Chapter 01

2 1 3
                                    

Zyro hiroshi villamore

I am Zyro Hiroshi Villamore. I managed to live more than a century. Nasaksihan ko ang digmaan, ang mga labanan, at hanggang sa kasalukuyan ay nananatili ako sa mundong ating kinagagalawan. I am currently living in a peaceful town and walang nakakaalam at dapat na walang makaalam na isa akong bampira. I went through every universities just to pretend na isa akong normal na tao. Natutunan ko ang mga galawan at paano sila kumilos kaya hanggang ngayon ay hindi pa nila nalalaman.

Kasalukuyan akong nag-iiscroll sa facebook habang nakatambay dito sa coffee shop at kumakain ng chocolate cake at umiinom ng kape. Kumbaga nagiging daily routine ko na to. Kaya sinasabihan akong suki dito. Actually kaya lang naman ako nandito dahil ito ang pinakamalapit na coffee shop sa school at apartment ko kaya no choice kahit ang tabang ng tinitimpla nila na kape.

Nang matapos na ako, nag-iwan ako ng tip sa table at umalis pauwi ng bahay. I wanna sleep, sobrang aga ko nagising like 5:00am ang unang period namin. Yes, ako lang ata ang bampirang antukin sa umaga. Pake nyo ba.

Jake texted me na pupunta raw sila sa apartment just to celebrate kasi nga nasa top student ako. Well, kaka-enroll ko, paulit-ulit na lang kaya nasasanay at halos walang mali sa mga ginagawa ko. Kahit si Aristotle naging teacher ko yan, dalawang taon bago sya mawala, joke. Hays, nakakamiss duguin kakaisip kasi talagang mahina ako sa science.

So ayon, pupunta raw sila sa apartment kaya namalengke ako para makapagluto at nakakahiya naman kasi sa mga yon. Halos lagi nga sila nasa bahay, parang nagiging mga anak ko na sila. I am over 43,323 years old. But I keep saying na 21, every birthday ko kalahating taon lang tatagal tapos 21 na ulit ako. Bawal tumanda, baka 50 na ako pogi pa rin, huy.

Oo, dumadating yung araw na yung mga kaklase ko 10 years ago, nagtataka sila bakit di ako tumatanda. Pero I keep erasing their thoughts about it. Luckily hindi ako yung tipong vampire na class C, kumabaga sa vampire state may classes. Isa akong class A vampire, kaya ko uminom ng kahit anong inumin at kaya ko kumain ng lutong pagkain. Actually ang favorite ko yung tinola. So marahil nagtataka kayo bakit sa tagal ko na nabubuhay, bakit wala akong bebeloves? Actually, may past ako dyan. 500 years ago, meron akong pinakasalang babae, her name is Atasha. Atasha was a good wife to me, sadly bawal kami magkaanak. Dahil kapag nagkataong nabuntis ko sya, magiging demonyo ang anak namin at maaaring makasira sa mundo. But after 80 years, kinuha na sya sakin ng langit.

Marahil nagtataka rin kayo kung bakit hindi ko sya kinagat para maging vampire... No! Thats not how it works duh. As you see, when I suck kahit maliit na blood, it will drive me crazy and I might kill my own wife. We have no choice but to accept the fate na hindi kami magtatagal. Sus, tama na nga chismisan jusko to.

I bought some vegetables, lulutuan ko sila ng adobong gulay. Favorite kasi nila yon, syempre ako na to. So after ko bumili ng mga sangkap, umuwi na ako agad para makapagluto. Actually helpful din ang ability ko dahil napapabilis ko ang mga gawain ko. Actually di lang halata pero best cooker ako. Inaral ko ang cooking for myself and di ko inakalang magagamit ko rin ito sa mga kaibigan ko.

Currently living alone, since bata pa lang ako iniwan na ako ng mga magulang ko. They left me because they saw my red eyes na nagrereflect sa moon. I never thought na bampira ako before. Tumira ako sa bahay-ampunan at marami akong natutunan doon. Mababait naman silang lahat. Salamat sa mga nag-alaga sakin at hanggang ngayon masigla ako.

After ko magluto, nag-ayos na ako ng sala at inayos ko na rin ang mga pagkain sa hapag-kainan para pagdating nila kakain na lang. Ilang minuto pa ang nakalipas, nagsidatingan na sila Jake, Yohan, Astra, Kiyan, at Ryle.

Yo the hell, sobrang linis ng bahay ah. Saad ni Jake at nilibot ang kaniyang paningin.

Lugi, buti pa si Zyro marunong maglinis ng bahay. Diba Ryle? Pang-aasar na saad nito kay Ryle.

Love and LoyaltyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon