NOTE: JUSME! salamat naka pag-ud din. Pasensya na talaga guys ngayon lang ulit HUHU TT.TT sobrang busy ko kasi this past few months kaya antagal . wushuu! at sorry kung medyo sabay 'tong Ud na itech. Ito lang nakayanan ng utak ni author. hope nag ENJOY kayo. COMMENT what you feel guys after reading. Thanks ! mwuah! mwuah! Chup! Chup!.
WARNING: BINABALAAN KO KAYO ANG BAHAGING ITO AY SOBRANG SABAW, AT IKLI. Pero sana magustuhan niyo pa rin.
**********
**********
-Day 11-
**********
**********
-Gina's Point Of View-
[ Same Day ]
"Ayaw nga naming tumulong, ano pang silbi't naging mayaman kami kung kami rin pala ang gagawa ng mga gawain dito!" Sigaw ni Kathy, isa sa mga kaklase namin. Yan ang bumungad sa akin pagkapasok ko sa Cafe. Pumunta pala sila. Siguro napag-isip-isip na nilang tumulong pero parang mali pala ang hinala ko.
"Kahit mayaman kayo, sa academy na ito pantay-pantay lang tayong lahat!" Sigaw na sagot naman ni Jade.
"Hah! Jan ka nagkakamali alam naman natin na may mas bagay sa posisyong sinasabi niyo at yun ay walang iba kundi.." tumingin siya sa mga kaklase namin saka muling bumaling kay kela Jade. "KAYO!". Wika ni Kathy saka ngumisi. Napuno ng sigawan ang buong classroom dahil sa pagsang-ayon ng mga kaklase namin sa kanya.
"Aba't----", Kaagad akong tumakbo papalapit kay Jade at pinigilan siya. Tumingin siya sakin at pag-iling lang ang sinagot ko sa mga mata niyang nangungusap. Nagpupuyos man sa galit ay pinigilan niya ito. Nakahinga ako ng maluwag.
"Oh! Ano! Diba tama ako? HAHAHA!!, kaya kayo dapat ang gumawa niyan. Makaalis na nga dito, naaalibadbaran ako sa mga pagmumukha niyong probre kayo!" Sabi ni kathy saka nag martsa palabas ng Classroom, inirapan pa kami. Yung ibang kaklase ko nain ay sunod sa kanila at ang natira na lamang ay ako, si Jade, Jay, Kent at Kimmy. Napailing na lang ako sabay bulong sa sarili 'ano bang problema ng babaeng yun'.
"Hays, wala na tayong magagawa kung ayaw nilang tumulong 'wag na lang nating pilitin kung ayaw nila", malungkot na sabi ko.
"Guys, ano ba kayo, cheer up! Kaya naman natin 'to kahit wala sila" pang-aalo ni Jay.
"Tama" pag sang-ayon naman ni Kent.
"Tama, kaya let's start na ulit, nakaya na natin na wala sila kanila ngayon pa kaya." Masiglang sabi ni Jade saka nginitian kami. Tango at ngiti lang ang tinugon namin sa kanya bilang pagsang-ayon.
***
"Success!!" Sigaw ni Jade. "For the first time ever naging matagumpay ang first day opening ng cafe natin" segunda pa niya habang pumapalakpak pa.
"Oo tama ka jan ate" pagsang-ayon naman ni Jay na busy sa paglilinis sa mga natitirang maduduming mga tables.
"Dahil kasi 'to kay Gina, ang sarap kasi ng mga binake niya pati na yung mga designs, very creative at ang sayang tingnan sa mata sama mo pa yung mga drinks na siya din mismo ang gumawa diba, ang talented niya" nakangiting sabi ni Kent saka lumapit sakin at inakbayan ako.
"Hahaha grabe naman yang compliment mo Kent, salamat ah pero alam niyo hindi lang dahil sa akin at sa mga gawa ko kung bakit naging successful ang opening ng cafe natin kundi dahil yun sa ating lahat kaya... LET'S CELEBRATE!!" nakangiting sabi ko at isinigaw ang huling dalawang salita.
"TAMA!!!" Sigaw na sagot naman ng tatlo liban kay Kimmy na naka-upo lang sa sulok. Nitong mga nakaraang araw napapansin ko parang may nagbago kay Kimmy 'di ko lang malaman kung ano basta meron talaga katulad ngayon ang tahimik niya, ang pagkakakilala ko kasi kay Kimmy eh kahit na sobrang pagod na pagod siya at exhausted hyper pa rin siya pero ngayon ang tahimik niya nakakapanibago. Ayts! Baka talagang pagod lang siya.
Napalingon kaming lahat sa may pinto kasi biglang tumunog yung mga bells nilagay kasi namin ang mga yun para malaman namin kung may dumating na costumer. Pero dahil sa may ginagawa pa ako pinagpatuloy ko na lang andyan naman kasi sila Jade para i-intertain yun.
"Ahm, Hello I know closed na kayo gusto ko lang sanang itanong kung nandito pa ba si Gina" rinig kong sabi ng lalaki. Huh?! Gina? Pangalan ko yun ah saka ba't naman may maghahanap sakin , sino?. Tinigil ko ang ginagawa ko't hinarap yung lalaki. Tss!! Akala ko naman kung sino si Clemenz lang pala.
"Oh, anong ginagawa mo dito" pang bungad ko sa kanya.
"Halika sumama ka sakin" sabi niya sabay hawak sa may pulsuhan ko saka ako hila palabas ng Cafe.
"Huh? Eh? T-teka lang..s-sandali" .Sabi ko sa kanya.
"Wala ng pero, pero ". Sabi niya at tuluyan na nga niya akong nailabas sa cafe.
"INGATAN MO SI GINA NAMIN POGI, IBALIK MO NG BUO!" .Rinig kung sigaw ni Jade. Napayuko ako. Lintek na babaeng 'to kung ano ano ang sinasabi lagot yun sakin mamaya. Hinayaan ko na lang si Clemenz kung saan man niyo ko dadalhin.
Ilang minuto akong tahimik lang habang si Clemenz ay tahimik rin at hila-hila pa rin ako. Kating kati na talaga a ong magtanong sa kanya, kung saan ba niya ko dadalhin at anong gagawin namin. At dahil hindi ko na talag kayang manahimik binasag ko na ang katahimkan.
"Saan ba tayo pupunta?" .Tanong ko.
"Anywhere" .sagot niya. Ay! Ang tipid sumagot ng lolo niyo mga 'te. Saka ano ba namang klaseng sagot yan! kung hindi lang, hay! nako! patience Gina, patience.
"Ano namang gagawin natin?" tanong ko ulit.
"Date" .Casual na sagot niya. Ahh, date lang pala wait WHAT!?? DATE?!. Aangal sana ako ng muli siyang magsalita. "At 'wag ka ng umangal kasi sa ayaw at gusto mo magd-date tayo" .Segunda niya. Di na lang ako nagsalita. Friendly date lang naman 'to eh, alam ko.
BINABASA MO ANG
The Long Lost Queen Of Vampires
VampirosIsang simpleng babae na may simpleng pangarap, ang makapasok sa akademyang matagal na niyang ninanais at hinahangad. Ang akala niyang simpleng buhay studyante ay magbabago at marami siyang makikilang iba't-ibang mga tao. Paano kung ang mga taong sa...