Chapter 4

3.1K 55 7
                                    

Sabrina

Sa Sabado na pala ang kasal ni Santi sa long time girlfriend niya si Angie. Isang Overseas Filipino workers si Angie sa Singapore, Dahil mahirap ang buhay dito sa Pilipinas ay malakas loob siya nakipag salaparan sa ibang bansa para makatulong sa Pamilya. Ganun naman talaga ang Goal ng mga mag OFW sa ibang bansa. Isa ang sinasabi kaya umaalis ng bansa para makatulong sa pamilya dahil sa kahirapan ng buhay. Kapag may nakikita ako Eroplano na paalis ng bansa Pilipinas ay meron na naman isang tao na matutupad ang kaniyang pangarap.

Hindi lahat OFW swerte sa amo, may Umuuwi bangkay nalang dahil inaabuso ng mga naging amo nila sa ibang bansa.

Ngayon araw ng kasal ng pinsan ko si Santi, Mabuti nalang may Dala ako marami Dress para may palitan ako at hindi pabalik-balik isuot. Baka may makakita sakin ang isipin nila pabalik-balik nalang ang Sinusuot ko. Ang gusto ko Paiba-iba naman.

Kinuha ko ang tuwalya para maligo na dahil susunod sakin maligo si Lola Dolores at Flordaliza. Sa bahay ni lola nakatira ang dalawa pinsan ko. Malapit lang ang bahay dito ni Tita Arlene pero ang dalawa anak niya ay mas gusto niya dito nakatira sa bahay ni lola.

May edad narin kasi si lola at Kailangan may kasama sa bahay, kinakatakot ni Tita Arlene baka madulas si lola Banyo kaya Kailangan ng alalay at kasama sa bahay.

"F-Flordaliza tapos na ako maligo, pumasok kana dito" Umalingawngaw ang boses ko.

"Sige! Sige ate Sabrina papunta na ako" sabi niya.

Pumasok ako sa kwarto bago tinuyo ang buhok ko gamit ang Tuwalya. Sinuot ko agad ang Dress. Mag doll shoes nalang ako para hindi masakit ang paa ko. Kapag high heels ang sinusuot ko nagkakaroon ng paltos ang paa ko.

Malapit lang naman ang simbahan kaya lalakarin ko nalang papunta doon. Na excite tuloy ako makita si Santi na nakasuot ng Polo. Oh my gosh alas otso palang ng umaga pero ang init-init ng sikat ng araw. Kinuha ko ang folded umbrella. Mabuti nalang may payong ako baon kaya hindi mainit habang naglalakad ako papunta sa simbahan.

Jusko wala pa five minutes ang paglalakad ko tumutulo na agad ang Pawis sa Mukha ko. Kaloka panahon ito napaka-init! Parang nasa Imperyino ako.

Bakit ganito naman kainit ang panahon ngayon! Nanunuyo tuloy Ang labi ko.

"Bi-ni-bi-ni" Hinapit ni Father Ezra ang baywang ko dahil------

Magkadikit ang katawan namin dalawa. Natauhan ako ng hawak-hawak niya ang baywang ko. Ang lapit-lapit ng mukha niya sa mukha ko kaya naitulak ko siya agad. Sa sobra pagkabigla ko ay Napaupo ako sa lupa.

"Aray ko po ang sakit ng puwetan ko." Daing ko habang nakapikit ako dahil ramdam ko ang sakit dahil tumama ang pwet ko sa lupa.

"Tulungan na kita Binibini sa pagtayo" Nakalahad ang kamay niya sa harapan ko. Hinawakan ko ang kamay niya kaya nakatayo ako agad. Pinapagpag ko ang Dress ko at nadumihan na tuloy. Sira na ang OOTD ko ngayon araw.

Nanlumo ako habang pinagmamasdan ko ang Dress na marumi na. Casual lang ang suot ngayon ni Father Ezra. Naka polo shirt na may tatak na Lacoste at naka slock. Natawa ako dahil nakasuot siya ng Tsinelas na spartan.

"Ang dumi-dumi na tuloy ng Dress ko" Mahina sabi ko.

"Patawad Binibini dahil sakin kaya narumihan yan Dress mo, Nakita ko may paparating na Bus, kamuntikan ka ng masagi dahil hindi ka sa tabi dumadaan! Sana naman sa susunod mag ingat ka. Dahil hindi natin alam ang aksidente." Nag-alala siya sakin.

Napaka Ginoo talaga ni Father Ezra at magalang pa. Syempre Father siya kaya nakikitaan siya may maganda Asal. Isa siya maganda halimbawa sa mga tao dito sa Barangay Salvador sa Tarlac.Mas lalo tuloy lumalalim ang nararamdaman ko sa kaniya.

He's my Ultimate crush!

"M-Maraming salamat Father sa concern mo sakin, I really appreciate po" Saad ko sa kaniya.

Tinititigan niya ako sa mukha.Hindi ito ang unang beses na Tinititigan niya ako dahil noon nakaraan araw sa bukid kami ni lolo ay Tinititigan niya ako sa mukha kaya ako na ang umiwas ng tingin. Nakakatunaw siya tumititig.

Naiilang ako.

"Why staring at me father Ezra?" Prangka tanong ko.

"M-Mukha bihis na bihis ka Binibini,saan ang lakad mo?" Tanong niya.

"Papunta ako sa Simbahan Father kasi kasal ng Pinsan ko ngayon si Santi" Saad ko.

"Kaya pala marami ako nakita bulaklak kanina pagdaan ko sa St. Mary Chapel Church dahil sa araw na ito may ikakasal." Aniya.

"Ikaw Father saan ang punta mo ngayon?" Na intriga tanong ko sa kaniya.

"Pupunta ako sa kabilang Barangay Binibini dahil may nag invite sakin doon, May mag birthday. Three years old na bata babae. Ini-invite ako ng nanay. Ayaw ko naman maging kill joy kaya pupunta ako. Gusto ko rin makita ang bata may kaarawan ngayon araw." Wika niya.

"Ganun ba, mag ingat ka father" Saad ko

Tahimik lang siya habang nakatingin sakin. Ito na naman ang nakakamatay na titig niya. Umiwas ako ng tingin.

"Mag-iingat ka sayo dinadaanan Binibini. Baka mamaya hindi ka magtitingin sa kalsada baka masagi ng sasakyan" Kung hindi lang ito Father si Ezra, sa Concern niya sakin iisipin ko talaga may gusto siya sakin.

Wag ka assumera Sabrina, mabait lang ang tao sayo at isa ka sa mga malalapit niya kaibigan!

"Thank you Father, mag-iingat ka din sa Pupuntahan mo" sabi ko sa kaniya.

Ngumiti siya sakin.

"Binibini bukas sa Estrella falls magkita tayo dalawa may importante ako sasabihin sayo" Saad niya bago sumakay ng Tricyle.

"Ano father sa Estrella falls at bakit?" Naguguluhan ako dahil bakit gusto makipagkita sakin ni Father bukas."Anong oras Father?" Pahabol na tanong ko sa kaniya.

"Alas kwatro ng hapon Binibini" Saad niya.

"Oh sige pupunta ako" Umalis na yun Triycle na sinasakyan niya.

Pumunta na ako sa simbahan baka mahuli kasi ako sa Wedding ceremony ni Santi. Pagdating ko sa simbahan marami na tao sa loob. Nakita ko si Santi sa harapan ng Altar habang kausap si Tito Daniel.

He's look good and handsome!

Nakita niya ako kumakaway sa kaniya. Sa tinagal-tagal ng panahon ay ngayon lang kami nagkita ulit si Santi. Ang gwapo-gwapo niya ngayon sa araw ng kasal niya. Nakita ko si lola at Flordaliza na nakikipag kwentuhan sa iba kamag anak namin dito sa Probinsiya.

Bigla ko naisip si Father Ezra. Ano kaya ang sasabihin niya bukas bakit gusto niya makipagkita sakin. Palaisipan parin sakin. Bago ito sakin kaya hindi ako mapalagay sa kinauupuan ko.

"Ate Sabrina okay kalang ba?" Natauhan ako bigla ng lumapit si Flor sa akin.

Hinawakan niya ang balikat ko.

"Oo okay lang ako Flor" Saad ko.

"Ate kanina kapa kasi tulala, ang layo ng iniisip mo uy! Hanggang sa Venus ang takbo ng iniisip mo, may problema ba kayo ni Tita?" Tanong niya.

"Wala kami problema ni mama. May iniisip lang ako" sabi ko sa kaniya.

"Ganun ba ate. Magsimula na ang kasal" Kinikilig na sambit niya.

Narinig ko ang malakas na tunog ng kampana sa loob ng simbahan na hudyat na malapit na magsisimula ang Wedding ceremony. Mapapa-sana all nalang ako sa Pinsan ko dahil natagpuan niya na ang para sa kaniya.

Ang kaniyang True love!

Ako kaya Kailan ako ikasal sa simbahan? Pangarap ko rin kasi na balang araw ihahatid ako ng lalaki mapapangasawa ko sa harapan ng Altar.

Then, ipagsisigagawan niya sa buong mundo na ako lang ang babae mamahalin niya. Forever and ever.

Amen!

Na miss ko agad ang Presensya ni Father Ezra. Ang pangarap ko lalaki mapangasawa ko someday!

Geez!

MBS #2 Priest Falling Inlove [R-18] Complete Where stories live. Discover now