𖡎
Chapter 12
#wrewp
I took gentle licks on the ice cream as it melted down on my tongue. Salubong ang kilay ko habang tahimik na nakaupo sa tapat ng John's. Katabi ko si Gabe na abala sa pagdutdot ng kaniyang cellphone dahil sa laro.
Two days. Two days already and I still couldn't forget the words that came out of Grant's mouth. Sanay naman akong pinupuri sa pisikal na panlabas ko. Many people say that I looked attractive, even comparing my skin to snow. They also often say that just looking at me, they could already imagine how good I smell. Amoy baby. Amoy mabango.
But none of them told me that I was pretty.
Not until Grant did.
"Gabe," tawag ko.
"Oh? Bakit?" Saglit niya akong nilingon bago muling binalik ang tingin sa phone. "Bobo ng core! Tanga ampota masyadong maasim! Ang lalim na nga!"
"Ang ganda mo," I said, not batting an eyelash.
His phone slipped in his hand as he looked at me, eyes startled. "Gago?"
"Ang sarap mong titigan."
Napatayo si Gabe at lumayo sa akin. "Putang ina ano bang pinagsasasabi mo dude!"
Umatras siya habang yakap ang sarili, natatakot sa lumalabas sa bibig ko. Bumuntong hininga ako at mas nagsalubong ang kilay. Exactly! It was weird to hear. Gabe's reaction was indeed an explanation that it wasn't normal. Kaya anong problema no'n ni Grant at nagkakagano'n? Inaasar niya ba ako? Ang weird naman niyang mang-asar! Weird shit!
"Calm down, bro. I'm just kidding," I said, still confused as I grazed my tongue on the ice cream.
Nagtataka akong pinagmasdan ni Gabe bago dahan-dahang kinuha ang phone niya. Umupo siya ulit pero mas malayo na sa akin. Siraulo naman 'to. Akala mo naman may ginawa akong masama!
"Huwag gano'n, dude. Nanggugulat ka eh."
"Hindi ba normal na sabihan ka ng gano'n?"
"Puwede naman. Pero parehas kasi tayong lalaki. Hindi ako sanay." Kumamot siya sa batok pagkatapos ay bahagyang natawa. "Alam ko namang masarap ako titigan dude pero hinay-hinay lang. Bads tayo, eh."
Baka kasi naging masyadong mayabang ang dating ko nang tanungin ko siya kung nagbabago habang tumatagal ang titig? Kaya inasar niya ako? Hinayaan ko na lang ang sarili kong umikot sa gano'ng pag-iisip at hindi na mas pinalalim pa.
I've been so insecure about my looks despite compliments I hear from people. Siguro dahil hindi ko pinapansin masyado ang mga papuri na walang kinalaman sa pag-aaral. I prefer hearing compliments on how good I was in academics than my physique. Ano namang gagawin ko sa panlabas kong anyo? Magagamit ko ba iyan bilang sagot sa mga exam? Hindi naman.
Kaparehas lang din ng patakaran sa ibang paaralan kung saan pinagbabawal ang mga estudyante na magsuot ng partikular na kasuotan, o 'di kaya naman ay pagkukulay ng buhok, o pagsusuot ng hikaw. Anong kinalaman no'n sa pag-aaral? Ang weirdo.
Naging abala ako sa pag-pra-practice para sa paparating na event ng school. There was a competition for speech or talumpati. District level iyon at ang school namin ang napiling gaganapan ng kompetisyon. Ang mga kalahok ay nagmula sa iba't ibang school kaya magpe-perform ang dance troupe at iba pang mga organization. The purpose was to give a solid impression to the visitors.
I was included in the lineup so I frequently rehearse with the chosen members. Pero syempre, hindi ko hinayaan na hindi ako maka-catch up sa klase. I still didn't neglect my academics. Todo pa rin ang pag-aaral ko.