Chapter 23

53 1 2
                                    

Hindi pakakawalan

Sabado ngayon at maaga akong nagising. Hindi pa rin ako makapaniwala na nanalo kami sa pageant. Overall champion ba naman kami sa foundation day. Tang ina, tapos ang ganda ganda pa ng babaeng mahal ko.

Nagluto ako ng mga pagkain para sa date namin ni Eliana ngayon. Ice-celebrate namin ang aming achievements sa lugar na pinupuntahan naming dalawa. Hulog na hulog na ako at hindi ko na kayang pigilan pa ang nararamdaman ko para sa kanya.

Habang nagluluto, tumunog ang cellphone ko at si Mama na naman 'yon. Mukhang ayaw akong tantanan tungkol kay Eliana. Gustong-gusto agad makita, e. We are not yet official at hindi pa niya pinapaunlakan ang panliligaw na ginagawa ko.

"Hello, Ma."

"Kumuta na, 'nak? Sinagot ka na ba ng nililigawan mo?" Si Mama talaga.

Excited na excited ang boses niya.

"Hindi pa, Ma. Ayaw ko siyang madaliin," malambing kong sagot sa aking Ina. "At ayaw ko sagutin niya agad ako kasi gusto ko pa siyang paghirapan.

Tumawa siya sa kabilang linya.

"Ang malas mo naman, 'nak. Ano ba ang kasalanan mo at bakit hindi ka pa niya sinasagot?" Muling usisa nito sa akin.

Napabuntong hininga na lang ako sa kakulitan ni Mama.

"Ma, hindi lang niya talaga type 'yong mga lalaking manloloko sa babae." Utas ko at kinagat ang labi ko.

Hindi ko naman minamadali ang pagsagot sa akin ni Eliana. Hindi rin naman ako naiinip kasi gusto kong paghirapan pa siya kasi deserve niya 'yon, e. Eliana is a good woman and I want her to see that I am persistent to court her.

Narinig ko ang buntong hininga ni Mama.

"Kung bakit naman kasi anak, napaka playboy mo! Kinakarma ka tuloy!" bulalas niya.

Natawa ako. "Gwapo kasi ng anak niyo, Ma. Tapos habulin pa."

Minura lang niya ako pero pabiro lamang 'yon. Si Mama talaga napaka kalog. Para lang kaming magbarkada kung mag-usap pero syempre alam ko naman na limitahan ang sarili ko. Mahal na mahal ko siya, e. Pati na rin ang kapatid kong babae.

"Pero seryoso ako sa kanya, Mama. Hindi ko siya basta gusto lang dahil sa interesado ako," ani ko at bumuntong hininga. "Pinili ko lang baguhin 'yong sarili ko para sa kanya at patunayan na siya lang at walang iba."

"Ang sweet mo naman, 'nak. Sana sagutin ka na niya kasi gustong-gusto ko na siyang makilala. Please, send my regards to her." Sabi ni Mama.

Ngumiti ako. "Makakarating, Mama. Ingat kayo palagi diyan."

Ibinaba ko na ang tawag at tinapos ang pagluluto. Nag-bake din ako ng cookies para sa dessert namin. Noong matapos akong magluto, binalot ko na 'yon sa mga container. Mabuti na lang at may nabili pa ako sa grocery store kahapon. Pasado alas otso na nang umaga ako natapos sa pag-pre-prepare.

Umakyat ako patungo sa aking kwarto at kinuha ang aking cellphone. I am still topless and sweaty. Mamaya na ako maliligo para mapakapagpahinga pa ng kaunti.

Nang buksan ko ang aking messenger, sunod-sunod agad ang pasok ng message doon lalo na sa group chat namin ng mga kaibigan ko. Unang bungad 'yon sa akin kaya napairap na lang ako.

MGA CHISMOSONG UNGGOY

Travis: Good morning, master @Silver! Hindi mo ba kami isasama sa lakad niyo?

Carlo: Hahaha wala. Gustong masolo ang bebe niya ^.^

Gerard: Tayo na lang ang mag-celebrate. Hayaan niyo na si master @Silver dahil mukhang dumidiskarte 😎😎

Nag-type ako ng i-re-reply ko sa kanila. Ang aga-aga nilang gumising para lang mag-usisa at may balak pa talaga silang sumama sa lakad namin ng Eliana ko.

Playboy's ConfessionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon