Page 25

43 3 0
                                    

"Ayusin niyo na mga gamit guys, andyan na sila sir aiden at ang mamake-upan natin"rinig kung salita ng stuff nila aiden, syempre may mga pilipino dito mas gusto nilang dalawa na mga pilipino ang mag trabaho sa company nila.

Pag pasok ko sa isang room, andon lahat ang mga stuff nila at may hawak hawak na mga papel at ang naka sulat doon ay "WELCOME SA FAMILY NAMIN, MA'AM CHESKA" alam na din pala nila na dito na ako mag w-work at makakasama nila akong sobrang tagal.

"Thankyou guys"sambit ko at pumunta sa gitna nila, hindi pa ako nag sisimula dito pero welcome na welcome na agad ako, sobrang sarap sa pakiramdam na meron nanaman akong mga kakilala.

"Start na sa work, mamaya na ang inuman natin!!"sigaw ng isang lalaki sa likod ko, halata sa mukha niya na kalog siya at masaya kasama.

"Si warren yan, maligalig talaga yan dito kaya nga hindi namin naiisip na malayo kami sa pamilya namin dahil sakaniya"salita ng isang babae na nasa tabi ko. alam kong kaibigan ni ailsa yung katabi ko.

"Bakit narinig ko ang pinaka magandang pangalan sa mundo dito?"biglang singkit ni warren sa harap namin. hindi na nakakagulat kung ganto rin siya kahangahin sa mga salita.

"Oa mo, pinapakilala lang kita kay cheska"sagot naman ng babae sa tabi ko, para silang aso't pusa. halata na sobrang close silang dalawa.

"Edi thankyou erica"sagot pa ni warren habang papalapit yung mukha niya sa mukha ng babae, ewan ko ba pero pakiramdam ko bagay sila pwede din maging sila .

"You look good together"matamlay na sambit ko habang deretso na nakatingin pa rin sakanila.

"Hindi kami talo"sambit ni warren at tinarayan si erica, kaya pala hindi sila talo. "Tsaka may boyfriend yan"dagdag pa nito, diko alam kong napansin ni erica yung pag ka tamlay ni warren o ako lang.

"Tara na cheska, iwan na natin yung may mga boyfriend" sambit nito sakin at hinala papalayo kay erica, feeling close din pala 'to akala ko kulang lang sa pansin e, kaya siya bida bida.

"May gusto ka ba kay erica?"tanong ko nung bitawan niya ang braso ko. "Oo, pero matagal na sila ng boyfriend niya"malungkot na sambit nito. "Matagal ako nag antay sakaniya, nasa pilipinas palang kami hinintay ko na siya, alam niya na may gusto ako sakaniya simula bata palang kami nangako siya sakin na kaming dalawa ang pag papakasal, pero engaged na sila nagyon"dagdag pa nito, buti nalang kaming dalawa lang tao kung saan niya ako hinila.

"Ikaw naranasan mo na ba mangako sa isang tao na kayo hanggang dulo?"tanong pa nito sakin habang inaayos ang mga make up na gagamitin sakin, siya daw ang mag aayos sakin sabi ni ailsa magaling daw ito mag maek up.

Naalala ko yung pangako namin ni tanner nung bata palang kami, at hindi ko alam kong matutupad pa yon kasi hindi ko kaya mag pakita sakaniya sa ngayon, kasi alam kong ginagamit niya lang ako sa mga bagay.

"Yes"maikli kong sagot at umupo sa tabi niya, malungkot ang mga mata nito mahahalata kasi maputi siya at medyo malaki ang mga mata nito, hindi siya nilalait ko si warren pero totoo naman.

"Matutupad pa kaya yung pangako niyo?"tanong nito habang naka tingin sakin.

"Hindi ko din alam, pero kung ako ang papapiliin ayoko ituloy kasi gagamitin lang niya ako"sagot ko at yumuko, ganon nalang ang ginawa sakin ni tanner kaya alam kong uulitin niya pa rin hanggang ngayon.

"Ginamit ka na ba niya ngayong taon?"tanong  niya habang naka hawak sa braso ko, hindi ko alam kung pag kakataon ba 'to o sinadya na magkakilala kami ni wanner kasi pareho kami ng sitwasyon.

"Hindi pa, pero ginawa na niya nung mga bata palang kami"sambit ko naman, tumango-tango siya na parang nagets na niya ang pinopoint ko.

"Pwede mo bang ikwento?promise ikwe-kwento ko din yung samin ni erica"sambit niya habang deretso na nakatingin sakin, interesado siya sa buhay ko at gusto niya din na maging interesado ako about sakanila ni erica. Nag simula na siya mag lagay ng ano sa mukha ko habang nag sasalita ako.

"Tumira ako sa probinsya doon din nag aral, iniwan ako nang nag ampon sakin sa lola ko. nag tiis ako ng dalawang taon na hindi sila kasama, tapos ayon nakilala ko nalang yung guy sa isang puno kung saan ako lagi umiiyak sa tuwing namimiss sila kuya, simula nun lagi na kaming tumatambay sa puno at sabay kumakain. sobrang bait niya sakin noon hanggang dumating sa point na may bagong lipat sa tabi ng bahay nila, hindi na sya sumasama sakin at hindi na niya ako kayang dalawin kung saan kami unang nagkita. lagi ko pa naman sinasabi sa isip ko na ang sarap mabuhay na merong mabait na lalaki ang sumasandal sakin sa tuwing nahihirapan ako, pero binawi agad sakin e hindi ko pa naeenjoy na meron siya sa tabi ko, tapos umuwi na sila tita nun para sunduin ako at pumunta na sa manila, hindi na ako nag paalam sakaniya kasi alam ko naman na andon siya sa bago niyang kaibigan, pero bago pala siya mag bago sakin nangako muna kami sa isa't isa na magkakaron kami ng anak at kami ang mag papakasal, ang sarap pala sa pakiramdam na may taong gusto kang pakasalan. pero ngayon malabo na mangyare. at yun pag alis namin sa probinsya iniwan ko na ang mga alaala na nabuo namin dalawa, pero sobrang bilog talaga ang mundo nag kita kami na hindi inaasahan. may naging kaibigan ako tapos kinukulit ako tapos gusto niya na makipag kita sakin at titigilan na niya ako, pero lalong gumulo nung nakita ko yung lalaki na minahal ko at gustong mahalin hanggang ngayon, gusto mo ba ikwento ko na din kung bakit ako ampon?"tanong ko kay warren na habang ngayon nag mamake up sakin.

"Yes please"sambit niya habang tumatawa, gwapo naman si warren at singkit ang mga mata, maputi, matangos ilong at may kulay ang buhok.

"Sige next time, pero work muna tayo baka bawasan ipapasahod sakin wala pa naman ako makain sa bahay nila ailsa"pabiro kong sambit sakaniya, nag bibihis na ako para sa unang picture na gagawin ko.

"Ang ganda mo naman pero bakit ka ginamit lang"sambit ni warren na nakatingin sakin. "Baka para sakin ka talaga"dagdag pa nito habang tumatawa.

"Pano naman si erica?"sambit ko habang  inaayos ang damit, naka suot ako ng gown na pang kasal, project ko ngayon ay ipromote ang gown.

"Syempre sakin pa rin yon, balik ka nalang sa life with a good guy mo"natatawang sambit nito, hindi na ako sumagot at nag trabaho nalang.

Life With A Good Guy (LTM Series #1)Where stories live. Discover now