ᴛʜᴇʏ'ʀᴇ ᴀʟʀᴇᴀᴅʏ ᴋɴᴏᴡ;
𝙀𝙡𝙡𝙞𝙤𝙩Pinag sawalang bahala ko nalang Ang kawirduhang ipinapakita nila sakin.
Pagtapos namin kumain, binuksan agad ni liam ang alak at sinalinan nya agad ang baso ko. Ngumiti ako at nag pasalamat.
Inisang inom ko lang ito at kumuha ng tira naming ulam, ginawa kong pulutan namin. Masarap ang alak, matamis ito at hindi malalasahan ang pait. Bakit kaya hindi nilabas ni ethan itong alak nang birthday nya?
Siguro sobrang mahal talaga nitong alak kaya hindi nilabas noong kaarawan ni ethan. Nilagyan ulit ako ni liam ng alak sa baso. Tinanggap ko lang ito at ininom.
Pansin kong hindi sila masyadong umiinom ni ethan. Sila ang nag-aya hindi naman sila umiinom. Nag tataka ko Silang tinanong
"Bakit hindi kayo umiinom?" Nag tatanong ko silang tinignan.
"You seems to like the wine Elliot, so sayo nalang yan," sabi ni liam
"Kukuwa nalang ako ng alak sa baba, para samin ni Liam," sabi ni ethan at tumayo. Malapit na sya sa pinto ng magtanong ako.
"Hindi ba sabi mo eto nalang ang alak na available?" tanong ko ulit at tinignan sya mismo sa mata. Nag uumpisa na akong makaramdam ng kakaiba. Hindi ko mabasa ang emotion ni ethan.
"Binibiro lang kita," natatawang sabi ni ethan at nag mamadaling umalis.
Nag uumipisa na akong mag duda sa kanilang dalawa.Kami ni liam ang natira. Nakatulala lang ito at parang malalim ang iniisip. Pansin ko na parang anlaki ng problema ni liam, kanina pa kasi sya nakatulala sa kawalan.
"Liam, are you okay?" nag aalala kong tanong.
Nabalik sya sa ulirat at tumingin saakin
"Okay lang ako, may iniisip lang," naka ngiting sagot nya.
Maya-maya lang dumating nasi Ethan at may dala itong dalawang alak at isang alak na katulad ng iniinom ko.
"Dinalhan ulit kita ng alak ell. Sayo lang 'yan meron na kami ni liam," nakangiting sabi nya at binigay saakin ang isang bote. Nakakalahati kona ang unang bote na iniinom ko.
"Elliot, nakakaalala kana ba?" Nagulat ako sa biglaang Tanong ni Liam.
"Oo, pero malabo ang iba at hindi ko maintindihan," sagot ko at tinungga ang alak.
"Mabuti naman," sabi ni liam habang nag-sasalin ng inumin nya.
"Elliot, kung nakakaalala kana, naalala mo ba ang unang pagkikita natin?" tanong naman ni ethan
"Oo, sa park 'yon. We meet when I was like ten or eleven years old?" Hindi ko siguradong sagot. Nakakapag taka na mag tatanong sila tungkol sa ganto.
"Oo... Alam mo na may gusto ako kay liam noon, tapos nakipag away ka saakin dahil gusto mo rin si liam," pabirong sagot ni ethan.
Napatawa ako dahil tama sya. Ang lakas ng pagka-crush ng dating Elliot kay liam. Pati si ethan na walang kamalay-malay nadamay.
"Naalala ko pa noon na ayaw mong tinatawag kang ell," sabat ni liam at nakisali na rin sa tawanan namin
"Oo, pero ngayon ay gustong-gusto ko na."
"Naalala mo pa noon na, pagkatapos mo umamin saakin tumakbo ka sa sobrang hiya," sabi ni liam at tinignan ako. Nakangiti sya at sobrang singkit ng mga mata nya kaya hindi 'ko maintindihan ang nais n'yang iparating.
Parang meron silang gustong alamin saakin at sa pamamagitan ng pag tatanong nila, iniisip nila na makakakuha sila nang sagot.
Umiling nalang ako, masyadong paranoid ang isip ko ngayon dahil bago sakin ang kinikilos nila.
BINABASA MO ANG
Escape From Their Grasp (Boyslove)
Teen Fiction[BXBXB] (Reincarnation 1) They didn't cheat me but they betrayed me. Betrayal is the worst thing they did.