FELIZ'S POV
Ilang minuto ang lumipas ay nasa malaking gate na ako ng Orphanage.
"ORPHANAGE DE LA FELICIDAD"
Ito ang bahay na kinalakihan ko, bahay na nanaisin kong balikan kahit na magkaroon man ako ng sarili ko ng buhay.
Ng buksan ko na ang gate ay agad naman akong ginulat ng mga bata na tumatago pala rito.
"Ate!"
"Ate Feliz!"
"Ate Eli!"
"Ate Ganda!"
Sabay-sabay na tawag nila sa'kin.
"Ate, buti nalang napa-aga ka ulit.." naglalambing na wika sa'kin ni Ton Ton.
Si Ton Ton ang batang lalaki na una kong inalagaan. Isa rin siya sa mga batang inambanduna ng kaniyang mga magulang.
Natagpuan na lamang namin siya malapit sa gate ng Orphanage. Ako at si Anna ang nakarinig sa umiiyak na sanggol nang gabing itatapon namin ang mga basura.
Awa ang unang naramdaman ko ng makita ko si Ton Ton sa mga panahon na iyon. Kung kaya't ako mismo ang nag-ako ng responsabilidad na alagaan ito kahit na pamilya narin ang turingan namin sa isa't-isa.
"Ikaw talaga Ton Ton, namiss mo kaagad si Ate." Biro ko rito sabay gulo sa buhok niya.
Yinakap naman ako sa likod ni Lette, ang pinaka maliit at pinaka makulit sa kanilang apat.
"Ate Ganda, pwede na ba kain yan" bulol nitong Turo sa pasalubong na dala ko.
Napatawa naman ako sa sinabi nito kaya pinisil ko ang maumbok nitong pisngi.
"Oo naman.. para sa Inyo itong lahat, pero hati hati muna ha. Wala pa kase akong sapat na pera para tig-iisa kayo."
Tumango naman ng ilang ulit ang mga ito at di napigilang magsalita ng batang si Ashley na maskilala sa palayaw na Lei.
"Ate Feliz, paano po niyan. Hindi ka po makakipon ng pera para tig-iisa kami kung araw-araw po dumarami kami?" Inosenteng tanong nito.
Tumawa ako sa tanong ni Lei, hindi ko lubos na akalahin na sa murang edad na otso ay kaya na niyang kalkyulahin ang mga bagay-bagay.
Totoo ngang maraming bagong bata ang nadaragdag at madalang din ang mga batang inaampun ng mga mag-asawang hindi magkaroon ng mga anak.
Karamihan kase sa mga ito ay mas gustong sanggol pa lamang o nasa isa hanggang tatlong taon pa lamang na gulang ang aampunin nilang bata.
Kaya't maraming tumatanda na sa bahay ampunan at siyang tumutulong sa pagpapatakbo nito kasama ang mga Madre.
Huminga muna ako ng malalim Bago ko siya sagutin.
"Ang talino talaga ng Lei namin, ang sagot ko lang naman diyan ay..."
Mahaba kong saad na para bang pinapahulaan ko sa kanila ang isasagot ko.
"Marameng peyra." Natutuwang sagot ni Lette kahit na bulol ito.
Agad namang napailing si Ton Ton at sumagot narin.
" Trabaho!" Taas noong sabi nito na parang bilib sa kaniyang sagot.
Hanggang sa hindi narin napigilang hindi magsalita ng batang si Yumi.
" Determinasyon po, Ate Eli." Nahihiyang sagot nito.
Napangiti ako ng marinig ko ulit ang munting tinig niya.
Lahat ng bata ay nakatingin sakaniya nang magsalita ito.
Si Yumi ay kilalang hindi pala-imik, pala-kaibigan at higit sa lahat tahimik. Isa rin kase ito sa mga batang nakaranas ng pang-aabuso mula sa mga magulang nito.
BINABASA MO ANG
Flowers For Him
RomanceFlowers For Him Every day, he received a flower from a secret admirer. Who was it from, and why him?