KABANATA 01

7 4 0
                                    

(Hunyo sais )





Madilim na kalangitan ang siyang makikita sa labas ng kompanya na animo'y may bantang dala. Kahindik hindik na tunog ng kampana Naman ang bumulabog sa di kalayuan kung nasaan nakatayo ang simbahan De Albaña.





Umaga pa lamang, ito na ang bumungad sa mga tauhan ng Kompanya, Nais na sanang umuwi ng iba o hindi na lamang tumuloy pa dahil sa kakaibang mga kaganapan nitong mga nakaraang araw.





Ngunit, dahil sa kailangan na kailangan ng trabaho at Pera ng mga tauhan, napag pasyahan na lamang ng iilan na pumasok upang may maiuwing pera para sa kanilang pamilya.






Alas sais pa lamang ng mag simulang tumunog ang bandana, batid na may banta itong dala. Pinatutunog lamang ang kampana sa tuwing mayroong sakuna sa bayan ng Albaneya.




Nag bukas ang malaking pinto ng kompanya Los Vantes.




Isang Van na itim ang pumasok, lulan ang isang hindi kilalang matandang lalaki.



Kasama ang isang binatilyo na nakatanaw lamang sa bintana.




BEEP!!!!





Isang dalagita ang kumakaripas ng takbo, dahilan para mapapreno si mang Erning ang driver ng van na kapapasok lamang.




"What happened Erning?" Tanong ng matanda na tila nabigla rin sa nangyari.





"May dumaan lamang ho, Señor pasensya na ho sa aking pag preno"
Pag hingi nito ng pasensya na matandang tinawag niyang señor.




Huminto na ang sasakyan, bumaba narin ang mga lulan ng suv na pinag maneho ni Mang Erning Kani kanina lamang.




Sa kalagitnaan ng kanilang pag lalakad sa hallway ay biglang bumuhos ang ulan.




kasabay neto ang kulog at kidlat na tila ba nag uunahan at nakikisabay pa sa kampana De Albaña.




"Doon ho señor!" Sigaw ni mang Erning na itinuturo ang isang cottage malapit sa parking lot.




Agad namang nag tungo roon ang matanda at ang iba pa " Mukhang hindi na hihinto ang ulan na ito, Erning tawagan mo si Herman at ipaalam mo sa kaniya na narito na tayo sa labas"





"Masusunod señor Lervañez!" Gaya ng sinabi ni Lervañez ay agad nitong tinawagan si Hernan ang manager ng kompanya.







Clarizza Ramies
Montego POV

Ilang minuto na lamang at tiyak na mahuhuli na ako sa trabaho, nag madali ako sa pag lalakad, Halos mapa karipas na nga ako ng takbo upang makaabot lamang sa itinakdang oras ng aming pag pasok.







Nakakainis naman kase! Hindi manlang ako ginising ni Tiya Acela, hystt.








Narito tuloy ako nakikipag karerahan sa isang sa sakyang kulay itim, kung bakit ba naman Kase ay nakikisabay pa ito sa akin.








Tila nag babadya pa ang ulan, kanina pa makulimlim at sinabayan pa ito ng kahindik hindik na tunog ng kampana.






Nakatingin ako sa relo na aking suot suot, shocks! Late na ako!







Sa pag mamadali ay hindi ko na namalayan na napa takbo ako.







BEEP!!







Busena ng sasakyan na kanina pa nakikipag paligsahan sakin sa pag pasok, Susko! muntik na ako roon!







Mabuti na lamang at nakapreno ito, napa sign of the cross pa ako habang patuloy na tumatakbo.







Saktong pag tunog ng buzzer ay nakarating narin ako sa pwesto ko. Nakikita ko nanaman ang nakataas na mga kilay ni Miss Vion.







Kahit kailan talaga ay nabibwesit ako sa pag mumukha niya, Bukod sa palagi na lamang galit, Istrikto at maingay din siya.







"Clariz, Mabuti at nakaabot ka" Bulong sa akin ni Milkha.








"Simulan na ang trabaho!" Hindi ko na nasagot pa si Milkha ng mag simula nanamang mag ingay si Miss Vion.







Kahit kailan talaga hysttt, kailan Kaya gaganda ang ugali niya? Umagang umaga ay na babadtrip nanaman ako ng dahil sa kaniya.









Nasa kalagitnaan na kami ng pag tatrabaho ng may lumapit sa aming Isang matangkad na lalaki, maputi at may pagka singkit.







"Miss, Tama ba ang ginagawa mo?" Tanong nito sa akin habang naka cross arms.







Ano ba sa tingin niya ang ginagawa ko mali?







Tinaasan ko lamang ito ng kilay at muling ipinag patuloy ang aking ginagawa.






Mag sasalita pa sana ito ngunit, Hindi na nito naituloy pa ng dumating ang Isang babae at hinila na ito papalayo.







Sino naman kaya Ang galunggong na iyon!








"Uy clarizza, bakit mo naman sinungitan si sir Theon?" Kalabit sa akin ni Milkha.







Sir Theon?!








"Sino iyon?" Na curious lang ako now ko lang kase siya nakita.







"Sus, Junior super visor natin hindi mo kilala?!" Nanlalaki naman ang butas ng ilong ni Milkha.







"Tss, di naman ako interesadong makilala sila" maikling sagot ko at ipinag patuloy na lamang ang pag gawa.








"Kahit kailan ka talaga clariz, Ang pogi kaya ni sir Theon"Kinikilig pang aniya.








Basta Pogi talaga mabilis iyang si Milkha.









Tatanda rin naman yan, kukupas ang itsura.







Mag dadaldal pa sana si Milkha, Buti na lamang ay lumingon sa amin si Miss Vion, Kaya nanahimik ang Babaita.







Si Miss Vion lang talaga katapat netong si Milkha. Napaka daldal kasi, pero believe din ako sa kaniya ha Hindi na uubosan ng topic.







Ilang minuto na akong nakatayo, Medyo nangangalay na ako, pero kere pa naman para sa kinabukasan ng Bataan!







"Nagugutom na me" rinig Kong reklamo ni milkha. Kahit ako ay nagugutom narin tinitiis ko lamang








Wala pa kaseng break time, baka Mamaya ay mag bunganga nanaman si Miss Vion, Mahirap na.







AkdaNiClara







  








































Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jun 09 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Longest Night Series #1Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon