Chapter 20

81 6 1
                                    

ᴛʜᴇ ᴛʀᴜᴛʜ;
𝙀𝙡𝙡𝙞𝙤𝙩

Pagkababa ko sa balcony ay parang nabalian pa ako ng buto sa paa. Nadaplisan pa ng bato kaya lalong dumagdag ang sakit. Umupo muna ako ng ilang sigundo at tinignan ang balcony nila ethan.

Nakita ko na nandon silang dalawa habang nakatingin saakin, nakaramdam ako ng sobrang takot. Walang emotion ang muka nila, maya-maya lang nakita kong umalis si ethan at sumunod naman si liam.

Agad akong tumayo at tumakbo, ika-ika pa 'kong tumakbo, bukod sa masakit ang paa ko sumabay pa ang sakit ng butas nang pang upo ko, na dag-dagan ang sakit dahil sa pag kalanding ko nang tumalon ako.

Tumatakbo lang ako hindi ko alam kung saan ako mapapadpad. Hanggang sa nakarating ako sa puro punong Lugar, sa tingin ko ay nasa gubat ako. Huminto ako ng ilang minuto at sumandal sa malaking puno. Ipinikit ko ang mata ko at huminga ng malalim.

Ang dami kong gasgas at daplis dahil sa mga sanga ng puno. Nangangati narin ang legs ko dahil naka short lang ako.

Ilang minuto ang nakalipas ng makarinig ako ng mga yapak. Agad kong tinakpan ang bibig ko, ramdam ko ang mabilis na tibok ng puso ko. Hindi ko namalayan ang luha na bumagsak na dahil sa takot.

Hindi pamilyar Ang kinikilos nila. Parang hindi ko na sila kilala. Kilala?Kilala ko ba talaga sila? Tama hindi ko sila kilala dahil ilang months palang ako dito sa mundo nila.

Siguro naging aggressive lang sila dahil mahalaga talaga sa kanila ang totoong Elliot. Mas kilala pa nila ang dating Elliot kesa sa magulang nya. Hindi kasi napansin nang magulang ni Elliot ang pag babago nya, pati si alice na lagi kong kasama ay hindi napansin na hindi ako ang totoong elliot.

Nangangahulugang mas kilala nilang dalawa si Elliot. Nabalik ako sa ulirat ng marinig ang palapit na palapit na nga yapak at boses bi ethan.

"Elliot, dear please stop hiding!"

"Ell— kyle, we just want to ask you about something!" si liam naman ang sumigaw.

Parang naging maamong tupa si liam. Ang hinhin nya na mag salita, mukang kumalma na sya. May nakita akong parang maliit na butas sa isang puno. Balak kong doon nalang mag tago.

Dahan-dahan akong tumayo at nag lakad papunta sa puno. Bumilis ng bumilis ang tibok ng puso ko kada-hakbang.

"Elliot!" sigaw ni liam. Parang palapit ng palapit ang boses nya.

Gabi na kasi at sobrang dilim sa gubat na 'to. Malapit na ako sa puno ng may maapakan akong sanga. Napatigil sila sa pag sigaw.

Nakapunta na ako sa puno at pilit na sinisiksik ang katawan ko sa butas. Nang tuluyan na akong makapasok sa loob, kumuha ako ng dahon-dahon at tinakip iyon sa akin.

Pagka takip ko ay tinakpan ko ang bunganga ko pati ang ilong, natatakot ako na marinig nila. Nandito na kasi sila sa mismong harapan ng puno at nag-uusap.

"Nakita mo si Elliot?" boses iyon ni liam

"Hindi," maikling sabi ni ethan

"Tsk, he's always hiding. He's not Elliot, he is kyle now," malamig na wika ni liam. Nag sitaasan ang balahibo ko ng marinig ang boses nya.

Sa novel na binasa ko, kilala si liam sa pag kamahinhin, pero parang kakaiba ngayon. Hindi kaya mali ang novel na binasa ko o mali ako ng pag kakabasa sa novel?

"Kung inayos mo kasi yang ugali mo. He is scared now because of you, you're acting crazy liam!" Nagulat ako sa pag sigaw ni ethan, kita ko rin ang marahas na paglapit ni ethan kay liam.

"Sinisisi mo ba ako? Kasalanan mo kasi hindi mo agad pinahabol si Elli— kyle!"

"Para iyon sa kapakanan ni ell, liam kung hinabol natin sya lalo natin syang masasaktan!"

Escape From Their Grasp (Boyslove) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon