Chapter 5

3.1K 61 4
                                    

Sabrina

Nakita bumukas ang Pintuan ng simbahan na Hudyat na magsisimula na ang Wedding Ceremony. Unang pumasok ang Ring bearer, Kasunod ang mga cute na cute na mga Flowers girls. Kasunod pumasok ang mga Maid of Honors. Gusto ni Santi na isa ako sa mga Maid of Honors ng kasal niya kaso umatras ako. Tinawagan niya pa ako para e Confirm mismo sakin kung papayag ba ako sa kagustuhan niya.

Ako ang may ayaw kaya wala na siya nagawa pa.

Huling pumasok ang Bride ni Santi. Ang ganda at elegante ang wedding gown nito. She's really beautiful bride and I really do.

Dahan-dahan siya lumalakad sa Red carpet. Pangarap ko talaga ganito, Ang tipo maglalakad ako sa Red carpet sa Loob ng simbahan. Nakahawak ako sa Bisig ni Daddy tapos makikita ko sa harapan ko ang groom ko. Masaya kami dalawa ikakasal at mag-iisa dibdib kami sa harapan ng Diyos. Sa harapan ng mga tao mahalaga sa buhay namin.

Ang tanong kailan kaya mangyayare 'yun? May gusto nga ako lalaki kaso hindi puwede. Kasi Pari siya, Servant siya ni God.

Pagkatapos ng kasal panay ang shot ng cameraman sa harapan. Picture taking na ng mga relative! Hindi na ako nakisali dahil hindi naman ako mahilig sa mga ganiyan-ganiyan. Si Flordaliza ang kasama ko sa Reception. Marami handa pagkain na pwede pagpilian. Parang masisira ang Diet ko ngayon dahil sa mga handa sa kasalan.

Halos mapuno na ang plato ko dahil marami ako kinuha pagkain.

"Ate Sabrina akala ko ba diet ka?" Tanong ni Flordaliza habang nakatingin sa plato ko.

"Masarap ang mga pagkain kaya naparami ang kuha ko. Ngayon lang to nu kaya lubos-lubusin ko na" Napailing nalang siya sa sinabi ko.

"Ikaw ate Sabrina ilan taon kana ba?" Tanong niya. Umupo kami dalawa sa bakante lamesa.

"T-Twenty nine years old bakit?"Kumunot ang noo ko. Ang crunchy-crunchy ng balat ng letchon ng kagatin ko. Ang sarap!

"Twenty nine kana pala pero bakit hindi kapa nag-asawa ate? Naunahan ka Tuloy ni kuya santi mag-asawa" Aniya.

"Alam mo hindi ko naman minamadali ang ganiyan bagay,Darating din ako sa ganiyan" sabi ko.

"Kailan ate? Pag puti ng uwak" Natatawa sabi niya.

"Hindi naman nu!" Sabi ko" Alam mo ang dami mo Tanong Flor. Mabuti pa lantakan mo na yan pagkain na nasa harapan mo" sabi ko.

Malapit ko na maubos ang kinakain ko. Nilapitan ako ni Santi.

"Sabrina kumusta kana?" Umupo siya sa harapan ko.

"Ito okay lang" sabi ko."Congratulation Santi bagong kasal kana" Saad ko.

"Diba Manila girl ka ano ginagawa mo dito sa Tarlac. Na alala ko pa bata pa tayo ayaw na ayaw mo tumira dito sa Tarlac." Wika niya.

"Marami kasi ako ginawa kasalanan kay mama. Alam mo naman Santi mahilig ako sa barkada. Bar hoping, Mahilig ako mag travel, One time nahuli ako ni mama umuwi ako sa bahay na Lasing na Lasing kasi hindi ko na kaya umuwi mag-isa hinatid ako ng kaibigan ko si Abby."

"Then?"

"Galit na galit si mama sakin kaya pinatapon niya ako dito sa Tarlac para magbago ako" sabi ko. Natawa siya bigla sa sinabi ko.

"Ang Tanong nagbago kaba talaga Sabrina?" Umarko ang kilay niya.

"Oo kaya ko naman magbago" sabi ko.

Kinabukasan na alala ko gusto makipagkita sakin ni Father Ezra sa Estrella falls. Malapit lang naman sa bahay ni lola Dolores. Naligo muna ako bago pumunta sa sinabi tagpuan ni Father Ezra. Maong na pantalon ang sinuot ko at Blouse. Nag pulbos ako ng kaunti. Nagpahid ako ng kaunti lipstick sa labi.

MBS #2 Priest Falling Inlove [R-18] Complete Where stories live. Discover now