Chapter 12

33 14 4
                                    


We're at the library working on our English project.

"Can you check if this is okay?" Tresha handed me her notebook where she wrote the overview of the story we chose. I immediately checked it.

"Just a few grammatical errors. I'll fix them, it's not much."

"Omki!" She said cutely, then glanced at what our other group members were doing.

Muli akong humarap sa laptop para ipagpatuloy ang pagcocoding. Inuna ko na yung akin dahil sa'kin ang unang natapos, as for the others ay ginagawa na nila ang kanilang parts. Thankful rin talaga ko dahil walang pabigat, lahat matino. Meron lang na kailangan munang turuan bago niya magawa ang parte niya. 

"Uy pen, totoo bang magkasama kayo ni Jamie nung nakaraang araw?"
Biglang tanong ni Maddison. Saglit ko siyang tinapunan ng tingin at kinabahang binalik sa screen ang paningin. Shuck may nakakita ba samin nung sabay kaming pumasok?

"Hu bakit mo natanong?" Balik kong tanong sa kaniya habang muling nagpatuloy sa pagcocode.

Nakita ko sa gilid ng mga mata ko ang bahagyang pag-urong ni Tresha at Maddi palapit sa upuan ko.

Habang ang isa pa naming kagrupo na si Sics ay humalimbbaa sa mesa na nasa kabilang gilid ko para tingnan ako mula sa baba.

"Nakita ng pinsan ko kahapon magkasabay kayong pumasok sa gate. Classmate niya si Jam" Tresha answered.

"Ah . . . . O-oo . . . " I trailed off. I tried hard not to looked at them, pakiramdam ko mahihinuha nila ang iniisip ko kapag sinalubong ko ang nanunukso nilang mga tingin. "Magkasabay lang kaming pumasok nun. Nagkasabay .  . . "
Hindi ko na maintindihan yung tinitipa ko sa laptop dahil sa tensyong nararamdaman ko. Pakiramdam ko nasa isa kong interrogation.

"Hmm nagkasabay? Pagkakaalam ko, may motor si Jamie. Sabi kase ng pinsan ko, sakay kayo ng tricycle pumuntang school" she added. Nakita niya rin yun?!

"Hindi naman nakakapagtaka yun. Nuon pa man ay may gusto na si Pen kay Jam. Hindi rin naman malayong magustuhan siya ni Jam dahil maganda si Pen" si Elesh ang sumagot.
Seryuso ang expression habang tuloy-tuloy sa pagsusulat sa sarili niyang laptop.

Yun ata ang unang beses na marinig ko siyang magsalita ng ganun kahaba, sa paraang tungkol pa sa'kin.

Tingin niya maganda ako? Di hamak naman ata na mas maganda siya. Walang duda rin dahil may lahi siyang Korean.

"Anong nagustuhan mo sa panget na yun Ballpen?!" Biglang sabat ni Ryan sa usapan. Nasa pinakasulok siya ng mesa habang halata sa mukha na hirap na hirap ito sa ginagawa.

Yung pinakamadaling part na nga yung binigay ko at tinuruan ko pa siya kung paano pero nahihirapan parin siya?

"Kung iinsultuhin mo lang din naman si del Reyes, wag ka nalang sumabay puwede"
Naiinis kong sagot. Ang insultuhin si del Reyes ay isang bagay na hindi ko mapapalampas. Haha! Sino ngayon ang panget sa kanilang dalawa hmmpt!

"Boooo! Wag kana kaseng sumabat. Matutong tumahimik kapag nakakapanget" balik na insulto ni Maddison kay Ryan. Haha Desurv. Pero parang masakit yung sinabi niya ha.

"Luh nagsalita ang nakakapanget"

"Wow! Nahiya ako sa mukha mong maraming dot dot"

"Wow karin! Mula dito abot yang hininga mong amoy putok"

"Anong sabi mo?!"

"Tumigil nga kayo. Nasa Library tayo. Kapag hindi kayo tumigil, mapapalayas tayo dito" awat ni Eleash.
Hays . . . . kahit sa classroom ay palagi silang nagbabangayan. Ewan ko nalang kung hindi sila magkadevelopan.
Ilang sandali ay natapos rin kami sa ginagawa.

Bestow Your Affections On (Highschool Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon