.. dahil siya naman ang nalunod. Sinubukan siyang sagipin ni daddy pero huli na dahil wala ng buhay si lolo ng maiahon nila. Ang sabi ng doctor ay may fracture sa paa ni lolo. Siguro sa kakamadali niya ay tumama ang paa niya sa bato. Grabe ang iyak ko nun. Malapit kasi ako kay lolo at hindi ko aakalaing iiwan niya ako bigla.
Gustong gusto kong sisihin yung bata, pati na ang magulang nito dahil sa pagiging pabaya nila. Pero kahit na gawin ko man yun, hindi ko na maibabalik ang buhay ng lolo ko.
Ang akala ko ay hanggang doon lamang ang lungkot na mararamdaman namin pero lumipas ang ilang araw ay si lola naman ang binawian ng buhay. Hindi ko matanggap na nangyayari iyon sa pamilya namin. Kung hindi siguro kami nag outing baka nakasama pa namin ng mahabang panahon si lolo at lola.
Hindi ko makakalimutan ang huli naming pag-uusap.
"Ang ganda talaga ng apo ko!" nakangiting saad ni lola.
"Syempre naman po, saan pa ba ako magmamana kundi sa iyo lola ganda. Lalo na po kay lolo pogi!" sagot ko naman sa maliit na boses.
"Oo nga naman. Tama nga naman itong si ganda." napangiti naman ako ng yakapin ako ni lolo. Pinagigitnaan nila akong dalawa.
"Apo ipangako mo samin na kahit anong mangyari ay wag kang mawawalan ng pag-asa. Maging matatag ka lang at maging maganda." pabiro pang tumawa si lola. "Kung dumating man ang panahon na wala na kami, lagi mong iisipin na hindi ka namin papabayaan. We will always guide you ganda."
"Tama ganda! Lagi mong iisipin na nandito lang kami palagi." sabay turo ni lolo sa bandang puso ko. "Mananatili kami diyan kahit anumang mangyari."
"Why are you saying this to me lola ganda and lolo pogi? Your not going to leave me right? Dito lang naman kayo palagi sa tabi ko diba?"
"Of course ganda! Dito lang kami sa tabi mo. We wont leave you! "
But that was a lie. Iniwan pa rin nila ako sa huli. Hindi ko aakalaing huling pag-uusap napala namin iyon. Iyon na pala ang huli nilang habilin sakin. Kung alam ko lamang na mangyayari yun ay nanatili na lamang sana ako sa tabi nila at mas ipinaramdam pa sa kanila kung gaano ko sila kamahal.
Nag-angat ako ng tingin at tinanaw ang kulay asul na langit.
Lola ganda, lolo pogi I miss you! Sana masaya kayo sa heaven ngayon. I love you!
Patuloy kong pinagmamasdan ang langit nang maramdaman kong may palapit na tao sakin. Agad kong pinunasan ang luhang di ko napansing tumulo pala kanina. Nang balingan ko ay si min ang nakita ko. Nakasuksok sa magkabilang bulsa ang kamay niya habang naglalakad palapit sa kinauupuan ko. Ang akala ko ay uupo siya pero nanatili lamang siyang nakatayo habang nakatanaw rin sa dagat.
"Why are you here? Hindi ba't takot ka sa dagat?" tanong niya. Nakita kong sinasayaw ng hangin ang buhok niya.
"Gusto ko lang makita ang dagat pero wala akong planong lumapit doon." sagot ko. Yumuko ako at marahang nilaro ng paa ang buhangin.
"By the way don't tell my parents about stella." saad niya na nagpaangat muli ng tingin ko sa kaniya.
Min pwede bang kahit ngayon lamang ay wag mo munang bangggitin ang pangalan niya? Gusto kong isatinig yun pero di ko magawa kaya tumango na lamang ako.
"I won't."
"And one more thing let's pretend that were something." naguguluhang tiningnan ko siya.
"Anong ibig mong sabihin?"
"Let's pretend as a couple. I just don't want to disappoint them. Lalo na kapag nalaman nilang walang anumang namamagitan satin."
Ramdam ko ang kirot sa dibdib ko habang nakikinig sa kaniya. Walang anumang namamagitan sa amin? Ang sakit naman nun. Gusto kong tumawa ng mapakla pero pinanatili ko lamang seryoso ang mukha ko. Ayaw kong malaman niya na naapektuhan ako sa sinasabi niya.
Ang hirap pala kapag palihim mo lamang na minamahal ang isang tao.
"Okay!" simpleng sagot ko sa kaniya. Nakita kong sumulyap siya sakin.
"Then were clear. Bumalik na tayo sa bahay." aniya. Mahinang umiling ako tsaka muling tinanaw ang dagat.
"Mauna ka na. Dito na muna ako." sinulyapan niya muna ako ng isang beses bago siya naglakad paalis. Marahan akong napakagat ng labi.
Sinundan ko siya ng tingin hanggang sa mawala siya sa paningin ko. Malungkot na napayuko ako.
Manang pano ako sasaya nito, kung hanggang dito ay si stella parin? Siya pa rin ang bukambibig ni min. Pano naman ako? Bakit pakiramdam ko wala akong karapatang sumaya.
Dapat na ba akong tumigil o isang subok pa? Ang hirap naman kasi ng ganito. Hindi ko alam kung may aasahan pa ba ako o wala na talagang pag-asa.
_____
Way Back Into Love
@itsme_kitcath
YOU ARE READING
WAY BACK INTO LOVE
RomanceBlaire Samantha is a simple girl. Na ang tanging gusto lamang niya ay ang mahalin rin ng isang Min Vladimir. Pero paano mangyayari yun kung may iba nang tinitibok ang puso ni Min? Magawa niya kaya itong mapaibig o susuko na lamang siya?