Chapter 18

128 6 0
                                    

sᴜsᴘɪᴄɪᴏᴜs;
𝙀𝙡𝙡𝙞𝙤𝙩

Nakapikit ako at hinihintay ang kamay ni Ethan, pero hindi ko inasahan na malamyos na haplos ang dumapo sa pisngi ko. Napamulat ako ng mata.

"Ayos ka lang ba? I'm sorry natakot kita," sabi nya at niyakap ako ng dahan dahan.

Naramdaman pag bilis ng tibok nang puso ko at parang may lumilipad sa tiyan ko. Hindi ko nalang ito binigyan ng pansin.

"Seriously ethan!? Nanay mo ako bakit sakanya ka nag so-sorry?" Nabalik ako sa wisyo ng marinig ang sigaw ng nanay ni ethan.

Humiwalay ng yakap sa akin si Ethan at hinarap ang mama nya.

"Mom, parehas kayong Mali at Tama, please wag nyo na palakihin ang away. Mom I'm sorry please. Can you forgive Elliot," nanunuyong pag mamakaawa ni Ethan.

"Ayoko, anak sya ng malanding tatay nya!" Nanlaki ang mata ko ng marinig ang insulto nya sa tatay ko. Hindi na ako nakapag pigil at sinagot na sya.

"Mawalang galang na huh, matan—" naputol ang sasabihin ko ng niyakap na naman ako ni Ethan at tinago ang muka ko sa leeg nya. Napa kalma naman ako kahit kaunti, ngunit ramdam ko parin ang panginginig ng kamay ko sa galit.

"Mom, Elliot please stop. Hindi na kayo bata para mag away ng wala namang kwenta!"

Narinig kong napabuntong hininga ang nanay ni ethan.

"Your right Ethan, I'm gonna leave now. I don't want to waste my time on that trash." Tinulak ko si Ethan at hinarap ang mama nya.

"Dahil sa sinabi mo, nawalan ako ng dahilan para respituhin ka." Malamig kong saad.

Nagulat sya sa sinabi ko, akmang mag sasalita pa sana sya pero hindi nya na tinuloy. Umalis Ito ng walang pa sabi.

Hinila ako Paupo ni Ethan at pinaupo nya ako sa lap nya, nakaharap ako ngayon sa kanya. Hindi parin mawala ang inis na nararamdaman ko.

"Elliot, I'm sorry, for my mom's attitude and mine too," sabi nya at sinisik ang muka nya sa pagitan ng leeg ko.

"Okay lang kahit naman ako ay kakampihan ang magulang ko kahit na mali sila..... Sorry din hindi ko na control ang sarili ko." Kalmado kong wika. Marahan kong tinulak ang muka nya paalis, ngunit lalo nya lang itong siniksik sa leeg ko.

Hinaplos ko ang buhok nya. Ang lambot nito. Pumasok sa isip ko si liam, ganto rin kaya ang trato ng nanay ni ethan sakanya?

"Mali pa rin ako ell, kasi sumali ako sa inyo, kahit na hindi ko alam kung sino ang mali at tama."

"Okay nga lang hindi ba? Ang kulit mo, nakakairita kana. Ibaba mo nga ako at baka makita pa tayo ng ibang tao dyaan at pagkamalan akong kabit mo." Naiirita ko syang tinulak, Paulit-ulit kasi at isa pa masyado na syang nagiging clingy.

"No, I don't want." Lalo nyang hinigpitan ang pag kakayakap saakin.

"Ethan, uuwi ako kapag hindi mo ako binitawan," pag babanta ko at tinulak sya ng marahan.

"Mas lalo—" Hindi nya na natapos ang sasabihin ng may mag salita sa likod nya, napabalilwas ako sa gulat.

"Elliot?"

Paglingon ko si liam ang tumambad saakin. Agad akong nakaramdam ng takot at hiya.

"Liam, its not what you think." Takot kong saad. "Ethan ano ba bitaw!" Naiirita kong tinulak si ethan.

"Ethan, bitawan mo si ell," tumaas ang balahibo ko ng marinig ko ang tono ng boses ni liam. Malamig ito at talagang seryoso.

Binitawan na nga ako ni ethan. Dahan dahan akong umalis sa hita nya. Tinignan ko na walang emotion ang muka.

Escape From Their Grasp (Boyslove) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon