Chapter 34: Bakit? Bakit Vera/Gab?

102 2 1
                                    

[[A/N: Hindi lang to nangyari within one day. Every space between lines indicates another day]]

“Alam mo bessy kapag sinasabi ko na kayo na ni Gab. Alam mo kung anong sasabihin nila. Ehem ehem”

“Wehh? Sabihin mo sa bestfriend mo na magtigil na sa kakangarap. Or di kaya. Hahaha! Asa naman siya. Get lost!” ginagaya pa niya talaga yung boses nila. Yung maliit na boses at boses maarte.

Tinawanan ko lang.

“Ano ka ba bessy! This is not funny! This is alarming!”

“Chill ka lang bessy. O! Ayan na si sir”

“Bessy!” pero sinenyasan ko na lang siyang bumalik sa upuan niya. Nagdadabog pa nga siya eh. Tinawanan ko lang siya.

Nakangiti ako. Pero deep inside eh malungkot ako at nasasaktan ako.

Dalawang linggo na kami ni Gab. Pero wala pa rin akong progress na nararamdaman. Ako lagi ang nag-e-effort na magkasama kami. At kahit na magkasama kami eh parang hangin lang ang katabi ko.

Hayy. Sabi ko sa sarili ko na ok lang to. At least naman di ba? Kami! Oo. Tama! Yun na lang ang iisipin ko. Boyfriend ko na naman si Gab at girlfriend na naman niya ako.

Ang kina-e-excite ko eh next week eh 1st monthsary na namin. Biro niyo yun? Tatagal pala kami ng 1 month. Yung fact pa lang nay un eh masaya na ako.

Kasama ko ngayong lunch si Enne. Busy daw kasi si Gab. At si Jason naman eh hiniram muna sandal si Juli. Nako! Ayaw pang umamin nung dalawa na nagkakamabutihan na sila.

“Sure ka bang mahal ka niya?” tanong niya sa akin habang kumakain kami ng niluto ko. Dapat sa amin to ni Gab kaso...

*Flashback*

“Gab!” lumapit agad ako sa upuan niya pagaka-ring ng bell. Baka kasi di ko na naman siya maabutan.

“What?!” galit na lingon niya sa akin.

Natakot tuloy ako. Napatingin lang siya sa akin ng WHAT-DO-YOU-WANT look.

“N-Nag prepare ako ng lunch. Sabay ulit tayo? T-Tagal na kasi nati---“

“I’m busy you know? At isa pa stop preparing foods. I prefer foods from the cafeteria” sabay alis.

Naluha na naman ako. Pero pinigilan ko agad kasi baka may iba pang makakita sa akin.

*End of Flashback*

“Hindi ba masarap?” malungkot na tanong ko.

“Ang alin?”

“Yang niluto ko”

“Niluto mo to?”

“: ( Bakit? Ganun ba kasama yung lasa?”

“No! I mean... I never thought na masarap ka pa lang magluto”

“Really? Masarap?”

“Exactly! Basta kapag tinanggihan na naman niya eh sa akin mo lang ibibigay ha?”

“Hayy” nalungkot naman ako sa sinabi ni Enne.

“S-Sorry. A-Ang ib-ibig ko---“

“No. It’s okay” then I faked a smile.

“Kumain ka nga!”

“No need. Busog na ako. Makita pa nga lang kitang lamunin yang niluto ko eh nabubusog na ako”

“Loko ka ah! Maka-lamon naman. Ganun ba ako?”

“Ahmmm... Oo?”

“Bad! You’re bad! Eh kung sa masarap eh. Kasalanan mo to kasi sinarapan mo yung luto mo”

Pinakadakilang TangaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon