Chapter 36

143 8 0
                                    

Wave's POV

"Ilan araw mo na ko inaaya uminom. Babye atay talaga Wave!" Reklamo ni Chase.

"Edi umuwi ka na. Wala naman ako sinabi na damayan mo ko." Anas ko.

Inubos ko yung alak sa baso ko at kinuha yung kanya.

"Wave hanggang kailan ka magkakaganto?" Tanong niya.

Napahinto ako sa sinabi niya.

"Ewan ko." Maikli kong sagot.

"Alam mo Wave hindi masosolve ang problema mo sa kakaganto mo." Pangangaral niya sakin.

Hindi ko mapigilan maiyak.

"Hindi ko kasi alam gagawin ko Chase eh. Lahat sila nilihim ang tunay na pagkatao ko. Hindi ko maintindihan. Wala ako maintindihan." Iyak ko.

"Kung hindi mo maintindihan edi bumalik ka dun at hayaan mo ipaintindi sayo ni Val ang lahat." Utos niya.

"Isa pa yan! Hindi naman niya talaga ako minahal bilang ako eh! Mahal niya ako kasi ako ang asawa niya! Ako si Artemis!" Sigaw ko.

"Oh? Anong problema dun? Ikaw at si Artemis ay iisa. Kahit sino pa ang mahalin niya ikaw pa rin yun." Anas niya.

"Paano kung hindi ako si Artemis? Papatulan niya ba ko?" Tanong ko.

Napaisip siya sa tanong ko.

"Oh diba? Hindi! Malabo!" Ako na ang sumagot.

"Bakit ka ganyan mag isip sa girlfriend mo?" Tanong niya.

"Bakit?" Pagtataka ko.

Magsasalita na siya siya pero may biglang sumingit.

"Wave." Tawag niya sakin.

Parehas kami ni Chase napalingon.

"Sino ka?" Tanong ko.

"I'm Atty. Chin Legaspi your company's Lawyer." Pakilala niya.

"Anong kailangan mo sakin?" Tanong ko.

"Kailangan ka namin Wave. We need you to save the Airline." Sagot niya.

Bigla ako na tawa sa sinabi niya.

"Matapos niyo ko gaguhin? Kakailanganin niyo ko? HAHAHAHA!" Sarkastiko kong sabi.

"Wave malaki ang mawawala pag hindi mo kami tutulungan. Sumama ka na samin pabalik ng Manila. You need to-"

Nagulat na lang kami dahil may biglang humila sakanya.

"What the hell are you doing?!" Sigaw ni Yanna.

Jane's POV

After ng ilang araw na stress namin deserve rin naman ata namin magchill diba?

Kaya inaya ko sila na magbar kahit ngayon gabi lang.

Buti na lang at pumayag din sila.

"Kalimutan mo muna ang prob mo Val ngayon!" Sabi ko kay Val.

Nginitian niya lang ako sabay inom ng alak.

Ilan araw na rin kasi yan problematic sa asawa niyang parang tanga.

Apat lang pala kami ni Val, Yanna at Atty. Chin.

Wala si HoneyMyLoveSoSweet ko dahil masakit ang ulo.

Si ate Cal naman busy sa resort.

"Cr lang ako ah." Paalam ni Atty. Chin sabay alis.

Hinayaan naman namin siya dahil busy kami bwisitin si Yanna sa love life niya na ayaw pa aminin.

Ay ako lang pala dahil si Val ilan araw na siyang lutang.

"Come with me. Ubos na food natin because you eat it all." Utos ni Yanna.

Wala na ko nagawa at tumayo na lang.

Pero hindi pa man kami nakakapunta sa counter nakita na namin si Atty. Chin kausap si Wave.

Parang flash na lumapit si Yanna para pigilan si Atty. Chin.

"Ano ba Yanna kailangan na natin siya! Yung Airline makukuha na ng iba!" Sigaw ni Atty. Chin.

"You don't have the right na pangunahan si Val sa mga decisions niya Atty.!" Sigaw ni Yanna.

"Anong nangyayari dito?" Biglang singit ni Val.

Tinignan lang namin si Atty. Chin dahil siya dapat ang mag explain ng gantong bagay.

"Sinabi ko na kailangan na natin siya. Na kailangan na niya isalba ang Airline. Yun lang naman ang dahilan bakit tayo nandito ngayon diba?" Sagot ni Atty. Chin.

"You little fucki-" Sigaw ni Yanna habang pasugod siya sa kay Atty. Chin.

Buti at naawat ko.

Tinitignan ko ang reaction ni Wave pero blanko lang ang mukha niya.

"Matapos niyo kong gaguhin hihingian niyo ko ng tulong?" Saad niya.

"Wave." Paawang saad ni Val sabay lapit kay Wave para hawakan ang kamay niya.

Sinalag ni Wave ang kamay niya sabay umalis.

Agad agad din naman sumunod ang kaibigan neto.

"Look at what you've done! Now it's getting more complicated." Inis ni Yanna kay Atty. Chin.

"Ginawa ko lang yun para masalba ang Airline Capt. Roxas. Tandaan mo isa ka sa mawawalan ng trabaho pag nakuha yan." Kalmadong wika ni Atty. Chin.

"Fuck that reasons! You've should have wait Wave to heal from all of the pain she's going through! You're an attorney but you're not thinking straight!" Sigaw ni Yanna.

"Yanna tama na yan." Saway ni Val.

Tumingin si Val kay Atty. Chin.

"Bumalik ka na ng Manila Chin. You make things more difficult for me." Kalmadong wika neto.

Alam ko na nainis din si Val sa ginawa ni Atty. Chin pero marunong siya magcontrol ng feelings.

Kita naman sa mukha ni Atty. Chin na nakonsensya siya.

"Sige. Sorry Val. Ginawa ko lang naman yun kasi akala ko maiintindihan niya pag ako ang nag sabi." Pasensya neto.

Bumalik na kami sa Van para umuwi na lang.

"Ano bayan! Hindi manlang ako na lasing!" Reklamo ko.

"Can you please shut up?" Inis ni Yanna.

"Ito naman! Makareact kala mo siya yung asawa." Reklamo ko.

Our PastTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon