ᴅʀɪɴᴋ ᴀɴᴅ ɢᴇᴛ ᴅʀᴜɴᴋ;
𝙀𝙡𝙡𝙞𝙤𝙩Magsasalita na sana si King Eros ng may lumapit sa kanyang lalaki, lumayo sila sa table namin, sumunod naman si Queen Sunny. Mukang seryoso ang pinaguusapan nila dahil pag katalikod nila parang mas lalong nadagdagan ang galit ng hari.
Naglalampungan naman sila mama at papa. Galing parang walang nangyari kanina. Na curious naman ako kung ano kaya ang past nila King Eros at papa, sana mali ang hinala ko.
Tinignan ako ni mama at papa ng may ngiti. Nalilito akong tumingin sa kanila parang may binabalak kasi sila.
"Anak sa ika 21 mong kaarawan ay hahanap kami ng iyong magiging asawa," nakangiting sabi ni mama.
Gulat ko silang tinignan, magsasalita na sana ako ng unahan ako ni papa.
"Kahit anong kasarian pa ang iyong matipuhan ay tanggap namin, kasi anak ka namin," nakangiting sabi ni papa.
Hindi ko maiwasang maging emotional, tumayo ako at niyakap silang dalawa. Napaka swerte ko at napunta ako sa ganitong magulang. Nasa gitna kami ng pag dadrama ng may magsalita sa harap.
"Ladies and gentlemen, ito ang ika-benteng kaarawan ni Prince Ethan at nandito sya para magbigay ng isang anunsiyo at mensahe para sa lahat!" sigaw ng isang na sa middle age na na lalaki.
Umakyat si Ethan sa entablado. Nasa kanya lahat ng atensyon, sino ba naman ang Hindi lilingon sa kanya? Ang gwapo nya ngayon, parang isa syang artista.
Nakasuot sya ng white at may partner na coat na kulay itim, may design ito ng puting bulaklak? Ang pangibaba ni Ethan ay kulay red. Umiling ako ng may mapansin. Baka coincidence lang.
"Hello everyone, and welcome to my birthday, thank for coming, even though all of you are busy. I hope you everyone will enjoy my birthday and I want to introduce my boyfriend. Liam Gray Neeson!" Malaki ang ngiti ni ethan.
Umakyat naman si Liam, lahat ng atensyon ay napunta sa kanya ang ganda nya ngayon sa suot nya
Nakasuot sya ng polo na kulay itim at white coat may bulaklak ito sa gilid na kulay pula. Tama nag ooveryhink lang ako.... mukang couple sila ng suot ngayon.
"Hello I'm Liam and thank you for attending my boyfriend's birthday. I hope we all enjoying this day," nakangiti si Liam ng matamis sa naraming tao at namumula pa ang pisngi.
"Bagay nga sila, ang gwapo ni Ethan."
"At ang ganda ng anak ng duke."
"Oo nga pag nag sanibpwersa ang dalawang pamilya siguradong magiging makapangyarihan ito."
Nilingon ko ang mga nag chichismisan. Tama naman sila dahil talagang makapangyarihan ang pamilya nila liam at ethan.
"Elliot!" agad akong napatalon sa gulat, Hindi ko namalayan na dinala pala ako ng dalawang paa ko sa gitna at kaharap ko na ngayon ang dalawa.
"Happy birthday Ethan, ang gwapo nyong dalawa sa suot nyo," papuri ko. Matamis akong ngumiti sa kanila.
"Ang gand— I mean ang gwapo mo din," sabi ni ethan at ngumiti ng malaki saakin. Si Liam naman ay mukang malalim ang iniisip.
"Ipapaalam ka namin sa magulang mo elliot kung pwede ka sumama samin. Let's drink and get drunk," excited na wika ni ethan.
"Hindi kasi ako masyadong umiinom ethan, pasensya na hindi ako sasama," tanggi ko kasi gusto ko na rin magpahinga.
"Birthday ko ngayon ell pagbigyan mo na ko please," sabi ni Ethan habang nag papacute. Parang isa syang Leon na naging pusa.
Napatawa naman ako at umiling. Mas lalo pa nila akong pinilit hanggang sa table ay sinundan nila aako.
BINABASA MO ANG
Escape From Their Grasp (Boyslove)
Teen Fiction[BXBXB] (Reincarnation 1) They didn't cheat me but they betrayed me. Betrayal is the worst thing they did.