KABANATA 50

1 2 1
                                    


                                                         ⚜️Bella⚜️


* Ken?*


Nakikita ko siya sa malayo pero malabo yung hitsura niya.


" Kendrick?. Ikaw ba yan? Anong ginagawa mo jan sa dilim. Halikana bumalik na tayo. "


Kanina ko pa siya tinatawag pero nananatili lang siyang nakatanaw sakin. Hindi siya lumalapit.


Kaya ako nalang ang pupunta sa kanya. Pero sa bawat hakbang ko papalit sa kanya. Parang unti unti din siyang lumalayo sakin.


Tumatakbo na ako papunta sa kanya pero hindi ko siya maabutan. Patuloy lang siya sa paglayo sakin.


Anong nangyayari?


Bakit ka lumalayo sakin Ken? Iiwan mo ba ako?


" Ken..... " tawag ko sa kanya


* Hintayin moko, wag.... wag.... kang umalis*


' I'm really sorry Bells, But i have to do this. In time you'll understand. Till we meet again mylove. '


" Kendrickkkk!!" nagising ako sa isang masamang panaginip...


" Bellaaa. Okay ka lang.. Bakit ka sumisigaw. " agad na tumakbo si Alia papalapit sakin.


Ngayon ko lang napansin nasa isang kwarto na ako ng hospital at may swero ng nakakabit sa kamay ko.


Agad kong hinanap si Kendrick sa paligid ko pero wala siya.


" Ali... Anong nangyari?. Nasan.... nasaan si Kendrick. "tanong ko sa kanya.


" Hindi mo matandaan ang nangyari? Nagkasagutan kayo ng Daddy ni Kendrick. Nahimatay ka at nabagok ang ulo mo benches. "


Saka ko naalala ang nangyari kanina sa hallway.


" Si ken, ayos lang ba siya. Sinuntok niya yung Daddy niya kanina. Hindi ba siya mapapahamak dahil dun. "


" Isabella... Kumalma ka muna. Kendrick is okay. Umuwi lang siya sa kanila para kausapin ang Daddy niya. Magiging maayos din ang lahat."


Pero iba yun nararamdaman ko.


Pakiramdam ko hindi na babalik si Kendrick rito. At hindi ko na siya makikita ulit.


Sobrang totoo ng panaginip ko kasing totoo ng sakit na nararamdaman ko sa puso ko ngayon.


" Napanaginipan ko siya Ali. Nagpapaalam sakin si Ken. Umalis siya at iniwan niya ako.." malungkot na sabi ko sa kanya.


ARROWS OF THE FORESTTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon