NAKAHINGA ng maluwag si Lime nang marinig si Amora na nag 'I do'. Nang tinanong palang ito ng pari para na siyang maiihi sa kaba. Ilang araw rin nuyang sinuyo ang babae dahil sa kagagawan ng kaibigan niya nong stag party niya. Halos ayaw na ni Amora makita ang pagmumukha niya. Kaya naman ganoon na lamang ang kaba niyang naramdaman.
Napaka-suwerte niya at gustong magpakasal sa kaniya ang babae.
And when she said "I do', nawala ang kaba niya at napalitan ito ng saya.
Asher was their ring bearer. Panay nan iyak ng Mommy niya, kasabay nitong lumuluha ang ina ni Amora. And daddy naman niya ay panay ang iwas sa hampas ng mommy niya.
"I pronounce you, husband and wife," malakas na sabi ng pari at naghiyawan ang mga tao sa loob ng simbahan at nangunguna roon ay si Noah.
Halos lahat ng bisita ay kanya. His friends, business colleagues, relatives, and employees. Ang kay Amora lang ay ang ina nito na siyang naghatid dito sa altar at pinsang nitong umuwi pa galing ibang bansa. Nandito rin ang kaibigan niyang si Luna na halos umabot sa tainga ang ngiti ng malamang anak niya talaga si Asher.
Niyakap niya ang maganda niyang asawa at hinalikan sa mga labi. Their visitors roared again. Lime could hear his mother crying out loud and her friend shouting.
Nang maghiwalay ang mga labi nila, ang mga kaibigan niya at asawa nito ay agad na lumapit para magpapicture.
"Nasaan si Cloud?" Tanong ni Amora sa kaniya.
"I'm here, madam." Sagot naman ng kaibigan niya.
"Kunan mo na kami ng larawan,"sabi ni Cloud sa likod niya.
"Copy sir."anang lalaki na may hawak na camera.
"Say sex !" Ani ni Noah.
"Sex!"Sabay na sabi ng tatlo niyang kaibigan.
Bumuga ng hangin si Lime. "Yang mga bunganga niyo. Nasa simbahan tayo."
Malakas na tumawa si Cloud. "Makinig kayo sa banal nating kaibigan. Mamaya pang gabi lalabas ang sungay nito. " nanunudyo itong ngumiti kay Amora. "Kaya ihanda muna ang sarili mo Mrs. Samaniego, mukhang may mangangalabit sayo mamaya.
Sana magalit naman si Amora sa mga kaibigan niya, pero panay lang ang ngiti at at tawa ng kaniyang asawa.
Pagkatapos nilang magpa-picture ay pumunta na sila sa reception na nasa hotel na pagmamay-ari ng kaibigan niyang si Noah gaganapin. Dahil libre daw nito ang reception nila kaya hindi na siya tumanggi.
Nang makarating na sila roon, naroon na lahat ng bisita nila. Pinaupo sila sa mahabang lamesa.
Masayang nagsimula ang reception.
"Okay, ihagis na ang garter," sabi ng kaibigan ni Amora na si Luna na emcee nila. "Lime, tumalikod ka at ihagis mo ang garter."
Sinunod naman niya ang utos nito at inihagis ang garter. Nang tingnan niya kung sino ang nakasalo, tumawa siya ng makitang hawak ni Cloud ang garter. Hindi maipinta ang mukha nito.
"Sabi konang ayokong sumali, e!" Anito na parang batang nakasimangot.
"Hindi naman magagalit ang bebe love mo kung may ibang nakasalo ng bouquet dahil wala naman kayong label," sabi ni Noah at tawang-twa.
And then it was Amora's turn to throw the flower. Bago pa iyon maihagis ng asawa niya, inagaw na iyon ni Cloud at tumalbo patungong basurahan at itinapon ito.
"Ayokong may makakuha nito!" Sigaw nito habang tumatakbo patungo sa basurahan at itinapon doon ang bulaklak.
"Sorry, girls,"hingi ng tawad ni Amora sa mga kababaihan na sasalo sana ng bouquet. "Takot na sa iba mapunta."
YOU ARE READING
OBS 3: Our Sweet And Sour Love
RomanceWARNING: MATURED CONTENT INSIDE |🔞 OBSESSION SERIES #3 [Laurence Lime Samaniego] Laurence Lime Samaniego was a playboy, self-centred, charismatic, and talkative(tsismoso) like his friend, Noah. He was handsome with his green eyes and set of dimples...